BIRINGAN CITY

20 7 8
                                    

Ang syudad ng Biringan ay sikat sa pangalang 'The Lost City o Araw City.' Sa Samar matatagpuan ang naturang syudad. Pinapagitnaan ito ng tatlong lungsod ng Samar. Ang Gandara, Tarangnan at Pagsanghan.

May iba't-ibang bersyon ng mga kwentong barbero ang tungkol dito.

Katulad na lang ng kwento ng isang mangangaso na nawawala ng mahigit tatlong buwan, at nang nakalabas na ito ay sinalaysay niya ang tatlong araw niyang pag-ikot-ikot sa loob ng syudad.

Mayroon ding mga manlalayag ang napadpad sa isang misteryosong isla. Mahigit tatlong taon silang naglalayag sa dagat ng inabutan sila ng bagyo. Nagtago sila sa isang napakagandang isla. Sinalubong daw sila ng mga magagandang babae at pinagsilbihan ng mga masasarap na pagkain. Dalawa sa manlalayag ang hindi kumain dahil naghanap sila ng asin kaya nagulat na lang sila ng pagkagising nila kinabukasan ay nakahiga na sila sa baybayin at hindi na mahanap ang iba pang mga kasama. Ayon sa kwento nila ay tatlong buwan lang mahigit silang nag-iikot doon sa naturang isla na ang katumbas sa mortal na mundo ay apat na taon.

Marami pang mga kwentong barbero ang pinaniniwalaan ng mga nakatira malapit sa Biringan na hanggang ngayon ay nanatiling misteryo sa mga nakatira dito.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now