Kabanata 1:

19 6 15
                                    

Sagradong Lugar

MAT'YAGA akong naghintay na matapos ang paghahanda nina Ama at ng  kambal kung kapatid para sa pangangaso. Tumingala ako para aninagin ang liwanag na nagmula sa labas ng bintana. Malapit na palang magtakip-silim, nakatitiyak ako na kanina pa naghihintay ang kaibigan kung si Mauricia roon. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na sina ama at nang makaalis na ang mga ito ay sinuot ko agad ang damit ni Napoleon na kanina ko pa inihanda at maingat na itinali ang buhok pataas bago magsuot ng pantakip sa ulo.

Bago ako umalis ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid, nang mapagtanto ko na walang kahit isang tao ay nagmamadali akong sumampa sa bintana namin.  Kaagad kung hinila ang baging na nakalambitin lang sa gilid ng bintana at walang takot na nagpalipat-lipat sa mga baging na sinampahan bago makarating sa bukana ng sagradong kagubatan.

Nakaupo lang ako sa sanga ng puno na huling pinaglipatan ko. Inilinga ko ang aking paningin sa buong paligid at napangiti ng wala man lang akong makitang kahit anong panganib. Tumingin  ako sa ibaba para hagilapin kung nasaan nakapwesto ang aking kaibigan.  At hindi ako nabigo dahil mula sa punong sinampahan ko ay tanaw na tanaw ko na agad si Mauricia na palingon-lingon habang nagkukubli sa mga halamanan.

Isang kakaibang sipol ang aking pinakawalan na tanging si Mauricia lang ang nakakaalam. Mabilis pa ang paglingon nito sa likuran nito pero napakamot pa ito ng ulo ng hindi ako nito makita.

Natatawang binato ko agad ito ng bunga ng puno na sinampahan ko.  Mabilis ang naging pag-iwas nito sa bungang ibinato ko papalapit sa kan'ya at maliksing nasalo ito. Kaagad itong lumingon sa pinanggalingan ng bunga. Kinawayan ko agad ito at nang mapansin na niya ako ay agad ko siyang sinenyasan na umakyat na sa puno. Tumalima naman kaagad ito.

Mas mapapadali at mas ligtas kaming makarating sa pinakasentro ng sagradong kagubatan kung saan pagdausan ang pagpupulong ng mga pinuno. Hindi naman kami nahirapan marating ang pinakasentro ng sagradong kagubatan at matamang nag-antay.

Apatnapu't anim ang bilang ng mga nagpupulong ngayon, kasama na kaming dalawa ni Mauricia. Apat na pinaka-pinuno, Labindalawa sa mga ito ay ang mga opisyales ng aming lugar at ang natitirang dalawampu't walong manggagaway.

Ayon sa pinag-usapan nila ay may epidemyang salot na nangyayari sa mundo ng mga mortal at ang sanhi ng epidemya ay ang mga salamangkero na nakatira sa hilagang kanluran ng bundok na pumapagitan sa mundo namin at sa mundo ng mga tao. Hindi dapat mangealam ang lahi namin sa mga mortal dahil kami ang pag-iinitan ng mga salamangkerong nakatira sa hiligang kanlurang parte ng Biringan. Subalit, nagpahayag nang kautusan ang pinaka-pinuno sa lahi namin na tipunin lahat ng manggagaway at maghanap ng mga sangkap para sa lunas ng karamdaman ng mga mortal.

Noong una ay ayaw pumayag ng ibang mga pinuno sa kadahilanang natatakot silang masangkot sa malupit na salamangkero ngunit napagpasyahan ng lahat na kapag hindi sila tutulong sa mga mortal ay baka sakupin na ng mga itim na salamangkero ang mundo ng mga mortal at paniguradong pati ang nanahimik naming mundo ay pagplanuhan din nilang sakupin. Kaya hangga' ay hindi pa nangyayari iyon ay dapat supilin na ang kanilang masamang hangarin. At hindi naman binuo ang lahi namin para maging duwag sa mga ganitong sakuna. Dahil malakas ang paniniwala nang kalahi ko na may hangganan ang kasamaang gawain, at mananaig ang kabutihan sa huli.

***

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Oli?" Paniniguradong tanong ni Mauricia sa akin. "Masyadong mapanganib itong gagawin natin ngayon."

"Gusto kong makatulong, Mau. Para naman magkaroon ako nang silbi sa paningin ni Ina."

Gusto ko talagang patunayan sa aking pamilya  at sa lahi namin na kaya ko, bilang isang babae at alam ko na walang masama ang aking hangarin.

"Tara na!"

Nakangiting akbay sa akin ni Mau habang nakihalubilo na kami sa iba pang grupo ng mga manggagaway para magpunta sa mundo ng mga mortal.

Sa labas ng lagusan matatagpuan ang isang maliit na bundok na sakop na ng mga mortal. Sa bundok na iyon tumutubo ang mga halamang gamot para sa ano mang karamdaman.

Ito ang unang beses na sumama ako. Ang alam ng mga kasama namin ay mga lalaki kami kaya maingat talaga kami ni Mau para hindi mahalata ng iba. Kaya nga napili kong suotin ang damit ni Napoleon kasi magkaparehas kami ng kulay ng buhok at mata.

Isa-isa na kaming pumasok sa lagusan, ang bundok na pinuntahan namin ay walang pinagkaiba sa sagradong kagubatan.

"Magsimula na kayong maghanap. Magkita-kita ulit tayo dito bago magbukang-liwayway. Maliwanag?" Malakas na wika ng pinakapinuno sa grupo.

Tatlumpu't- isa kaming lahat na sumama. Mas marami, mas mabilis.

Nadestino kami ni Mau sa bandang Timog at naatasan kaming maghanap ng mga bulaklak  at herbal.

"Maaga pa naman, samahan mo muna ako Mau pumunta sa parteng iyon! " Masiglang wika ko sabay turo sa isang malaking puno na nagsilbing harang sa buong bundok.

"Naku!  Mag-aaksaya ka pa ng panahon! Sayang ang oras, Oli!"

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi ng aking kaibigan.

"Masyado ka namang seryoso. Sisilip lang naman tayo eh. Gusto ko lang talaga kasi makita kung anong klaseng mundo ang mundo ng mga mortal,"aniya ko sa kan'ya at hindi na hinintay pa itong sumagot dahil nagsimula na ako maglakad  papunta sa mga nagtatayugang puno.

"Bahala ka! Basta dito lang ako at magmamat'yag, para kung sakaling may mapagawi na isa sa mga kasamahan natin ay mabalaan kaagad kita!" Sumaludo pa si Mau sa akin na nagpapahiwatig na gawin ko na lang ang gusto kong gawin.

Nasasabik naman akong sumampa sa isang puno at ng makarating na ako sa pinakamataas na bahagi  ay agad kung hinawi  ang makakapal na dahon nito.  Bumulaga sa akin ang isang tanawin na katulad lang din sa mundo namin. Inilibot ko pa ang aking paningin.

Napansin ko na ang tanging kaibahan lamang nito ay gawa sa mga bato ang mga bahay ng mga mortal, na may iba't -ibang kulay at disenyo.  Gawa rin sa hindi ko matukoy kong anong klaseng bato ang ginawa nilang bubongan.

Manghang-mangha ako sa aking nakita. Nang biglang yumanig ang lupa. Muntikan na akong mahulog, mabuti na lang at napakapit ako.

"Oli, bumaba ka na! May paparating! " Babalang sigaw  ni Mau sa akin. Akmang bababa na sana ako ng bigla na namang yumanig.

" Manggagaway! Takbo! Bumalik na tayo sa lagusan! Ngayon na!" Patakbong sigaw ng mensaherong kasama namin at binalaan pa ang ibang mga kasamahan namin.

"Oli, bilisan mo! " Kabadong sigaw ulit ni Mau sa akin.

Akmang bababa na sana ako nang sumabit ang pantakip ko sa ulo at napigtas ang tali ng buhok ko. Hindi ko pwedeng iwanan ang pantakip sa ulo ko dahil kay Napoleon iyon. Mapaparusahan ako kapag nalaman nilang sumuway ako sa batas at mas lalong hindi ako pwedeng bumalik ng nakalugay ang mahaba at kulay pula kong buhok.

"Oli, halika na dahil magsasara na ang lagusan!" Sigaw na naman ni Mau sa akin. Hindi ko ito pinansin bagkus ay binalikan ko pa rin ang sumabit kong pantakip sa ulo.

'Pinahirapan mo pa ako!' Inis na wika ko nang makuha ko na ito. Pero sa kasamaang palad ay biglang nahati ang katawan ng malalaking puno na sinampahan ko kanina lang at isang nakasisilaw na liwanag ang muntikan nang magpabulag  sa akin. Sa sobrang liwanag nito ay hindi na ako makakilos at nadapa ako. Wala na akong makita, kaya mas pinili ko na lang ang pumikit.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now