Kabanata 13:

3 1 0
                                    

NAKAPASKIL ang matagumpay na  ngiti sa mga labi ni prinsesa Cara matapos nitong makausap ang espiyang oripon. Inutusan nilang magmanman ito sa mga taga-Waga, kapalit ng kalayaan nito bilang oripon sa kanilang lugar. Isa ito sa mga mapagkatiwalaan at magaling na oripon sa nasasakupan niya.  Ang oripon din na iyon ay isa sa mga babaeng inanakan ng kanyang nag-iisang anak na lalaki--si Carlos.  Ginawa niyang espiya ito ng matagumpay itong nakapagdala ng mga inosenteng mortal sa Mandaragat. At ang pinakamahusay na nagawa nito ay ang agawin ang asawa ni Demetria at dalhin ito sa lugar ng  mga mababait na engkanto--ang Waga. Matagumpay rin nitong naibalik  si Demetria sa Biringan. At ngayon ay nalalapit nang ikasal ito sa nag-iisang anak na si Carlos.

Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang babaeng engkantada na piniling mamuhay bilang isang mortal na babae--si Demetria.

"Malapit ko nang maisakatuparan ang mga plano ko!" Nakangising wika niya kay Demetria na kanina pa nakatingin sa kawalan. Araw-araw na ganito nalang ang laging madadatnan niya kapag bumibisita siya rito sa balay ng kaniyang anak.

Kinabibilangan si Demetria sa mga mababait na engkanto. Nasanay ito sa simpleng pamumuhay. Kaya ng mainlab ito sa isang lalaking mortal ay kaagad itong humingi ng basbas sa kambal niyang magkapatid na sina prinsepe Lino at prinsesa Olin.

Masaya na sana itong naninirahan sa mundo ng mga mortal, nang nagkrus ang landas ng anak niyang si Carlos. Hiniling ni Carlos na dalhin si Demetria sa Biringan upang maging asawa. Ngunit lagi nalang umuuwi itong bigo. Kaya nang inutusan niya ang oripon ni Carlos na si Marianna ay mabilis pa sa ipo-ipo ang nangyari sa buhay ni Demetria.

Malaki ang tsansa nilang mga taga-Mandaragat na mananalo kapag nag-iisang dibdib na sina Carlos at Demetria. Paniguradong magtatagumpay sila sa gawing pananakop sa mga taga-Waga kung mapaalis nila ang lahat ng unang sibol na anak na babae sa mga ito. At si Demetria ang isa sa mga unang sibol na anak ng mga pinuno ng taga-Waga.

Naputol ang pagmuni-muni niya ng biglang nagsalita si Demetria.

"Pakawalan mo na ako rito. Parang awa mo na. Kailangan ako nang mga anak ko." Umiiyak na paghingi nito ng awa sa kan'ya.

Inismiran niya lang ito, ni hindi man lang siya natinag sa ginawang pagmamakaawa nito sa kan'ya. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang awa. Kaya malabo pa sa maputik na ilog na matugunan niya ang hinihiling nito.

Tinapunan nya ito ng matalim na mga tingin, ang walang utang na loob na si Demetria.

"Masarap ang manirahan dito sa Mandaragat kaysa mundo ng mga mortal! Kaya bakit ninanais mo pang balikan ang masalimuot na  mundo ng mga mortal, kung sa kasalukuyan naman ay maginhawa ang pamumuhay mo?"

"Aanhin ko ang kasaganahan kung araw-araw namang naghihirap ang aking kalooban. Nasa mundong iyon ang aking buhay at ang tanging dahilan kaya pinipilit ko pang mabuhay."

Madramang tugon nito sa aking katanungan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang walang silbi na engkantadang ito pa ang napupusuan ng aking anak. 

Nagsimula na namang kumulo ang aking dugo. Masisira na naman ang araw ko dahil sa bobitang engkantadang ito.

"Hunghang ka talaga! Manang mana ka talaga sa marupok ninyong pinuno!" Singhal ko agad dito. " Marangya kang namumuhay dito! Tapos ganyan pa ang igaganti mo sa akin?!"

"Kahit ano pa ang sasabihin mo sa akin, hindi mo na mababago ang paniniwala ko. At hindi ko hiniling sa inyo na bigyan mo ako ng mga ganitong bagay. Dahil kailanman ay hindi ito ang pinangarap ko sa buhay."

Nakakarinding pakinggan ang paliwanag nito sa akin.

"Manahimik ka! " Naiiritang sigaw ko rito. "Walang silbi sa akin iyang paniniwala mo dahil sa ayaw at sa gusto mo. Mag-iisang dibdib na kayo ng anak ko! Naiintindihan mo?!"

Wala na itong nagawa sa naging desisyon ko. Hindi ko rin naman kailangan marinig ang opinyon nito. Ang mahalaga lang sa akin ang makasal sila ng anak ko sa madaling panahon upang masakop ko ang mundo ng mga mortal. At bago ko gawin iyon ay kailangan ko munang isa-isahing tanggalin ang mga unang sibol sa taga-Waga, para matagumpay ang pagsakop ko sa mga ito.

Malapit ko nang maisakatuparan iyon. Nasasabik na akong ipagdiriwang ang araw na iyon. At sa pamamagitan ng anak ni Marianna, tuluyan ko ng magagapi ang mga taga-Waga.

Isang nakakasuyang halakhak ang pinakawalan.



---

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now