Kabanata 22:

2 1 0
                                    

MAINIT na pagsalubong ang ginawa ng mga taga-Waga sa amin, na nauwi sa isang magarbong handaan.  Doble ang naging selebrasyon ng mga taga-Waga dahil sa pagbabalik ni Olivia.

Napag-alaman ko na may  mataas pala na tungkulin ang papa ni Olivia sa Waga. Isa ito sa mga magagaling na mandirigmang manggagaway ng Waga. Ang ina naman ni Olivia ay isa ring manggagaway pero mas pinili nitong mamalagi sa bahay. Ang tiyahin naman ni Olivia na pangalawang asawa ng kanyang ama ay isang maglilinang.

Lahat ng nakatira sa kanila ay may kan'ya-kanyang mga kakayahan. Pantay-pantay rin ang pakikitungo nila sa kanilang mga nasasakupan.

Kung tutuusin ay halos wala namang pinagkaiba ang lugar nila Olivia sa lugar na kinalakihan ko. Kung kumilos at mamuhay rin sila na katulad ng mga ordinaryong tao.

Matapos ang nakakalulang kasiyahan ay sa wakas nakapagpahinga na rin kami. Imbes na matulog kami ng aking mga kapatid sa bahay nila papa ay pinatuloy kami sa mga tinutuluyan ng mga pinuno nila. Nararapat daw kaming matulog doon dahil anak kami ni Demetria.

Kinabukasan..

Ngayon ang araw para magsanay kami ng aking mga kapatid para sa pakikipaglaban. 

Ang kapatid kong si Zoey ay nagsanay kasama sina Elisa at dalawa ko pang mga nakababatang kapatid sa tatay. Kasabayan rin nila ang magkapatid din sa ama na sina  Ofelia at Lolita. Hindi kasi nagkakalayo ang mga edad nila.

Si Tiffany naman na namana ang kakayahan ni papa sa mga pananim, ay kay aling Cordelia sumama. Katulad ni papa ay isa rin itong maglilinang. Ang kakayahang magbigay buhay sa kahit anumang uri ng halaman. Kasama rin nila ang nakatatandang  anak na babae ni aling Cordelia--si Malia. Hindi rin nagpahuli ang dalawa ko pang kapatid na kaedaran nila Malia at Tiffany. Sina Marcelina at Sofronia.

Sumama naman akong magsanay sa aking kapatid na sina Marcus at Irma. Kasabayan din namin ang kambal na kapatid ni Olivia. Habang si Olivia at ang kapatid nitong si Freya naman ang magkasamang nagsasanay.

Ang unang pagsasanay namin ay isinagawa sa Ilog Mandarawaga. Kinailangan naming magsalok  ng dalawang timba na puno ng tubig  papunta sa taniman upang punuin ang isang malaking dram. Sa malaking dram na ito sila kumukuha  ng supply para gawing pandilig sa mga pananim.

Sa ibabang bahagi ng malaking dram ay may labing isang dram na walang laman, at may  katamtaman lang ang laki nito. Ito ang kailangan naming punuin.

Natawa pa ako sa iisiping masyadong madali ang pinapagawa nila sa amin, dahil sa katunayan, sanay ako sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay nung nasa mundo pa ako ng mga mortal. Ngunit, nagkamali pala ako. Hindi basta basta-basta napupuno ng isang araw ang dram sa taniman. Kung titingnan kasi ito ay isang pangkaraniwang laki lamang ang sukat nito. Pero hindi pala ito basta-basta nalang na napupuno.

Samantalang walang kahirap hirap na nagawa ito ng aking kapatid na si Irma.  Apat na araw lamang nitong tinapos ang pasulit. Nakipagtalo pa si Leomord na nandadaya ito. Ngunit hindi ito pinakinggan ng ama nito. Dahil doon ay nangunguna ito sa amin. Nasundan naman ito ng aking kapatid na si Marcus at ng apat din na Waganian sa ika-anim na araw.

At ngayon ang ikapitong araw ng aming pagsasanay. Matagumpay naming napuno ang malaking dram ng tubig.

Katulad ko ay muntikan na ring sumuko ang lima pang natitirang mga nagsasanay. Kasama na ang kambal na kapatid ni Olivia.

"Kailangan pa ba naming gawin ito, ama?" May himig pagrereklamo nito sa tatay ni Olivia, na siyang naging guro namin sa pagsasanay.

"Oo, anak. Kailangan ninyong matutunan muna ito bago tayo magsimula ng tamang pakikipaglaban. " Malumanay na paliwanag nito kay Leomord.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now