Facts of Biringan City

10 5 1
                                    

SALMA - pinaka-syudad ng Biringan. Dito matatagpuan ang ginintuang syudad ng Biringan. Pinamumunuan ito ni prinsepe Aron, panganay na anak ni Carolina.

SALMANIAN - mapagmataas na uri ng engkantong nakatira sa Salma. Mga engkantong gumagamit ng itim na salamangka. Mahilig silang makisalamuha sa mga mortal at aanyayahan nilang sumama sa Biringan.

MANDARAGAT - Isang isla ng Biringan na lulubog at lilitaw. Lumilitaw ang isla kapag may mga mga naliligaw na manlalayag. Pinamumunuan ni prinsesa Cara, pangalawang anak ni Carolina.

DARAGANIAN - mga mapanlinlang na uri ng engkantong na nakatira sa Mandaragat. Madalas silang matatagpuan sa mga lugar na may anyong tubig. Sila ang kanang kamay ng mga Salmanian.

WAGA - ang probinsya ng Biringan. Hindi uso ang mga sasakyang pangtransportasyon dito. Sa Waga matatagpuan ang karamihan sa mga manggagaway ng Biringan. Pinamumunuan ito ng kambal na anak ni Carolina, sina prinsepe Lino at prinsesa Olin.

WAGANIAN - mga mababait na uri ng mga engkanto. Lumalabas sila ng Biringan para tumulong sa mga mortal na nanganganib ang buhay dahil sa kagagawan ng mga taga-Salma at Mandaragat.

Mandirigmang Mangangaso - matatapang, maliliksi, walang mga inuurungan na engkanto, kaya nilang kumitil ng buhay ng kahit anong nilalang. Magaling makipaglaban.

Mandirigmang Manggagaway - magagaling rin makipaglaban pero hindi pumapatay. Kayang makapagpagaling ng anumang karamdaman.

Maglilinang - kakayahan bumuhay ng kahit anong uri ng halaman. Matatalas ang pandinig.

Manghahabi - taga- gawa ng mga kasuotan ng mga matataas ang uri na engkanto.

ORIPON - mababang uri ng engkanto. Madalas makikita sa Salma at Mandaragat.

UNANG SIBOL - panganay na anak ng mga babaeng taga-Waga. Natural ang angking kakayahan makipaglaban at manggamot.

DALUYONG - tsunami.

Ilog Mandarawaga - pagitan ng Mandaragat at Waga.

Talon Darawaga - sekretong lagusan papunta sa mundo ng mga mortal.

Bundok Wahiga- ito ang isa sa mga sekretong lagusan papasok sa Biringan.  Nakapalibot ang bundok na ito sa buong Biringan, pero tanging ang mga taga-Waga lang ang maaring tumawid reto, gamit ang karwaheng gabay ng mga alagang toro.

Puno ng Paglaum- isang mahiwagang  puno na may kulay asul na mga dahon. Paglaum (bisaya ng salita na ang ibig kahulugan ay Pag-asa)

---
magkakaroon pa ng mga karagdagang impormasyon sa mga sumusunod na kabanata ng kwento.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now