Kabanata 4.

12 6 20
                                    

Edrei:

PARANG gusto ko nalang lamunin ako ng upuang de kutson na inuupuan ko ngayon. Mabuti nalang at biglang binasag ni Tiffany ang panandaliang katahimikan na namamagitan sa aming tatlo.

"Dumulog na kayo rito, habang mainit pa ang sabaw."

Ngunit sadyang makulit talaga ang nakababatang kapatid ko na si Zoey. Hanggang sa hapagkainan ay tinanong niya pa rin kung nobya ko ba si Olivia.

"Zoey! Tigilan mo na sila, kuya. Mamaya mo na sila kulitin pagkatapos kumain."

Saway ni Tiffany sa nakababata naming kapatid. Napalabi naman itong umayos ng upo.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito muling nagsasalita pa. Pero ayokong makampante dahil baka mamaya paulanan na naman ako nito ng sandamakmak na tanong.

Pumagitan sa amin ang panandaliang katahimikan.

Nahagip ng paningin ko ang kanina pa tahimik na si Olivia. Halos kunti lamang ang nabawas nito sa pagkain niya. Masarap naman magluto ang aking kapatid kaya nagtaka ako kung bakit kunti pa lang ang nabawas sa plato nito.

" May problema ka ba? Hindi ba masarap ang pagkain?"

Untag na tanong ko rito. Halatang nagulat ko ito. Parang nakarating na sa ibang dako ang isipan nito.

"Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

Napailing nalang ako at inulit ang ginawang tanong ko sa kanya.

"Kako, hindi ba masarap ang ulam?"

"Ah... Masarap naman... Sadyang hindi pa lang talaga ako nagugutom." Sabay yuko habang nagsasalita.

Siguro wala itong gana dahil may kalintura ito. Pero hindi ako papayag na hindi ito kakain ngayon.

" Naiintindihan kita, ngunit kailangan mong kumain para tumalab ang gamot na iinumin mo. "

Pagpapaliwanag ko rito.

"Para saan ang gamot?" Nag-angat ito ng tingin at nakakuno't - noo ako nitong tiningnan.

Malakas talaga ata ang epekto nang pagkabagok ng ulo nito kanina.

"Para humupa na iyang kalintura mo."

"Ayos lang naman ako. Naninibago lang siguro ako sa klima ninyo rito."

"Klima?" Napataas bigla ang boses ng kapatid kong si Tiffany dahil sa labis na pagtataka, " saang bayan ka po ba galing, ate? "

Sisitahin ko na sana ito sa biglaang pagsabat sa usapan namin ni Olivia, subalit, kahit ako rin ay nagtataka. 'Saan nga ba ito nanggagaling?'

Matagal bago nagsalita ulit si Olivia. Tila tinatant'ya muna nito ang bawat salitang lalabas sa kaniyang bibig.

Sa katunayan ay hindi naman ako nagmamadali sa maging isasagot nito pero mukhang ang kapatid kong si Tiffany ang hindi makapaghintay.

"Iba po ba ang klima sa bayan niyo kaysa bayan namin dito?"

"Halos wala namang pinagkaiba. Ang ibig kong sabihin ay siguro dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumama akong manguha ng mga sangkap panggamot, kaya medyo naninibago ako. "

Hindi nakaligtas sa akin ang sunod-sunod na ginawang paglunok nito habang nagsasalita at ang pasimpleng pagbuga nito ng hangin matapos nitong magpaliwanag.

"Akala ko taga-ibang bansa po kayo eh. Kanina ko pa kasi gustong itanong sa'yo iyan. "

Nakangiting pagpapaliwanag ni Tiffany rito.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now