Kabanata 28:

2 0 0
                                    

Kabahayan ng Waga

NABABAHALA kong pinagmamasdan ang aking nakababatang kapatid na si Ofelia, habang tinatakpan ang magkabilaang tainga nito. Tila ba nakakahawa ang kasalukuyang nararamdaman nito ngayon, na nagsusumigaw sa sakit naramdaman.

"O-olivia... K-kya mo bang gamutin ang nararamdaman ng iyong kapatid na si Ofelia?"

Puno ng pag-aalalang tiningala ako ni tiya Cordelia. Kagaya ko, ay hindi rin ito mapalagay sa nakikitang kalagayan ng aking nakababatang kapatid. Pero siguro mas matindi ang nararamdaman nitong pag-aalala sa anak.

"Ina... Sobrang sakit po..." Nahihirapang anas nito. Kahit tinatakpan na nito ng kumot ang buong mukha nito, ay halos hindi pa rin ito mapalagay sa kakatakip sa dalawang tainga.

Nagkandaugaga na rin akong magdikdik ng mga halamang dahon upang gawin panglunas sa karamdaman ng aking kapatid na si Ofelia. Nang matapos ako sa ginagawa ay mapwersang tinanggal ko ang dalawang mga kamay nito na nakatakip sa tainga.

Halos maiyak ako sa aking nasaksihan dahil namilipit pa rin ito sa sakit na siyang lamang ang tanging nakakaalam, habang unti-unti kong nilapatan ng mga halamang gamot ang magkabilaang tainga nito.

"Tiisin mo muna, aking kapatid."
Nanginginig ang mga kamay ko habang binabalot ko ang buong ulo nito ng tela.

Pansamantalang kumalma ang aking kapatid. At dahil sa sobrang sakit ay nakatulog ito.

"Magiging maayos na ba ang lagay ng aking anak, Olivia?" May himig pa rin na pag-alala ang tono ng boses ni tiya Cordelia.

"Hindi ako sigurado, tiya. Magpahinga muna kayo habang tulog pa siya. Ako na muna ang bahala magbantay sa kan'ya."

Mabilis namang tumalima si tiya. Kahit parehas naming alam na walang katiyakan na mawala na ng tuluyan ang nararamdaman ng aking kapatid kanina, ay mas mabuting may isa sa amin ang magpahinga.

Makalipas ang ilang minuto... Narinig ko mula sa bubong ng aming bahay ang nakakarinding sigaw ng magkapatid na sina Marcelina at Sofronia.

Dahil sa ginawa ng mga ito ay naalimpungatan si tiya sa mahimbing na pagtulog.

"Anong ingay iyong aking narinig, Olivia?"

Nagsimula na naman rumihistro sa pagmumukha nito ang labis na pagkabahala.

"Dumito muna kayo, tiya, at aakyatin ko para alamin ang kaguluhan sa itaas."  Wika ko kay tiya Cordelia. Dahan-dahan naman itong tumango.

Mabilis akong sumampa sa baging na nakalambitin sa aming bahay. At walang ingay na bumagsak sa sahig sa aking silid tulugan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kaagad tumayo para dumaan sa bintana. Mula sa bintana ay natatanaw ko ang iilan sa mga Waganian na  tila sumasayaw na walang ritmo. 

Naniningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang mga ito. Tila ba may mga hindi nakikitang nilalang na pinaglaruan ang mga ito. Ramdam kung may hindi tama.

"Malia, anong nangyayari?" Sigaw ko mula sa bintana ng aking silid.

Imbes na si Malia ang dumungaw ay pagmumukha ng kambal na nakababatang kapatid ng aking matalik na kaibigan na si Mauricia.

"Abala po sina binibining Malia at Lolita sa pakikipaglaban sa mga taong tubig, binibining Olivia."

Tuluyan na palang nakapasok ang mga kalaban. Pero nanatili pa rin akong panatag sa nangyaring bangayan sa aming lugar.

"Olivia! Olivia! Tulungan ninyo ang anak ko!" Histerikal na sigaw ng aking tiya sa ibaba.

Sinenyasan ko ang kambal na bumaba. Kaagad namang tumalima ang mga ito. At sabay naming dinaluhan ang humahagulhol na si tiya Cordelia.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now