Kabanata 24:

2 1 0
                                    

MINARKAHAN ko ang kwadernong bitbit ng aking kapatid na si Zoey. Kung ilang araw na kaming namalagi dito sa Biringan. Ang naging palatandaan ko ay ang pagsikat ng araw at paglubog nito.  Siguro humigit kumulang, mahigit isang buwan na kaming  nagsasanay rito.

Lumipas ang mga araw at nakasanayan ko na ang pamumuhay ng mga taga-Waga. Hindi na ako naiilang na makihalubilo sa kanila. Dahil katulad din ng mga mortal kung makipagsalamuha ang mga ito.

Nahubog ng mga engkantong ito ang natutulog kong kakayahan na minana ko pa sa aking inang si Demetria. Ngayon, ay handa na akong makipaglaban sa mga masasamang engkanto. Handa na akong puksain ang masasamang balak nila sa mga taga-Waga at sa mundo ng mga tao. Handang-handa na rin akong iligtas ang aking pinakamamahal na si mama.

NGAYON ang araw na sinasabi ni Ofelia na susugod ang mga Salamangkerong itim at Daragatnian. Isang linggo rin mahigit ang ginugol namin upang maghanda. Gumawa kami ng baging na harang. Mga sandata na maari naming gamitin sa pakikipaglaban. Natuto akong gumawa ng harang gamit ang kakayahan ng hangin. Bawat lagusan na p'wedeng madaanan ng kalaban ay sinigurado naming may dobleng harang.

Nakap'westo sa talon Darawaga ang mga Waganian na may kalahating Daragatnian. Iilan rin sa mga mandirigmang mangangaso ang nakabantay roon. Nasa talon Darawaga nakap'westo si ginoong Felipe kasama si Leomord at iilang manggagaway.

Nasa Ilog Mandarawaga naman nakap'westo sina prinsesa Olin, at Napoleon. Kasama niya ang magkapatid na sina Irma at Marcus at ang ina nina Olivia at Freya.

Ang mga maglilinang naman ay nasa kabahayan lamang nila. Naghahanda rin sila sa gabi ng ikapitong kabilugan ng buwan. Maski ang tatay ko ay nanatili lamang sa tahanan nila kasama ang mga nakababatang kapatid ko sa ama. Sina aling Cordelia, Ofelia at Olivia ay magkasama rin.

Habang ako ay nasa sagradong kagubatan nakabantay. Kasama ko sina Freya at Zoey, iilang mandirigmang mangangaso at manggagaway.

Sina Mauricia at Tiffany naman ang inaatasang magbantay sa pinakabukana ng Waga. Kasama nila si prinsepe Lino at iilang mga mandirigmang mangangaso, mandirigmang manggagaway at salamangkerong puti.

Sina Lolita, Elisa at iba ko pang nakababatang kapatid sa tatay ay nasa bubong nagbantay. Sila ang magmamasid at magiging mensahero sa buong Waga.

Lahat ng taga-Waga ay may kan'ya-kanyang katungkulan. Mapabata man o matanda ay nagsanay rin para sa kapayapaan.

Mat'yaga kaming naghintay. At pagsapit ng dilim naging mapagmatyag na ang lahat. Nagkunwaring natutulog na ang mga taga-Waga. Umakto na walang kamuwang muwang na may panganib na paparating.

Makalipas ang ilang oras. Biglang yumanig ang buong paligid. Nagpapahiwatig na may gustong pumasok sa ginawa kong harang.

Sumipol si Mauricia at sinagot rin ng sunod-sunod na sipol galing sa mga batang nagmamasid sa itaas ng bubong. Naging alerto ang buong taga-Waga. Magsisimula na ang digmaan. Nagpalitan ng sipol ang mga pinuno ng taga-Waga. Sumenyas ang mga ito na paulanan ng mga tinik na bala sa ginawa naming armas ang mga pilit na sumira sa ginawa naming harang. Naghiyawan ang mga ito ng matagumpay na natamaan ang mga kalaban sa labas.

Makalipas ang ilang minuto ay sumabog ulit ang katahimikan. Hindi na ulit yumanig.  Mataman kaming naghihintay. Pinapakiramdam ang buong paligid. Hanggang sa may narinig akong kakaiba. Animo'y tunog ng  lagaslas ng tubig. Pinakinggan ko muna ito ng maigi at napagtanto ko na hindi lamang ito basta-basta lagaslas. Parang... Kabado akong sumenyas sa mga kasamahan namin.

" Maghanda kayo dahil may nakapasok sa harang na aking ginawa. " Pagbibigay babala ko sa mga ito.

Nagbigay ako ng utos sa mga mensahero ng Waga na ipakalat ang aking utos.  Mabilis naman itong tumalima at tumatakbo ng paikot sa bawat bahagi ng sagradong kagubatan. Habang sumipol sipol para ihatid ang kautusang binigay ko. Eksaktong pagtigil nito naman ang biglang pagbagsak ni Freya sa lupa.

"Kuya, si ate Freya!" Nahintakutan na saad ni Zoey. Nangingisay kasi ito sa lupa. Pinalibutan kaagad ito ng mga pinuno ng Waga.

"Anong nangyayari sa kan'ya?" Nag-aalalang tanong ko.

"May pangitain si Binibining Freya." Kalmadong saad ng isa sa mga pinuno na nakatanghod sa nangingisay na si Freya.

Bigla itong nagdilat ng mga mata. Kitang-kita ko ang kulay puti nitong mata. Tila ba sinasaniban ito ng isang masamang engkanto.

"Ang digmaan ay magsisimula pa lamang. Dadanak ang mga berdeng dugo. Tatlong nilalang ang ipagkakanulo tayo sa kalaban. Nababalot ng ganid na puso at inggit ang buong katauhan nila. Pero may isa sa atin ang sasalo upang maging kabayaran. Kapalit ang anak ng mga pinuno. Nasa namumuno ang magiging pasya sa ipapataw na parusa. Ngunit, tunay na pag-ibig lamang ang makapagpawala ng bisa."

Ito ang mga katagang binitawan ni Freya bago ito nagkamalay ulit. Hinang-hina pa  ito na inaalalayan namin makaupo. Pinainom kaagad ni Zoey ito ng tubig.

Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi ni Freya kanina ay hindi ko maiwasang kabahan. Patikim pa pala ang nangyaring pagyanig kanina. At hindi pa tapos ang laban. Dahil magsisimula pa lang ito.

"Mga ginoo! Nagiba na ang ginawang harang sa ilog Mandarawaga! Tuluyan ng nakapasok ang mga mandirigma ng Daragatnian! Papunta na ang iba sa kabahayan!"

Malakas na sigaw nito. Matindi na ang kaba na aking nararamdaman. Mahigpit akong napahawak sa sandatang kanina ko pa hawak-hawak.

"Maghanda kayo dahil lalaban na tayo! Para sa kapayapaan ng Waga!" Sigaw na wika ko sa lahat.

Sinagot naman nila ako ng sabay-sabay.

"Para sa kapayapaan ng Waga! Para sa kapayapaan ng Waga! Para sa kapayapaan ng Waga!"

Natawag ang atensyon naming lahat sa biglaang pagsulpot ni Marcus sa aming harapan.

Nabahiran ng puro putik ang mukha nito. Animo'y naglunoy ito sa putik. Gutay -gutay na rin ang kasuotan nito at nasisiguro kong may mga sugat na rin itong natamo sa katawan. Naghalo na kasi ang kulay ng berdeng likido sa putik na nakabalot sa katawan nito.

Nagpalinga-linga ito sa sagradong kagubatan. Tila may hinahanap ito. Nang makita ako nito ay kaagad itong sumugod sa akin. Pero mas alerto ang mga mandirigma na nakapalibot sa amin.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya kinakalaban ang kapwa niya Waganian. Gusto kong alamin kung anong nangyayari sa kanya pero malalakas pa sa akin ang mga mandirigmang nakaharang sa aking harapan. Ni hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na alamin ang totoong nangyari kay Marcus.

"Tumigil ka na, mahal ko..." Danguyngoy na pagmamakaawa ni Freya na biglang lumakas ng makita si Marcus.

"Aking Freya, ilalayo kita sa mga masasamang engkanto rito! Umalis kayo sa harapan ko!" Galit na sigaw ni Marcus. Tila wala na ito sa sariling katinuan.

Isang dambuhalang tubig kamay ang biglaang sumulpot at pinuluputan ang buong katawan ni Marcus.

"Bitawan mo ako! Gusto kong makasama ang aking Freya!" Nagsusumigaw ni Marcus habang nakalutang sa ere. Nakita ko ang paglitaw ni aling Melva kasama si Irma na siyang may-ari ng dambuhalang tubig kamay.




Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now