Kabanata 8:

9 6 19
                                    

Edrei:

NAGBUKANG-LIWAYWAY nalang pero nanatili pa rin akong gising. Kanina pa nakapasok si Olivia pero ayaw na akong dalawin ng antok.

Napagpasyahan ko  na maghanda nalang ng pang-almusal.  Wala na rin namang silbi kung pilitin ko pa ang aking sariling umidlip dahil umaga na rin. Alam kong mamayang kunti ay magigising na rin sina Tiffany at Zoey.

Nag-init muna ako ng tubig bago mamitas ng gulay sa gulayan na nakap'westo sa gilid ng aming bahay.

Maswerte kami ng aking mga kapatid na pinamanahan kami nila mama at papa ng talentong mapapakinabangan namin. Kahit na karampot lang ang kinikita ko sa pang-araw-araw, sagana naman kami sa tanim na mga gulay.

Katulad ngayon, nakapaglaga ako ng okra at talong. Nakapitas rin ako ng preskong kamatis at sibuyas na may dahon. Masarap ang mga ito ipares sa daing na nabili ko kahapon sa tabo na nadaanan namin ni pareng Romdy. May natira pa sa nabili ko kahapon. Pwede pa itong gawing ulam mamayang gabi.

Habang nagluluto ng ulam ay nagtakal na rin akong ng kanin. Sinangag ko na rin ang malamig na tirang kanin kagabi.

"Magandang umaga, kuya! Ang bango naman ng inyong niluluto. Nagising tuloy ako!" Birit ni Zoey na biglang sumulpot sa aking tabi.

"Sus, nambola ka pa. Umupo ka na roon at matatapos na ako rito. " Saad ko rito na agad namang tumalima.

"Tulungan na po kita d'yan, kuya." Presinta ni Tiffany na kaagad kong tinanggihan.

"Maupo ka na rin d'on. Ako ng bahala rito."

"Sigurado po ba kayo?" May pag-aalangan na tanong nito. Tinanguan ko ito bilang sagot.

Nagising na si Olivia. Saktong sakto naman na luto na ang kanin. Inihain ko kaagad ang mga ito para makakain na kami. Dahil gusto ko nang umalis si Olivia rito.

Namagitan sa amin ang katahimikan habang kumakain kami. Pero, paminsan-minsan biglang magsasalita si Zoey upang tanungin si Olivia ng iba't-ibang katanungan. Maayos namang sinagot ito ng huli. Hinayaan ko nslang silang mag-usap. Hanggang sa matapos na kaming kumain.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagpaalam na sa mga kapatid ko para pumasok na sa trabaho. Sinabi ko rin sa kanila na tuloy na zng pag -alis ni Olivia.

Ngunit, bago ito umalis ay nag-iwan ito ng isang bagay kay Tiffany. Dahil kating-kati na akong umuwi si Olivia, hindi ko na ito pinag-aksayahan pa ng panahon ang usisain kung anong binigay niya kay Tiffany.

Kahit sa byahe ay wala kaming imikan. Ayoko rin magbukas ng paksa. Mas maigi na ang manahimik kaysa ang makinig sa mga kasinungalingan na ikukwento nito.

Hanggang sa makarating na kami sa mismong lugar kung saan ko unang natagpuan si Olivia.

Pinatay ko ang makina at hinayaan na makababa si Olivia sa sasakyan.

"Maraming salamat sa pagtulong. Maari ka nang makaalis." Saad nito habang nakatitig sa naglalakihang mga puno.

Kanina ko pa gustong mawala ito sa paningin ko. Pero hindi rin kayang maatim ng aking konsensya na iwanan nalang itong mag-isa. Kahit paulit-ulit na nitong sinasabi sa akin na ayos lang siya. Nanatili pa rin ako.  Araw ng sabado rin naman ngayon at hindi kami obligadong pumasok ng maaga.

Mat'yaga akong naghintay. Mahigit apat na oras ko na ring pinagmamasdan si Olivia, habang pabalik-balik itong umakyat sa mga puno at sumisipol ng kakaiba. Medyo nahilo ako sa ginawa nito.

Nakakainip maghintay ng mahigit pitong oras.  Ngunit wala pa ring dumating. Parehas kaming nalipasan ng gutom. Napagpasyahan ko na hindi na pumasok.

Sinuhestiyon ko nalang rito na bumalik na lang ulit bukas, at sa  center muna magpalipas ng gabi. Kaso nagpumilit ito na magpaiwan sa naturang lugar. Dahil hindi pa rin humupa ang inis na naramdaman ko dito  kaya sinang-ayonan ko agad ito. Total, isa naman itong engkantada, tiyak na kaya na nitong alagaan ang sarili.

Hindi na ako dumaan sa center. Nawalan na ako ng lakas dahil kanina pa kumakalam ang aking sikmura. Dumiretso na lang ako sa bahay.

Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasang mag-isip, na baka hindi ito sinipot dahil ayaw magpakita ng kaibigan nitong engkanto sa akin. Kung tutuusin ay wala rin naman akong pakealam kung bigla nalang itong sumulpot sa aming harapan. Ang gusto ko lang ay sana makabalik na ang mga ito sa kung saang lupalop na pinanggalingan.

Hindi ko na nga namalayan na habang nag-iisip tungkol kay Olivia ay nakatayo na pala ako, mismo sa pintuan ng aming bahay.

Nakadalawang katok palang ako ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad saakin ang masayang pagmumukha ng aking kapatid na si Zoey.  Tuwang -tuwa ito habang ibinalita sa'kin na nakakalakad na si Tiffany. Gulat akong napatda. 'Papano nangyari 'yon? Dahil biktima sa polio ang kapatid kong si Tiffany. o baka ginugudtaym lang ako ng mga ito. '

"Wala akong panahon makipaglokohan sa inyong dalawa. "

Mariin kong wika kay Zoey, na hindi ako tinantanan ng kwento. Binabalewala ko lang ang mga sinasabi nito. At  diretsong naglakad sa loob. Nadaanan ko pa si Tiffany sa may kusina habang abala sa paghimay ng malunggay.

Hindi ko na ito binati pa. Dumiretso na lang akong pumasok sa loob ng aking silid. Pagkapasok ay sinara ko agad ang aking silid. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lukot na hitsura ni Zoey.

Mamaya ko nalang kausapin ang mga ito dahil nanlambot bigla ang aking katawan. Malaya kong ibinagsak ang aking katawan sa manipis na kutson na higaan. Isang nakabibinging kalabog ang pumagitan sa apat na sulok ng aking silid. Pero hindi ko na inalintana  ang nararamdaman na pagkirot ng aking likod dahilan sa biglaang pagbagsak. Ramdam ko pa ang pamimigat ng aking mga talukap. Parang  lantang gulay ang aking kalagayan ngayon.

Isang sunod-sunod naman na pagkatok mula sa labas ng pinto ang aking narinig. Ngunit wala na akong sapat na lakas upang pagbuksan ito. Nanatili nalang akong nakahiga at naghihintay ng mga susunod na pangyayari.

"Kuya! Ayos lang po ba kayo d'yan? " Puno ng pag-aalalang sigaw ni Tiffany mula sa labas ng pinto.

Pabalandrang bumukas ang pintuan. Sinadya ko talagang  hindi isara ito.  Ramdam ko ang labis na pag-aalala nina Tiffany at Zoey sa akin. Wala kasing nakuhang kasagutan ang mga ito mula sa akin.

"Kuya!"

Halos na sabay na bulalas ng wika ng mga ito ng makita akong nakahilata sa aking higaan.

Dahan-dahan ko pang idinilat ang aking mga mata. Kitang-kita ko sa mga ito  ang tarantang mga pagmumukha ng makita ang aking kalagayan. At bago ko ipinikit ang aking mga mata ay nakita ko pa ang walang kahirap - hirap na pagtayo ni Tiffany at tuwid na naglakad ito  palabas.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now