Kabanata 11:

7 3 8
                                    

Tarangnan:

Olivia:

HINDI ko makalimutan ang naging karanasan ko rito sa mundo ng mga mortal. Malaki ang naging pasasalamat ko na nakatagpo ako ng mga mortal na mayroong mga  dalisay na puso. Kaya hindi ako nag-alinlangan na bigyan ng handog ang dalagitang kapatid ng aking taga-sagip bago ako tuluyang magpaalam sa kanila.

Nagsimula na kaming maglakbay ng aking taga-sagip, gamit pa rin ang kanyang sasakyang de gulong. Noong una ay nahintakutan talaga akong makita ito ng harapan. Narinig ko lamang kasi ang tungkol sa ganitong klaseng sasakyan  sa mga kwento ng mga nakatatanda sa aming lungsod. Ginagamit daw ito ng mga nakatira sa ibang lungsod ng Biringan. At  halos walang pinagkaiba raw ang mundo ng mga mortal sa ibang lungsod ng Biringan. Hindi ko naman masang-ayonan ang mga sinasabi nila, dahil hindi pa ako nakarating sa lungsod ng Mandaragat at Salma.

Ngayon ko lang din napagtanto na may 'di kalayuan pala ang lugar na aming nilalakbay. Kaya napagmasdan ko ang paligid na kung maihahalintulad ko ay hindi nalalayo ang mga tanawing nakikita ko rito sa aming lugar.

Napadako ang aking paningin sa aking taga-sagip. Maganda ang hubog ng pangangatawan nito, na binabagayan ng kulay kayumangging balat. Malinis at maiksi lamang ang buhok nito, medyo makapal na mga kilay,  matangos na ilong at makapal na mga labi. Hindi ko masyadong makita ang mga mata nito dahil nakatuon lamang ang atensyon nito sa daan. Ngunit, nakasisiguro akong maganda ito kahit nababalot ng puot ang mga titig nito. Hindi ko rin naman  ito masisisi.

Eksaktong itinuon ko sa ibang direksyon ang aking paningin ng mapansin kong nakapasok na pala kami sa lugar kung saan  ako huling natagpuan ng aking tagapagligtas at ng kaibigan niya.

Pagkahinto agad ng sasakyang de gulong ay kaagad agad nagpasalamat dito at nagmamadaling bumaba.  Lumapit kaagad ako sa isang malaking puno. At hindi na nagpatumpik-tumpik na akyatin ito. Hindi na ako nag-alinlangan, tutal ay nakita naman din ako nito kanina.

Nang nasa taas na ako ng punong inakyatan ay sinilip ko agad ang kabilang dulo. Ngunit, malayong malayo ang naging hitsura nito sa sagradong kagubatan.

Nagpakawala ako ng kakaibang sipol na tanging ginagawa namin ng matalik kong kaibigan na si Mauricia.

Bawat puno ay aking nilipatan, katulad ng ginawa ko sa mga puno roon sa likod bahay ng aking taga-sagip. Ngunit, nabigo ako.

Mas lalo akong nanghina ng mapansin ko ang aburido at inip na hitsura ng aking taga-sagip, hindi pa pala ito umalis. Kaya napagdesisyonan ko nalang  na pauwiin na ito, dahil malaking abala na para dito ang maghintay ng ganoong katagal.  Halos hindi na maipinta ang hitsura nito kaya ng sinabi ko ang mga katagang iyon ay kaagad  naman nitong  sinang-ayonan ang aking naging suhestiyon.

Mabilis netong pinaharurot ang sasakyang de gulong, papalayo sa akin. At naiwan ako mag-isa sa lugar na hindi pamilyar sa akin.

Ayokong mag-aksaya ng panahon kaya inulit ko ulit ang aking ginawa kanina. Kailangan hindi ako sumuko.  Ngunit, matapos ang ilang beses na paglipat lipat sa mga puno ay wala pa ring kahit  anino o bakas ni Mauricia ang nagpakita.

Unti- unti na akong nawalan ng pag-asa. Kung alam ko lang sana ang palatandaan ng lagusan ay hindi sana ako mahirapan ng ganito. Sa kasamaang palad pa ay hindi ko alam kung saan ang lagusan. At mukhang hindi na ako babalikan ni Mauricia.

Hindi ko na namalayan ang mainit na likido na nag-uunahan sa pagbaba sa aking pisngi.

'Dapat pala hindi ko nalang binalikan ang pantakip sa ulo ng aking kapatid na si Napoleon, hindi sana ako malalagay sa ganitong alanganing sitwasyon. Mas handa ko pang tanggapin ang magiging parusa ko roon sa aming lugar kaysa ang makulong sa mundo na kahit kailaman ay ngayon ko palang napuntahan.'

'Ano kaya ang aking dapat na gawin?' Nanlulumong napasalampak ako ng upo sa  malapad na sanga ng isang puno.

Hindi ko gusto ang ideya na habang buhay na akong makulong sa mundong ito. May naulinigan akong paparating. Parang lumundag ang puso ko bigla sa iisiping binalikan ako ng aking tagapagligtas. Ngunit, napawi rin bigla ang galak na naramdaman ng matanaw ko ang maraming sasakyang de gulong ang nag-uunahan. Dahil sa takot na makita ako, ay mas pinili ko nalang magkubli.

NALIPASAN  ng gutom. Kaya  hinimatay ako kanina. Idagdag pa na halos wala na akong tulog dahil sa sunod-sunod at nakagugulantang na mga pangyayari.

Nagising ako dahil may naamoy akong kakaiba. Nang magmulat ako ng mga mata. Bumungad sa akin ang mga nag-aalalang pagmumukha nina  Tiffany at Zoey.

"Hay, salamat! Mabuti't nagising ka na, kuya!" Nahimasmasang usal ni Tiffany.

"Zoey, paki-alalayan mo si Kuya at kukuha ako ng mainit na sabaw!" Ani neto sa kapatid kong si Zoey.

"Opo, ate!" Masunuring sagot ng kapatid kong si Zoey.

'Aba, himala!'

"Hindi pala lahat ng engkanto ay masasama, kuya. Isang patunay si ate Olivia na nagsabi siyang totoo sa atin."

Okay na sana ulit  ang aking pakiramdam, bago neto binabanggit ang pangalan ng Salmanian iyon.

Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi nito. Akala ko pa nga ay titigil na ito sa pagkukwento, pero nagpatuloy pa lalo ito.

"Sobrang epektibo talaga ang dahon na binigay ni ate Olivia kay ate Tiny! Mantakin mo, nagising ka agad!"

Pagbibida nitong saad. Hindi ako maguguyo ng Salmaniang iyon. Baka nilason na niya ang mga utak ng mga kapatid ko. Kailangan kong alamin ang tungkol dito. Dahil ayokong maging dahilan ito para malagay sa kapahamakan ang mga ito.

"Kailan niya binigay kay Tiffany?" Usisa ko agad dito.

"Kanina ko pa po kinukwento sa inyo ang tungkol doon. Hindi ka po yata nakikinig sa akin kuya  eh!" Inis na wika nito sa akin.

"Tigilan mo nga si kuya, Zoey! Alam mong masama pakiramdam niya eh. Ayaw mo pang tantanan. " Kaagad na sinaway ng karating na si Tiffany habang maingat nitong ipinatong ang dalang sabaw sa mesang katabi ng higaan ko.

"Pasensya ka na sa kuya, bebeng, " pang-aalo ko sa kapatid kong bugnutin. Panay urap naman itong nakaupo sa malapit na upuan.

Mahirap kasing balewalain ang mga pinagsasabi neto dahil na rin nasa mismong harapan ko na ang patunay na nagsasabi ito ng totoo. Sadyang nahihirapan lang akong ipasok sa buong sistema ko.

Nabasa yata ni Tiffany ang laman ng aking isipan. Mahinahon niyang  ipinaliwanag sa akin ang milagrong nagagawa ng dahon na iniwan ni Olivia sa kanya kanina. Nilaga niya at ininom ang katas nito. Ayon na rin dito, wala naman sigurong masama kung susubukan niya. Kaya sobrang saya raw nilang dalawa ni Zoey ng mabilis na   umepekto ang kakaibang dahon.

Sa wakas, nakumbinsi rin ako ng mga ito na hindi masama si Olivia, na iba ito sa naging kabit ni papa.

Kaya nagpaalam agad ako sa kanila na balikan ito sa lugar kung saan ko ito iniwan kanina. Ramdam ko namang gusto siya ng mga kapatid ko.

Parang hindi ako hinimatay kanina. At nagmamadaling binalikan ang engkantadang si Olivia.

Malapit na ang paglubog ng araw, kaya binilisan ko ang aking pagpatakbo. Wala pa namang kuryente sa parteng iyon ng bayan namin.

NGUNIT sa kasamaang palad ay hindi ko na ito nadatnan. Hindi rin ako sigurado kung tuluyan na ba itong  nakaalis o nagtatago lamang ito.

Walang kasiguraduhan kong maririnig  pa niya ang paghingi ko nang despensa sa naging asal ko sa kanya, nagpasalamat na rin ako sa malaking tulong na binigay nito sa aking kapatid. At, akmang sasakay na  sana ako pabalik sa aking sasakyan ng bigla nalang itong sumulpot sa aking harapan.

"Maaari bang makitira ulit sa inyo?" Aniya nito sa basag na boses. Parang nanggagaling ito sa matagal na pag-iyak.

Hindi ko alam kung tumango ba ako sa naging pakiusap nito. Ngunit, nakikita ko nalang ang sarili ko na inaalalayan itong sumakay sa aking sasakyan.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now