Kabanata 18:

2 1 0
                                    

NAGNGINGITNGIT pa rin ang aking kalooban dahil sa nangyaring bangayan namin ni Freya.

Kung ano kasing ikinabait ni Olivia, gan'on naman kasama ang ugali ni Freya. Hindi niya mabibilog ang aking ulo!

'Ang lakas ng loob pa niyang idawit ang yumao kong ina! Tapos gagawin nila akong mandirigma sa labanan na wala kaming kinalaman! Sinong ginagago nila? Uso rin pala ang paghithit ng katol ng mga engkanto! Parang hibang talaga si Freya! '

Naiinis na mura ko sa aking isipan. Habang pinagmamasdan ko ang buong tanawin.
Nagplano na rin ako kung papaano ko mapabalik ang mga engkanto sa Biringan. Dahil salot lang sa lugar namin ang dulot nila.  At hindi sila p'wedeng magtagal dito. Dahil sa pagsulpot nila ay matindi ang naging pinsala ng san Sebastian. Hindi na ako makapapayag pa na masundan pa ulit ang nangyari kahapon.

Nanlumo ako sa aking nasaksihan.  Kitang kita ko mula rito sa taas ng dyip ang nakalulunos na pinsala sa bayan ng san Sebastian. Nagkalat sa paligid ang mga patay na hayop, mga sirang pananim, at nagibang mga kabahayan.

Dapat hindi na ito pa masundan dahil magsimula na naman kami ulit. Hindi ko kayang ipagsawalang bahala na lang ito.

Kailangan kong magmadali sa pagpabalik nina Freya at Olivia sa Biringan. Kakausapin ko sila pagkarating namin sa bahay

Hinatid kami ng tranaportasyong sinakyan namin sa mismong bahay namin. Mabilis pero may ingat akong bumaba ng sasakyan. Nakatayo ako sa babaan ng dyip upang kargahin ang kapatid kong si Zoey na nakatulog na pala  sa byahe. Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa aming bahay habang nakabuntot naman sa akin ang dalawang engkantada.

Dire-diretso akong pumasok at hindi na nag-aksayang kumatok. Nadatnan ko sa sala ang aking kapatid na si Tiffany na abalang nakipag-usap sa isang panauhin, nakaupo sa katapat nitong upuang kahoy ang isang binatilyo. Siguro ito na ang engkanto na kasama ni Freya.

Kaagad na tumigil ang binatilyo sa pagsasalita ng mapansin ako neto. Napatigil naman si Tiffany at agad na lumingon.

"Kuya!"

Nagagalak na yakap wika ni Tiffany sa akin. "Mabuti naman at ligtas kayo."

Hindi ako umimik, bagkus, nanatili lamang akong nakatitig sa panauhing aking kaharap. Para akong namamalikmatang nakatitig dito.  Kasalukuyan rin itong nakatayo at hindi maalis alis ang tingin sa aking mukha. 'Hindi maari! Bakit kahawig neto ang aking papa? Hindi kaya?'

"Marcus!"

Natawag ang pansin neto dahil sa sigaw ni Freya na sumulpot mula sa aking likuran.

"Aking Freya!" Mahigpit na yakap neto sa engkantadang dumating.  "Olivia." Sambit nito habang hindi pa rin bumitiw sa pagkakayakap kay Freya. Sa aking hula, magkasintahan ang dalawa.

Iniwan ko muna sila at maingat na inilatag si Zoey sa higaan. Mahimbing na mahimbing pa rin itong natutulog. Kaya hindi ko na lang din ito binihisan para hindi madistorbo sa pagkatulog.

"Kuya..."

Mahinang sambit ni Tiffany sa akin. Dahan-dahan akong tumayo upang harapin si Tiffany.

"Sinabi rin ba sa inyo ni ate Freya na buhay pa si mama? Na naging bihag siya ng isang masamang engkanto?"

Napakuyom ako ng palad habang pinapakinggan ang mga salitang lumabas sa bibig ng aking kapatid.

"Alam mo na rin bang si  Marcus ang inutusan ni papa para sunduin tayo pabalik ng Biringan? At anak siya ni papa sa babaeng nanggayuma sa kanya... "

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Mariin kong naisuklay ang mga daliri sa aking buhok.

'Kapatid ko ang engkantong iyon? Kaya pala magkahawig silani papa! Nagayuma si papa?'

Mga katanungan na gusto kong itanong kay Tiffany pero wala akong lakas ng loob para sabihin ito.

"Kuya, gusto kong makita si papa at mama. Gusto kong maging buo ulit tayo," nangungusap ang mga mata ni Tiffany habang nakatitig sa akin.

"Matagal ng patay si mama, tiny! Kitang kita ng dalawang mga mata ko kung papaano siya nalagutan ng hininga! Kaya imposible para sa akin ang paniniwalaan ang mga sinasabi nila! Dahil nasaksihan ko ang malupit na pag-iwan sa atin ni papa!"

Tiimbagang sigaw ko rito. Mariin ko ring naitakip ang aking kanang  kamay sa aking bibig, habang kinokontrol ko naman ang panginginig ng aking kaliwang kamay.

"Taga-biringan si mama, kuya.  Maaring namamatay sila sa mundo natin pero mananatili pa rin silang buhay pagbalik nila ng Biringan. Kalahi niya ang mga namumuno sa lugar  nila ate Olivia. At dahil mga anak tayo ni mama kaya posible rin na katulad tayo nila. "

Masyadong malawak ang imahinasyon ni Tiffany kaya hindi na ako nagtataka kung bakit niya napagtagpi-tagpi ang mga ito. Ngunit hindi pa rin ako naniniwala. Malabo pa rin sa utak ko ang lahat ng ito.

"Mga tao tayo, tiny! Kaya tigilan mo na ang pagsasalita ng kung ano-ano!" Nahihirapan akong kontrolin na hindi ito taasan ng boses pero hindi ko talaga mapigilan. "Bakit ka nagpapaniwala sa mga iyon? Eh ngayon lang naman natin sila nakasalamuha! Hindi natin alam na baka paraan lang nila ang lahat ng iyon para maisama nila tayo sa Biringan! Hindi mo ba alam na  mapanlinlang ang mga engkanto, tiny? Kaya nga nila napasama si papa doon dahil sa pagiging eksperto nila sa larangang iyon. Sana maintindihan mo ako. "

Mariin pero nagsusumamong pakiusap ko sa kapatid.  Nakayuko lamang ito habang umaalog ang mga balikat bago ito nag-angat ng mukha, pinahid muna neto ang mga luha sa pisngi na parang gripong kumawala sa mga mata nito.

Umiiyak pa rin itong humarap sa akin at pinagpilitan ang mga imposibleng bagay. "Iba sila sa mga engkantong iyon, kuya. Mababait na engkanto ang pinagmulan nila ate Olivia. Sana naman kahit kunting konsiderasyon. Itapon mo na lahat ng poot na kinikimkim d'yan sa puso mo. Kahit ngayon lang, kuya..."

Patuloy na pagpaliwanag ng kapatid ko. Ngunit nagtatalo ang puso't isipan ko sa sitwasyon namin ngayon.

Umiiling-iling akong hinawakan ang  magkabilaang balikat ng kapatid. "Tiff, makinig ka sa akin..."

Hindi pa ako nakapagpaliwanag ng maayos ng marahas itong pumiksi sa pagkakahawak ko.

"Kuya, kailangan tayo ng mga magulang natin! Kung ayaw mong tumulong sa kanila, ako nalang ang magliligtas kay mama! Dahil sa ayaw at sa gusto mo! Sasama ako pabalik sa kanila sa Biringan! "

Sigaw neto sa garalgal na boses. Hindi ko na ito nagawang pigilan. Dahil padabog ako nitong tinalikuran.

Naihilamos ko bigla ang mga kamay sa aking mukha.






Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now