Kabanata 27:

4 0 0
                                    

SAGRADONG KAGUBATAN

NAGTINGINAN muna kami ni ginang Melva bago ito sumama sa ibang mandirigmang mangangaso at mga pinuno ng Waga. Papunta sila sa kabahayan upang iligtas ang mamamayan ng Waga.

Naiwan si binibining Freya na binabantayan ng kapatid kong mortal na si Zoey at Edrei.

"Patawarin mo sana ang ating kapatid na si Marcus dahil hindi niya kontrolado ang mga pangyayari, " yumukod kong pagpapaliwanag dito.

"Anong nangyayari sa aking mahal?" Puno ng pag-aalalang tanong ni binibining Freya sa akin.

"Tinapunan siya ng iyong kapatid na si Leomord ng bituing kabibe habang nakikipaglaban siya sa mga kalaban kanina."
Aniya ko.

Kasalukuyan na tinalian ko ang aking kapatid na si Marcus ng lubid na gawa sa tubig. Dinoblehan naman ito ng kapatid kong si Edrei ng rehas na gawa sa hangin.

"Bituing kabibe? Ano ang mayroon sa bagay na iyan? " Tanong ng kapatid kong si Edrei.

"Ito ay isang bagay na pagmamay-ari ng isang engkantong Daragatnian. Dinidikit nito ang bagay na iyon sa napupusuan nitong tao. Napapaibig ng kung sino mang may-ari ng bagay na iyon ang madidikitan nito, o di kaya'y kinokontrol nito ang isipan. Ganyan ang nangyari sa aking kapatid na si Marcus." Mahabang pagsasalaysay ko.

"Papaano nagkaroon ang aking kapatid na si Leomord sa bagay na iyon?" Pagtatakang wika ni binibining Freya.

"Alam ko ate ang sagot!" Malakas na wika ng batang mortal na kapatid kong si Zoey.

"Zoey, hindi ka dapat nakikisawsaw sa usapan ng mga nakakatanda!" Saway na wika ng aking kapatid na si Edrei.

"Bakit, kuya? Porket mas nakakatanda kayo sa akin ay kayo nalang lahat ang may alam? " Pagtatampong saad nito na bumubulong bulong pa.

"Hayaan mo na pakinggan ang paliwanag ng iyong nakababatang kapatid, ginoong Edrei, dahil dito sa Waga, lahat ay pantay-pantay." Malumanay na wika ni binibining Freya.

Hindi na nakipagtalo pa ang aking kapatid na si Edrei. Bagkus binalaan niya ang batang mortal na dapat hindi gawing biro ang usapan ngayon.

"Sigurado po talaga ako, kuya, sa nalalaman ko. Narinig kasi ni Ofelia ang pinag-uusapan ng magkambal. At kinuwento niya ito sa akin at kay Elisa. Nag-uusap daw ang mga ito tungkol sa napupusuan nilang dalawa. May gusto raw si kuya Leomord kay ate Mauricia tapos ang kakambal naman nitong si kuya Napoleon, kay ate Tiffany naman nagkagusto. "

Inosenteng kwento nito sa amin. Parang tinataga ng isang daang karit ang aking dibdib dahil sa narinig. May napupusuan na pala ang  aking Napoleon at sa kapatid ko pang mortal ito nagkagusto. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. 'Bakit ang hapdi ng aking dibdib?'

"Ate Irma, pasensya ka na. Sobrang daldal ko po." Naguguluhan ako sa paghingi nito ng paumanhin sa akin.

"Pero alam mo po ba na naikwento rin sa amin ni Elisa na may gusto ka raw po kay kuya Napoleon. Totoo po ba iyon, ate Irma?"

Napatda ako sa naging katanungan ng batang si Zoey. Hindi ko napaghandaan ang tanong niyang iyon. Dahil sa sinabi niyang  iyon ay hindi ako nakapagsalita.

"Uyy! Si ate Irma, namumula!"

Nanunudyong saad nito sa akin.

"Zoey, tigilan mo na ang ate Irma mo. Kung ano-anong kalokohan ang pinaggawa mo. "

Saway ulit ng aking kapatid na si Edrei sa batang si Zoey.

"Totoo po iyon, kuya. Ang galing nga ni Ofelia eh. Pati pintig ng puso, alam din niya. May gusto nga sayo si ate Mauricia eh!"

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now