Kabanata 14:

3 1 0
                                    

TATLONG linggo na ang nakalipas simula ng nagkandawalaan ang mga unang sibol sa mga taga- Waga. Kaya't nagpupulong muli ang mga pinuno.  Kailangan nilang  maagapan agad ang problemang kinakaharap ng kanilang lugar.

Matapos ang pagpupulong,  napagpasyahan ng mga pinuno na kapanayamin ang bawat haligi ng tahanan ng mga engkanto para sa isang masinsinang diskusyon. Mandirigmang manggagaway, mangagaso, maglilinang, mangingisda o kahit manghahabi pa iyon ay walang pinalamapas.

Balisang umuwi si Israel sa kanilang tahanan. Nag-aalalang sinalubong naman kaagad ito ng anak netong si Marcus.

"Kumusta ang pagpupulong, ama? Maari ko rin bang malaman ang pinag-uusapan ninyo roon?"

Puno ng kuryosidad na tanon neto.

"May mahalaga akong sasabihin sa iyo, anak. Pero mangako kang gagawin mo ito sa abot ng iyong makakaya?" Seryosong humarap ito sa anak.

Kahit medyo kinakabahan si Marcus sa inasta ng ama ay walang pag-alinlangan naman itong tumango.

"Kahit pa ibuwis ko ang aking buhay para sa nais mong ipagawa sa akin, ama, susundin ko lahat ang anumang iuutos mo sa akin!"

Nangangakong yumukod ito sa harap ni Israel.
Nasisiyahan namang tumatango-tango si Israel sa nakitang pagtugon ng anak na si Marcus.

"Nais kong tumawid ka sa sagradong lagusan papunta sa mundo ng mga mortal..."

Aniya nito sa seryosong pagmumukha. Kaagad namang nag-angat ng tingin si Marcus sa ama. Blangko ang paraan ng mga tingin neto bago magsalitang muli.

" Ngunit, ama..." Puno ng pag-alinlangan na humarap ito kay Israel. " Mahigpit na ipinagbabawal sa ating mga taga-Waga ang mga masamang gawain ng mga taga-Salma at Mandaragat. "

Dahan-dahan namang napailing si Israel sa naging reaksyon ng kanyang anak.

"Nasa mundo ng mga mortal si Olivia at nakatira siya sa bahay ng iyong mga kapatid. "

"Hindi ko po maintindihan ang ibig niyo pong sabihin."

Naguguluhang wika ni Marcus sa ama.

" Kailangan mong maibalik si Olivia rito kasama ang aking mga anak na mortal!"

Napaawang ang labi ni Marcus sa narinig. Matagal bago rumehistro sa kan'yang utak ang mga katagang binitawan ng kanyang ama.

"Wala na akong sapat na panahon upang magpaliwanag sa iyo, anak. Bago sumapit ang ikapitong  araw, ay kailangan mo ng maibalik sila rito sa lalong madaling panahon. "

Kahit naguguluhan sa mga sinasabi ng ama ay pilit pa ring pinapasok sa sistema ni Marcus ang isang rebelasyon. Masunuring tumango ito sa ama.

"Aasahan ko na mapagtagumpayan mo ang iyong unang misyon! Hihintayin ka namin ni Felipe  sa bukana ng sagradong kagubatan!"

Mahinang tapik nito sa balikat ni Marcus. Tumayo naman kaagad si Marcus at naghanda para sa paglalakbay.

Sa balay naman ni Felipe ay masinsinang nag-uusap ang lahat ng biglang magsalita si Leomord.

"Sigurado na po ba kayo sa inyong desisyon, ama?"

Makikita sa pagmumukha neto na hindi ito sang-ayon sa pinagplanuhan nila.

"Malinaw pa sa sinag nang haring araw ang aking mga sinasabi! Saang parte ba roon ang hindi mo naintindihan?"

Maowtoridad na wika ni Felipe kay Leomord.

"Pero, ama! Mas  ako ang nararapat sa misyong ibibigay mo kay Freya!"

"Imbes na kontrahin mo ang mga sinasabi ng iyong, ama, bakit hindi mo nalang sang-ayonan ito?" Saway naman na saad ni Cordelia.

"Lagi nalang kasi ang anak ni tiya Melva ang pinapaburan niya!"

Pagmamaktol na reklamo nito sa ina.

"Hindi mo kailangan mainggit dahil pantay naman lahat ang trato ng ama ninyo! Bakit ganyan mo pag-isipan ng masama ang iyong 
ama?" Sabat na pagpaliwanag ni Melva kay Leomord.

"Umayos ka nga, Leomord! Igalang mo naman ang desisyon ni ama!"

Saway naman ni Napoleon sa kakambal.

"Para walang away. Ipaubaya ko nalang kay Leomord ang misyong ito!"

Taas kamay na saad ni Freya.

"Hindi maari! "

Malakas na hampas ni Felipe sa mesang nasa harapan neto. Tumahimik ang lahat.

"Isa kang mandirigmang mangangaso, Leomord! At ang kakambal mong si Napoleon naman ay isang mandirigmang manggagaway! Mahirap bang intindihin iyon na mas kailangan ko kayong dalawa rito?"

Tumayo ito sa kinauupuan at nagsimulang maglakad paikot.

"Nagagamit ko ang mga kakayahan ninyo sa paparating na digmaan! Sino nalang ang magtatanggol sa ating pamilya kung aalis ka?"

Walang pa ring kibo ang lahat.

" Alam mong may mahalagang katungkulan ako sa lugar natin. At ikaw, kayo ni Napoleon lang ang maasahan ko rito. Dahil hindi pa nahahasa ang mga kakayahan ng iyong mga nakababatang kapatid."

Mahinahon na ang paraan ng pagpapaliwanag nito sa lahat.

Nagpakawala ng malalim na buntunghininga si Leomord bago magsalita.

"Patawad, ama. Ngunit sino po ang magtatanggol kay Freya sa misyon na ibinigay mo? Alam naman nating--"

"Hindi siya nag-iisa sa misyong gagampanan niya!" Maagap na putol neto sa gustong sabihin ni Leomord.

"Makakasama niya ang anak ni Israel, si Marcus!"

Masayang nag-angat nang tingin si Freya sa ama. Ngunit napawi kaagad ito matapos marinig ang sinabi ni Leomord tungkol dito.

"Ano?! Papayag  nalang kayong ipaubaya si Freya sa kamay ng mga taksil?"

"Alam kong tapat ang mortal na si Israel at ang dalawang anak niyang sina Marcus at Irma sa ating mga taga-Waga! Lalo na't kalahating mabuting mortal at engkanto ito."

Naguguluhang nagkatinginan ang magkambal. Maski ang dalawang maybahay na sina Cordelia at Melva ay hatang nagulat sa naging rebelasyon.

"Huwag kayong mag-alala! Anak ni Israel at Demetria ang mortal na susunduin nina Freya at Marcus!"

"Ibig po ninyong sabihin, ama. Na ang kapatid ni Marcus sa ama ay isang mataas na uri ng mga engkanto? " Halos sabay-sabay na wika ng nagagalak na sina Ofelia at Lolita.

"Unang sibol din po siya kagaya ni Olivia?" Sabat naman ni Malia sa usapan.

Isang matamis na ngiti ang itinugon ni Felipe sa anak.

"Mamaya na ang alis ni Freya! At ang mga maiiwan dito ay magsimula nang magsanay ng pakikipaglaban!"

Makikita sa mga pagmumukha ng magkapatid na sina Ofelia, Lolita at Malia ang kasabikan. Sila ang mga nakababatang kapatid nina Olivia, Napoleon at Leomord.



Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now