Kabanata 25:

4 1 0
                                    

TALON DARAWAGA

ABALA ang lahat sa pag-aabang na sumugod ang mga Daragatnian at Salmanian. Habang kampante naman akong nakaupo sa nakausling bato dito sa kweba ng talon Darawaga.

Nagpresinta ako kay ama kanina na ako ang magbabantay kay ginang Marianna na dating tinatawag namin sa pangalang ginang Corazon. Siya lang naman ang nagkanulo sa mga unang sibol ng mga taga-Waga.

Sinadya ko rin na ako ang magbabantay dahil nakasisiguro akong pupuntahan ni Binibining Mauricia ang kan'yang ina.

"Psst! Psst!"

Malakas na sutsot ang aking narinig mula sa nakakulong na bihag. Hindi ko ito pinansin bagkus nanatili lamang akong walang pakialam dito.

"Hoy binata! Pakawalan mo ako rito! " Nakikiusap nito sa pagalit na tono. Hindi ko pa rin ito binigyan ng pansin.

"Sige ka. Kung ayaw mo akong pansinin ay hindi na kita tutulungan na mapasaiyo ang puso ng aking anak na si Mauricia..."

Malumanay naman ang tono nito. Akala siguro nito na maguguyo agad ako sa mga pinagsasabi niya.

"Kaya pala kahit anong gawin mong pagpapansin sa aking anak ay hindi ka nito magustuhan, dahil matigas ang puso mo! Bakit hindi mo gayahin ang binatang mortal na kan'yang napupusuan. Mabait, magalang, masunurin at higit sa lahat mataas ang ranggo sa Waga!"

Nagpanting ang magkabilaang tainga ko dahil sa sinabi nito. Binato ko ito ng masamang tingin dahilan upang mapahalakhak ito. Nakakarindi sa aking pandinig ang paraan ng pagtawa nito na umeecho pa sa buong kweba. Kung hindi lang ito ina ng aking pinakamamahal ay kanina ko pa pinilipit ang leeg nito.

"At alam mo ba... Bilang isang ina ay ramdam ko rin na may gusto ito sa aking anak na si Mauricia.. Nakikita ko sa mga mata ng aking anak na gusto rin ito ng mortal na binata..
Siguro, ako na ata ang pinakamaswerteng ina sa buong Biringan kapag ikinasal sila--"

"Manahimik ka! Kapag hindi ako makapagtimpi sayo ay pipilitin ko talaga iyang leeg mo!" Nanggagalaiting sigaw ko rito. Pero imbes na matakot ito sa akin, lalo pa itong tumawa ng ubod ng lakas.

Gigil ko itong nilapitan. Akmang aabutin ko na sana ito para balaan ng biglang yumanig ang buong kweba. Napahawak ako sa kristal na rehas ng wala sa oras. Kitang kita ko pa na naging kulay pula ang rehas na kristal. At unti-unti itong natutunaw. Nawaglit sa isipan ko ang pagyanig. Nakatutok lang ang atensyon ko sa pagkatunaw ng rehas na kristal.

'Anong nangyayari? Bakit may apoy ako sa aking kamay? Bakit may kakayahan ako ng isang Salmanian?'

Naguguluhan ako sa nangyayari. Nagimbal ako sa iisiping taglay ko ang isa sa mga katangian ng mga itim na Salamangkero. Ang kinamumuhian kong angkan ng mga engkanto.

Natulala akong napatitig kay ginang Marianna na manghang-mangha sa aking ginawa. Tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan ang natutunaw na rehas na kristal.

"Namana mo pala ang kakayahan ng iyong inang si Cordelia. " Nakangising saad nito sa akin.

'Ano? Isang Salmanian si ina?' Hindi mapakapaniwalang kausap ko sa aking isipan.

"Nakalaya na rin sa wakas! Salamat sa isang uto-utong Salmanian na katulad mo! Paalam!"

Masiglang wika nito sa akin. Patalon talon pa itong umalis habang kumakaway. Akmang maglulunoy na ito sa tubig ng bigla namang dumating ang aking ama. Mabilis nitong nahablot sa braso si ginang Marianna.

"Sinasabi ko na nga ba at mangyari ito. Kaya kaagad akong sumunod dito matapos naming patumbahin ang mga kalaban."

Kalmadong saad ni ama. Nginisihan lamang ito ni ginang Marianna na hindi man lang pumalag sa pagkahuli ulit nito. Unti-unti na rin naglitawan ang mga kaliskis nito sa buong katawan. Ibang-iba na sa dating maamong hitsura nito. Lumabas na ang tunay nitong anyo bilang isang Daragatnian.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now