Kabanata 10:

11 6 17
                                    

KASALUKUYAN, na nagkagulo ang mga pinuno ng buong lungsod ng Waga dahil nagkandawalaan ang mga unang sibol ng kanilang mga tahanan. Pati rin ang unang sibol ng mga mababang uri ay hindi nakaligtas.

Sinadya kung tagalan ang pag-uwi sa aming balay. Kaya bago ako dumiretso,  sinundo ko muna ang iba ko pang mga nakababatang kapatid sa may taniman. Gusto ko sanang gawing dahilan ang mga ito upang mabawasan ang  pagtatanong ng mga nag-aabang saakin. Ngunit labis ang  aking nararamdaman pagkadismaya, ng pagkarating ko roon ay  wala na akong naabutan. Ayon sa aking mga napagtanungan, nagpunta raw doon ang aking magaling na kapatid-- si Irma.

'Napakahusay!'   Tila naisahan ako ng aking kapatid na si Irma. Pinauna ko pa nga itong umuwi kanina dahil ang akala ko ay maiisahan ko ito, ngunit nagkamali pala ako.

Laylay ang mga balikat kong tinatahak ang daan patungo sa aming munting balay.

Habang naglalakad, panay usal din ako ng hiling sa Reynang Carolina, na sana dinggin ang aking munting kahilingan, na sana hindi ko na maabutan ang mga naghahanap sa akin.

Mga ilang hakbang na lang ay nasisilayan ko na ang aming balay. Nakatirik lamang ito sa maliit na burol, na may mga orkidyas na nakapalibot. Simple lang ang aming balay, hindi katulad sa balay ng aking matalik na kaibigan. Madali lang din matunton ito dahil sa  kakaibang disenyong nakasabit dito--mga kabibe at mga kagamitang gawa sa  plastik.

Akmang kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aming balay. Bumungad saakin ang nag-aalalang pagmumukha ng aking kapatid na si Marcus.

Nakatayo sa likod nito ang seryosong pagmumukha ni Napoleon--kakambal ni Leo. Inilibot ko agad ang aking paningin. Maliban sa dalawang nilalang na sumalubong sa akin ay wala na akong iba pang nakikitang panauhin sa loob.

" Mabuti't ligtas ka, aking kapatid," puno ng pag-aalala ang boses ni Marcus.

Pinapanatili kong kalmado ang aking sarili habang pumapasok  sa loob. Hindi ko na pinansin ang mapanuring paraan ng pagtitig ni Napoleon sa akin. Kahit nakakapanghina ng mga tuhod ang paraan ng pagtitig neto. Tila binabasa nito ang bawat galaw ko.

"Gamay ko na ang ilog, aking kapatid, kaya wala namang dapat na ikabahala."

Idinaan ko nalang sa pagtawa ang tensyong nararamdaman. Nanatili pa ring walang imik si Napoleon habang hindi ako tinantanan ng hagod na tingin.

Nahahapong lumapit kaagad ako sa mesa, bahagyang inabot ko ang nakataob na planggana upang paglagyan ng mga isdang nabingwit ko kanina. Maingat ko munang ipinatong sa mesa ang makapal na sisidlan na gawa sa tela--ito ang pinaglagyan ko sa isdang nakuha.

"Akala ko ba ay sa sagradong kagubatan ka nanggagaling?"

May halong pagtataka na tanong nito sa akin.

"Ano naman ang gagawin ng isang anak ng mababang uri ng manghahabi at maglilinang sa sagradong kagubatan?"

Sarkastikong sagot ko sa tanong nito sa akin. Nagbakasakali ako na makumbinsi ko ito. Ngunit mukhang mahirap linlangin ang mga katulad ni Napoleon.

"Ano nga ba dapat?" Balik-tanong naman ni Napoleon sa'kin.

Kuno't noong sinalubong ko kaagad ang mapanuring mga titig nito. Nagpakawala ako ng nakasusuyang tawa habang nakipagtagisan ng titig dito.

"Masama ang magbintang, Leon, lalo na't wala ka namang sapat na ebidensya."

Bahagya itong napangiti sa naging sagot ko. Humarap naman ito sa aking kapatid bago nagsalita ulit.

"Kaibigang Marcus, bakit hindi mo ipaliwanag sa iyong kapatid ang narinig at nakita mo."

Naguguluhan na tinapunan ko ng tingin ang aking kapatid. Nagtatanong ang mga mata ko habang naghihintay ng kan'yang kasagutan.

"Nagkataong ihahatid ko na sana pabalik sa taniman ang aking kasintahang si Freya, nang mamataan naming nagmamadali ng umalis si Olivia. Nahikayat niya akong sundan ang nakatatandang kapatid, at nakita namin pareho na ikaw ang kanyang kinakatagpo. Malinaw rin ang pagkarinig ko na nagbabalak kayong dumalo sa kapunungan ngayon. Nang ibinalita ng mensahero sa buong lungsod ang masamang balita kanina, ay hindi na ako nag-atubiling kausapin si ama, tungkol dito. Kaya kaagad inutusan ni ama ang ating kapatid na si Irma upang hanapin ka, dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin nakauwi si Olivia. "

Mahabang salaysay neto. Buong akala ko ay ipinagkanulo na ako ni Leo, mali pala ako ng hinala.

"Bago ibinalita ng mensahero ang nangyari sa loob ng sagradong kagubatan! Nagkaroon ng pangitain ang aking kapatid na si Freya, na ikaw ang huling nakasama neto bago ito nilamon ng nakasisilaw na liwanag at naglaho!"

Galit na katwiran nito sa akin. Kulang nalang ay ngudngurin ako neto sa mesang nakapagitan sa aming dalawa. Nawala rin sa isip ko na may kakaibang  kakayahan nga pala ang kapatid ni Olivia. 'Sabad na mga pangitain!'

"Anong ginawa ninyo sa sagradong kagubatan kanina? " Untag nito sa akin dahil hindi ko na ito muling  inimikan pa.

"Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo, Leon." Pagtanggi ko pa rin kahit alam kung dehado na ako.

"Ikaw ang huling nakita na kasama ni Olivia kanina, aking kapatid. Kaya kung maari ay sabihin mo na sa amin ang buong nangyari. Upang maagapan pa natin habang maaga pa. " Nakadagdag pa sa tensyong nararamdaman ko ang sunod-sunod na sinabi ng aking kapatid na si Marcus.

Ngunit kailangan kong mapanindigan ang mga kasinungalingang sinabi ko sakanila.

"Wala nga akong alam! Maghapon lang naman akong tumambay sa ilog, naghabi ng mga sisidlan, habang namimingwit ng isda! Mahirap bang intindihin iyon?" 

"Hindi mo ako malilinlang, Mauricia! " Mariing singhal ni Napoleon saakin. Mabilis ako nitong hinawakan sa magkabilang braso at niyuyogyog.  "Paano mo maatim na gawin iyon sa sarili mong kaibigan?!"

Pilit kung kumawala sa pagkahawak nito sa aking braso, ngunit sobrang lakas nito. Tila'y mabibingi na rin ako sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

"Maari bang huminahon ka muna aking kaibigan? Hindi ba may usapan tayo kanina na walang sakitang magaganap, ngunit bakit mo pinagbubuhatan ng kamay ang aking kapatid?"

Naalarmang pagpipigil ng aking kapatid na si Marcus sa kaibigang, animo gutom na tigre at anumang oras ay handa nang sakmalin ako.

'Bilisan mong mag-isip ng paraan! Kung hindi, baka madamay pa si ina!'

Natatarantang wika ko sa sarili. Mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko ng biglang magbago ang kulay ng mga mata ni Napoleon.

' Paano nangyari ito? Bakit magkasing kulay ito sa mga mata ni Olivia kapag sobrang nagagalak? Hindi kaya naisahan ako ni Leomord kanina? Hindi maaari!'













Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now