Kabanata 16:

3 1 0
                                    

Edrei:

MAHIGPIT na nagyayakapan ang dalawang magandang engkantada sa aking harapan.

Pero nahulog na naman ako sa malalim na palaisipan.

'Ano  ang ginagawa ng taga-Biringan dito? May mangyayari na naman  bang masama at nagsilabasan na naman ang mga ito ngayon?'

Iilan lang iyan sa mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan ngayon. Pero siguro, nandirito sila para sunduin si Olivia. 'Teka! Si Olivia uuwi? Papaano na ang aking mga kapatid kung babalik na ito sa Biringan?'

"Kuya!"

Isang pitik ng kamay at ang matinis na boses ng aking kapatid  ang muling nagpabalik sa diwa ko.

Sumalubong saakin ang mga nag-aalalang mga pagmumukha ng aking mga kapatid.

"Talaga bang ayos ka lang po, kuya?"

Nag-aalalang sinalat ng aking kapatid na si Tiffany ang aking noo.

"Ano ba iyang pinaggagawa mo? Wala akong sakit, okay?" Pag-iwas ko sa mga mata nilang puno ng katanungan. Nagmumukha na tuloy akong tanga sa paningin nila.

"Eh bakit  kasi kanina ko pa napapansin na  natutulala ka?" Hindi naniniwalang usisa pa nito.

"Kaya nga, p're! Pansin ko rin iyon!" Gatong naman na dagdag pang wika ni pareng Romdy.

"Uy, Olivia! May hindi ba kayo pagkakaintindihan netong kaibigan ko't bakit lagi nalang wala sa sarili?" Palatak na wika pa neto na ikinalaki ng aking mga mata.

"Tumigil ka! Kung ano-ano nalang lumalabas d'yan sa bunganga mo, p're! Bumalik ka na nga roon sa asawat anak mo dahil mukhang hinahanap ka na, oh, " pagsisinungaling na turo ko pa sa direksyon ng kinapupwestuhan ng pamilya neto.

"Asus! Palusot ka pa, p're!" Inambahan ko na ito ng hampas pero mabilis itong nakaiwas.

"Olivia, pagsabihan mo iyang nobyo mo! "

Akmang hahabulin ko na sana ito dahil sa walang katuturang mga sinasabi neto pero mabilis itong nakaiwas at tumatawa pang tumakbo  papalayo sa akin.

"Kuya! Totoo po bang may gusto kayo kay ate Olivia?" Pangungulit na hila ni Zoey sa kamay ko.

Napilitan naman akong humarap sa mga ito habang  kinakamot ang aking ulo.

Pasimple akong tumigin kay Olivia kung ano ang reaksyon neto. Naaaliw akong tiningnan neto habang mahinhin namang ngumiti ang kapatid netong mala-diwata sa ganda.

"Uy! Si kuya!" Panunudyong kantyaw sa akin ng dalawa kong kapatid.

Hindi ko alam kung ano ang aking dapat na maramdaman. Kaya pasimple ko nalang na pinandidilatan ng mata ang dalawa na panay hagikhik.

****

"UMAHON kayo sa dagat! Mapapahamak kayo!"

Malakas na sigaw ng isang lalaki. Pero tinawanan lamang siya ng mga taong naliligo sa dagat.

"Ang ganda ng sikat ng araw oh!"

"Sayang! Gwapo pa naman sana! Mukhang may sayad!"

"Umalis ka nga riyan! Hindi mo kami maguguyo!"

Iilan lang ang mga iyan sa reaksyon ng mga tao sa dagat, pero patuloy pa rin sa kakatakbo pabalik balik ang lalaking sumisigaw.

Isa-isa netong nilapitan ang mga naliligo at nakabilad sa araw. Pero kahit ni isa ay walang naniwala sa kan'ya, pinagtatabuyan lamang siya ng mga ito papalayo.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now