Kabanata 9:

8 6 15
                                    

Sagradong Lugar

MALAYA kong pinagmasdan mula sa malayo ang aking matalik na kaibigan. Naging abala ito kakamasid sa kabilang bahagi ng mga naglalakihang mga puno. Naninilay sa mga mata nito ang labis na kagalakan. Hindi ko rin naman ito masisisi, dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta ito sa bahagi ng aming lugar.

Naging panatag din ang aking pakiramdam dahil maaga pa lang ay tapos na kaagad kaming mamitas ng mga  bulaklak at herbal na dahon.

Subalit, sa may di kalayuan ay may naulinigan ako na isang kakaibang ingay. Animo'y tunog ng isang sikmurang nagugutom. Inilibot ko agad ang aking paningin.  Nagbakasakali na may makita akong ibang kasama sa naturang pwesto namin ng sagradong lugar. Pero labis ang aking ikinapagtaka dahil  wala man lang kahit ni isang bakas na may iba pa kaming kasama rito. Karamihan sa mga kasamahan namin ay nakap'westo sa kabilang dulo.

Palakas ng palakas ang kakaibang tunog na aking narinig. Bigla nalang akong nakaramdam ng sikdo sa aking dibdib. Hinagilap kaagad ng aking paningin ang matalik kong kaibigan. Kailangan ko na siguro itong pàbabain. Dahil kung hindi ay parehas pa kaming malalagay sa alanganin. Ayoko pa sanang putulin ang kasalukuyan nitong ginagawa, ngunit, may kakatwa talaga akong napansin sa buong paligid. Àt hindi ito maganda sa pakiramdam.

May narinig akong nabali na sanga. Kaagad kung nilingon ang tunog na pinanggalingan nito. Nagmula ang tunog ng nabaling sanga sa isang puno na malapit sa aking kinatatayuan. Bahagya ko pang pinasingkit  ang aking mga mata para aninagin kung bakit gumagalaw ang mga dahon ng naturang puno.

Dahan-dahan akong humakbang, ngunit parang. . .napapikit ako ng biglang umikot ang aking paningin.  At sa muling pagdilat ko ng aking mga mata ay isang nakakilabot at dumadagundong na tunog ang biglang lumabas sa kung saan, dahilan upang manginig ang aking buong kalamnan.

Matinding panganib, ito agad ang pumasok sa aking buong sistema.

At huli ko  nang napagtanto na ang mga naririnig ko ay isang babala, para sa isang matinding panganib. Naramdaman ko nalang ang pagyanig ng sagradong kagubatan.

Mabilis akong naghanap ng mapagtaguan. At nang makapagtago naman ako ay saka ko pa naalala ang kinaroroonan ng aking matalik na kaibigan. Samot -sari na ang narinig kung mga tunog. Tunog ng mga nabaling mga puno, tunog ng nabibiyak na lupa, tunog ng mga yapak ng mga kasamahan naming kanda-iwas sa panganib, at ang tunog ng isang papalapit at mabilisang pagtakbo.

Ang mensahero! 'Hala, baka makita si Oli.'
Hindi niya maaring makita si Oli na nakasalampak sa itaas ng malaking puno. Mahigpit pa namang ipinagbabawal sa amin iyon.

Agad kung  sinigawan ang aking matalik na kaibigan, "Oli, bumaba ka na! May paparating! "

Babalang sigaw ko rito. Tumalima naman kaagad ito sa akin, at akmang bababa na sana ito sa punong inakyatan ay bigla na namang yumanig.

Mahigpit akong napakapit sa sanga ng punong nabali na pansamantala kong pinagtaguan. Kasabay nang pagdating ng mensahero.

" Manggagaway! Takbo! Bumalik na tayo sa lagusan! Ngayon na!" Tumatakbong sigaw ng mensahero. Halos hindi na ito magkamayaw sa kakasigaw.

"Oli, bilisan mo! " Kabadong sigaw ko ulit kay Olivia na hanggang ngayon ay nasa itaas pa rin ng malaking puno.

Kasalukuyan pa lang itong bumaba  sa puno, ngunit,  sa kamalas-malasan ay sumabit ang pantakip nito sa ulo. Kabadong napahawak ako sa aking dibdib, lalo na't malayang nilipad ng hangin ang mahaba at pula nitong buhok.

Kaagad akong nabahala, mabilis akong nagpalinga-linga sa buong paligid. Mabuti nalang talaga at nakaalis na ang mensahero at abala na ang iba pa naming mga kasamahan sa pagtakbo. Dahil alam ko ang magiging kaparusahan kapag nalaman ng mga ito na sumuway kami sa batas. 'Ngunit, mas mahalaga pa ba iyon kaysa kaligtasan ng aking matalik na kaibigan?'

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now