Kabanata 29:

4 0 0
                                    

NAKITA ko na nakahandusay sa sahig si Olivia at katabi nito ang isang nilalang na kilalang-kilala ko. Sa bandang unahan naman nakahandusay rin ang dalawang batang kapatid ko kay papa at ang nakababatang kapatid ni Olivia na si Ofelia. Parehas na walang malay ang mga ito.

"Mama!" Yakap ko kaagad sa babaeng nakahandusay sa tabi ni Olivia.

Nagmulat agad ito ng mga mata at ng makita ako ay pinilit nitong bumangon para yakapin ako.

Isang mahigpit na yakap ang aming pinagsaluhan. Kaagad namalisbis ang masagana at mainit na likido sa aking pisngi. Sampong taon mahigit akong nangulila sa kan'ya. Akala ko dati ay namatay na talaga ito. Mabuti nalang at dumating sa buhay namin si Olivia dahil hanggang ngayon siguro ay wala pa rin akong alam sa totoong nangyari kina mama at papa.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" Biglang tanong ni mama sa akin. Kaagad na kumalas ako ng yakap dito. Pero imbes na sagutin ko ang naging tanong nito sa akin ay tinanong ko naman ito ng panibagong tanong.

"Nagkita na po ba kayo ni papa?" Tanong ko.

Nagulat pa ito sa akin. Halatang wala itong kaalam-alam. "Nandito rin ang pinakamamahal kong si Ezra?"

Mahinahon akong tumango, "pati sina Tiffany at Zoey." Bumalatay sa pagmumukha ni mama ang masayang mga ngiti sa mga labi, na bihira ko nalang makita noon simula nang iniwanan kami ni papa. Walang kasing saya rin ang katumbas na makita itong sobrang saya.

"Ginoong Edrei..."

Ungol ni Olivia. Nagising na pala ito. Nag-aalalang nilingon kaagad ito ni mama. Dinaluhan ko rin ito upang makaupo ng maayos.

"Dahan-dahan lang baka mabinat ka." Wika ko na may halong pag-aalala. Masyadong nanghihina ito na akala mo lantang gulay.

"Si tiya... Tulungan mo si tiya Cordelia... Dinagit siya ng prinsepe ng Mandaragat.."

Pinipilit nitong tumayo pero maagap ko naman itong napigilan.

"Mas makakabuti sayo ang magpahinga muna dito." Mahinahon na wika ko rito. Ngunit hindi ito nakinig sa akin. Bagkus, mahinang mahina ako nitong pinaghahampas. Hindi naman kalakasan ang hampas nito gawa ng masyado pa itong nanghihina.

"Hindi ligtas si tiya..." Humahaguhol na wika nito. Saka naman patakbong dumating ang kapatid kong si Zoey.

"Kuya! Mama! Ate Olivia! "

Mula sa likuran nito nakasunod sina Freya at ginang Melva. Nang makita ni ginang Melva ang kalagayan ng mga anak ay kaagad nitong nilapatan ng gamot.

"Ina.. Iligtas ninyo si tiya Cordelia..." Nanghihinang anas nito habang pinapahiga ito ni ginang Melva. Nasa tabi kasi ni Ofelia ang bagong dating na si Freya. Si mama naman ang nag-aasikaso sa kambal na nakababatang kapatid ko kay papa.

"Huminahon ka, anak. Ligtas na ang iyong tiya. Kasalukuyan siyang ginagamot ni binibining Tiffany. " Pagpaliwanag ni ginang Melva kay Olivia.

Nilingon ako nito at malapad na ngumiti.

"Niligtas ng kapatid mo ang buong Waga sa pamamagitan ng pagkontrol niya sa mga dahon ng paglaum. "

"Dahon ng paglaum?" Naguguluhan na tumingin ako kay ginang Melva habang abala ito sa paggamot kay Olivia.

"Ang dahon ng paglaum ay ang nag iisang puno na matatagpuan laman sa bundok Wahiga. Kulay asul ang mga dahon nito. At namimili ito ng mga engkanto na magkontrol dito. " Mahinahon na pagpaliwanag ni mama sa akin.

Nakita ko na ang puno na iyon. Nung dumaan kami sa bundok Wahiga.

"Tama ang iyon ina, ginoong Edrei. Dahil isa siya sa mga napiling magkontrol ng mahiwagang punong iyon. At dahil anak niya si Tiffany kaya siya rin ang mapalad na napili ng puno ng paglaum. " Nagagalak na paliwanag ni ginang Melva.

"Lahat ng madadapuan ng dahon ng paglaum ay magiging masaya at makakaramdam ng pag-asa. Maghihilom din ang sugat ng anumang karamdaman kapag ginamitan ng mahiwagang dahon na 'yon. Ang ganid at mapaghiganteng puso ay mapapalitan ng mapagpatawad at mamapagmahal na damdamin. " Dagdag pa na salaysay ni Freya.

"Hindi ba kuya, may gan'on tayong puno sa atin?" Singit na naman ni Zoey sa usapang matatanda.

"Ano na naman iyang pinagsasabi mo, Zoey? Wala namang kulay asul na dahon ang mga punong tumutubo sa bakuran natin."

Nag-iimagine na naman itong kapatid ko ng mga imposibleng bagay.

"Hay naku, kuya! Mayroon talaga akong nakita sa bakuran natin katulad ng puno ng paglaum. Mga hanggang baywang ko pa nga iyon eh. Kahit tanungin mo pa si ate Olivia. Alam niya ang sinasabi ko dahil nakita ko na pumitas siya ng dahon nun at pinainom kay ate Tiffany!" Nangangatwiran na paliwanag nito sa akin.

"Talaga? Nabuhay pala ang binhi ng punong iyon? " Hindi makapaniwalang wika ni mama, tinugunan ito ng pagtango ni Zoey na namimilog pa ang mga mata sa sobrang tuwa dahil sinakyan ni mama ang trip niya.

"Mama, tigilan mo na nga ang pagpapaniwala kay Zoey." Reklamong saway ko kay mama.

"Bakit anak, hindi ka rin ba naniniwala sa akin?" Dismayado na tumingin ito sa akin.

"Hindi naman sa gan'on. Kaso diba ang sabi niyo po na nag-iisang puno lang ito dito at sa bundok Wahiga pa ito tumubo." Pampalubag na paliwanag ko.

Narinig ko pa ang hagikhikan ng magkapatid na kambal at Ofelia sa sinabi ko. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nagising ang mga ito.

"Nakakatuwa ka naman po, ginoong Edrei. " Pinong nginitian lang ako ng dalagitang si Ofelia.

"May nakakatawa ba sa sinasabi ko?" Nayayamot kong wika.

"Kahit saan naman tumutubo ang punong iyon, kapatid. " Nakangiting wika ni Ismael.

"Siguro pinadalhan si ginang Demetria ng kanyang inang si prinsesa Olin ng binhi nito bago ito magpunta sa mundo ng mga mortal. Sa katunayan, mga maglilinang lang ang may kakayahan na buhayin ang puno ng paglaum. Nakalimutan mo na ba na isang maglilinang ang ating ama?" Seryosong turan ni Isaiah.

"Parehong tinataglay ni binibining Tiffany ang kakayahan ng inyong mga magulang kaya hindi na ikapagtataka kung bakit siya ang napili ng mahiwagang puno ng paglaum." Wika naman ni Freya. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanila.

NATIGIL na ang hidwaan na namamagitan sa mga taga-biringan. Lahat ng kaguluhan ay pakana lang pala lahat ng prinsepe ng Mandaragat, na si Carlos. Hindi kasi nito matanggap na tinanggihan siya ng prinsesa ng mga Salmanian. Kaya upang makapahigante ay pinalabas niya na ang mga taga-Salma ang may pakana ng pangunguha ng mga inosenteng mortal at dinadala sa Biringan.

Namatay sa labanan si ginang Marianna kaya inampon nina mama at papa ang mga naulilang anak nito.

Naparusahan naman sina Leomord at Mauricia.

Natanggal sa katungkulan bilang sunod na mandirigmang mangangaso si Leomord. Ginawang taga-pastol ng mga kambing ito na nakap'westo sa gitnang bahagi ng bundok Wahiga habang si Mauricia naman ang ipinalit sa pwesto ng kanyang inang si Marianna. Nakakulong ito sa rehas na kristal.

Si Irma na ang bagong namumuno ng Mandaragat. Ipinatapon ang mag-inang prinsesa Cara at Carlos sa pinakapusod ng dagat. Mahigpit na binabantayan ang ito ng mababangis na barakuda. At si Marcus? Kasalukuyan pa rin siyang ginagamot sa kanyang karamdaman. Hindi kasi basta-basta natatanggal ang kabibeng bituin na ikinabit ni Leomord sa kanyang katawan. Palage namang nakabantay si Freya sa tabi nito.

At nakipagsundo rin ang prinsepe ng mga taga-Salma sa mga taga-Waga. Alang-alang sa anak nitong si Cordelia, na susunod na mamumuno sa mga Salmanian.

Katulad noon ay malaya na ulit silang nakakatawid sa lagusan ng kapwa engkanto. Tuluyan ng isinara ang lagusan papunta sa mundo ng mga mortal ang talon ng Darawaga..

Petals Of Hope (Biringan Series1)Onde histórias criam vida. Descubra agora