Kabanata 6:

19 7 18
                                    


Edrei:

"Kuya, ano po ang nangyari? Bakit mo inaaway si ate Olivia? "

Biglang salita ni Zoey  na hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala. Nagising pa ata ito  dahil sa lakas ng pagsigaw ko.

"Ate Olivia, ayos lang po ba kayo?" Himig pag-aalalang tanong naman ni Tiffany dito. Nanigas ang mga kalamnan ko nang makita ko na katabi na ni Olivia ang aking kapatid.

"Tiffany, lumayo ka sa babaeng 'yan!" Paghihisterikal na kausap ko rito. Pero imbes na sumunod sa pakiusap ko ay nanatili lamang itong nakatayo sa tabi ni Olivia, habang si Olivia naman ay nanatiling nakatayo sa isang tabi. Talagang nilamon ng galit ang buong sistema ko ng mga oras na 'to.

Hinihila ko kaagad si Tiffany palayo kay Olivia.

"Ano ba kasi ang problema, kuya?!" Pilit na kumakawala ito sa mahigpit na pagkahawak ko.

"Hindi ligtas ang babaeng iyan, tiff!"
Sinadya kong taasan ito ng boses  para lang sumunod ito sa akin.

Pero imbes na lumayo kay Olivia ay mas lalong pinipilit lang nitong kumawala sa pagkahawak ko. Dahilan upang maging sanhi ng pagkabagsak nito sa sahig. Nabitawan kasi nito ang saklay na tanging sumusuporta rito sa paglalakad.

Natigilan ako sa nangyari. Dahan-dahang humupa ang galit sa aking dibdib. Napalitan ng pag-aalala. Mabilis ko itong dinaluhan pero pumiksi lamang ito sa pagkahawak ko rito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko  ang naguguluhang mga titig nito sa akin.

Dali-dali namang nilapitan ito ni Olivia para alalayan sa pagtayo. "Ayos ka lang ba, neng?"

Tuluyan nang nawala ang galit na aking nararamdaman ng bigla namang pumalahaw ng iyak si Zoey na muntikan ko ng makalimutan na nakatayo  lang ito sa aking tabi.

Natunaw na parang yelo ang galit sa aking puso ng marinig ko ang pag-iyak ni Zoey.

"Patawad. Hindi ko sinadyang sigawan si ate tiff mo, Zoey."

Paghingi ko ng paumanhin sa bunsong kapatid na kaagad namang humina ang pag-iyak.

"Eh bakit ka galit? Bakit mo inaaway sina ate Olivia at ate Tiny?" Humikbing nakalabing turan nito sa akin. Madalas na tiny ang tawag nito kay Tiffany dahil sa hindi ko malaman na dahilan.

Huminga muna ako ng malalim. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago nagsalita.

"Ang mga kalahi ni Olivia ang dahilan kung bakit hindi na natin nakasama si papa ngayon. Sila ang dahilan kung bakit namatay si mama."

Pigil ko sa muling pagkaramdam ko ng panginginig ng aking kalamnan. Iba pa rin talaga ang dating sa akin kapag ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa nangyari noon.

"Diba sumama si papa sa ibang babae? Bakit mo sinisisi si ate Olive? "

Kunot noong tanong ni Tiffany sa akin.

"Hindi katulad natin ang angkan nila Olivia... Mahirap ipaliwanag sa inyo."

Hindi ko alam kung papaano ko ba  ipaliwanag sa mga ito ang katulad ni Olivia.

"Hindi na po ako bata para hindi ko po maintindihan ang gusto mong iparating sa amin. Gusto kong malaman ngayon ang buong katotohanan, kuya. Alam ko at ramdam ko na may hindi ka pa sinasabi sa amin ni, Zoey."

Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na paghinga dahil sa sinabi ni Tiffany saakin. Ito na siguro ang tamang panahon para ipaintindi sa kanila ang tungkol sa salawahan naming ama.

"Kuya..."

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Katulad ni Olivia, isang Salmanian ang babaeng sinamahan ni papa. Ito ay mga engkanto na nakatira sa Biringan. Gumagala sila sa lugar natin upang mambiktima ng mga tao upang dalhin sa lugar nila at gawing asawa o alipin at i-a-alay sa Reyna nilang si Carolina. At sa kasamaang palad, isa si papa sa mga taong nabiktima nila. " Mahabang paliwanag ko.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now