Kabanata 12:

4 3 0
                                    


ISANG ibon ang malayang lumilipad. Nagpalipat-lipat ito sa matatayog na mga punong nakapalibot sa ilog.  Maliksi ang bawat galaw nito habang sinasabayan ang mapayapang pagdaloy ng agos ng tubig sa ilog at ang banayad na ihip ng hangin. Nakadagdag pa ang sinag na nagmumula sa liwanag ng buwan, sa mabangis nitong mga mata na matamang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Animo'y sinusuri neto ang kabuuan ng ilog Mandarawaga. 

Sa kabilang bahagi naman, may dalawang binatilyong  naglalakad, pabalik sa kanilang tahanan. Tumigil ang mga ito ng mapadaan  sa dalawang sanga-sangang daanan. Ang isang  daanan ay papunta sa sagradong kagubatan, kung saan isinasagawa ang pagpupulong ng mga pinuno sa bayan ng Waga.  Bago makarating sa sagradong kagubatan ay madadaanan muna ang taniman.  Habang ang pangalawang daan naman ay papunta sa mga kabahayan ng mamamayan ng bayan ng Waga. Bago naman makarating dito ay kailangan munang dumaan sa isang gawa sa kawayang tulay. Ang tubig na dumadaloy rito ay nanggagaling pa sa ilog na nakap'westo malapit lang sa kinatatayuan ng dalawang binatilyo--ang ilog Mandarawaga.

Nakatayo ang isang binatilyo sa pagitan ng dalawang sanga-sangang daanan at nagwika.

"Gusto mo bang masaksihan ang pagsamba ng mga pinuno sa kabilugan ng buwan?"

Masiglang pang-eengganyo ng isang binatilyo sa kapwa binatilyo.

Napakuno't noo ng tiningnan ng isang binatilyo ang kapwa binatilyo  dahil sa narinig at nagwika.

"'Diba mahigpit na ipinagbabawal sa atin ang mga ganoong kaganapan?"

Natawa ang isang binatilyo dahil sa naging kasagutan ng kapwa binatilyo.

"Masyado ka namang masunurin. Wala namang mawawala sa atin, kung paminsan-minsan ay sumuway naman tayo sa kautusan. "

Panghihimok na wika ng isang binatilyo sa kapwa nito. Ngunit, mariin ang pagtanggi nito sa alok ng kapwa binatilyo.

"Kapahamakan  ng ating pamilya  ang magiging katumbas ng mga salitang gusto mong gawin!"

Dahil sa narinig nitong kasagutan mula sa kasama ay nagpakawala ito ng nakakasuyang paraan ng pagtawa.

"Akala ko ba ay susuportahan mo ako sa mga desisyon na aking gagawin? Ngunit bakit tila biglang nagbago ang iyong pinangako sa akin? Kung gan'on, ako nalang ang pupunta roon, at bahala na ang aking sarili kung mahuli man ako o hindi! Paalam!"

Pangongonsensyang pang wika nito sa kapwa  binatilyo  bago tumalikod at nagsimula nang maglakad. Napabuga nalang ng hangin ang isang binatilyo dahil sa katigasan ng ulo ng kasama.

"Sandali, hintay! Sasama na ako. Pero sandali lang tayo doon ha?"

Isang matagumpay na mga ngiti ang pinakawalan ng papaalis na binatilyo bago nito lingunin ang kapwa binatilyo. At masiglang hinila nito ang kamay ng kapwa binatilyo na nagpatianod lamang sa kasama.

Ngunit nagtataka ang isang binatilyo dahil hindi sa taniman ang tinatahak nilang daan. Papunta  sila sa ilog Mandarawaga. Kinompronta nito ang kapwa binatilyo at ipinaliwanag naman nito na ayon sa nasagap nitong balita ay sa ilog Mandarawaga raw pupunta ang mga pinuno. Laganap na naman kasi ang lagim kaya napagpasyahan ng prinsepeng namumuno sa lugar nila na palagyan ng harang ang nasabing ilog.

Imbes na magreklamo ay sinang-ayonan nalang nito ang kapwa binatilyo.

Nagtataka ang dalawang binatilyo dahil nang makarating sila sa mismong paggaganapan ay wala silang makitang mga pinuno. Tanging ang kagandahan ng bilog  at maliwanag na buwan ang bumungad sa kanilang dalawa.

Nadismaya ang binatilyong nag-aya sa kapwa binatilyo. Mabilis namang nag-aya umuwi ang isang binatilyo sa kapwa binatilyo. Walang nagawa ang pasaway na binatilyo sa kapwa binatilyo kundi ang sumunod nalang dito.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now