Kabanata 3:

12 6 15
                                    

Edrei:

PAGKARATING namin sa center ay sinalubong kaagad kami ni nars Caitlin. Pinaliwanag  niya sa amin  na wala na palang bakante dahil lumagpas na sa kapasidad ng naturang center ang mga nilikas ngayong araw.  At kung maari ay hanapan muna namin ito ng pansamantalang matutuluyan.

Nakiusap nalang ako na kahit gamutin nalang niya ang sugat ng iniligtas naming babae at kaagad naman itong pumayag. Pagkatapos nitong gamutin ang sugat ay nagpasya akong ihatid sya sa lugar ng pinaka bukana ng pinaikling daan kung saan namin siya huling  nakita.

Medyo may pag-alinlangan pa akong  sundin ang pinakiusap nito sa amin kanina ni pareng Romdy, ngunit nagbakasakali rin ako na susunduin siya ng kan'yang kaibigan.

Pinasuot ko sa kanya ang balabal na lagi kong dala-dala para panlaban sa malamig na simoy ng panggabing hangin.

Matiim ko itong pinagmasdan habang maingat nitong ipinatong ang balabal sa balikat nito.

"Salamat," aniya nito.

Isang matipid na ngiti ang itinugon ko rito bago ko itinuon ulit ang mga mata sa daan.

Habang nagmamaneho ay hindi pa rin ma-i-alis sa isipan ko kung bakit siya iniwan ng kaniyang kaibigan sa lugar na iyon. Kung bakit Mabuti nalang talaga at napagawi kami ni pareng Romdy, kung hindi, ay baka napagdiskitahan na ito ng mga malokong tao o baka ang masaklap ay mapaglaruan pa ito ng  mga engkanto umaaligid sa naturang lugar.

Hindi rin mawala-wala sa isipan ko kung ayos lang ba ang kaibigan nito. 'Hindi kaya ang kaibigan nito ang nakuha ng mga engkanto? Naku! Huwag naman sana!'

"P're, nandito na tayo!" Agaw salita ni pareng Romdy na nagpabalik ng diwa ko.

Sinipat ko muna ang relong de pulso na suot ko bago magsalita.

"Sige. Maghintay lang tayo dito. Kapag sumapit na ang ikawalo ng gabi, ay kailangan ka na naming hanapan ng matutuluyan. "

Mataman kong tinitigan ang babaeng iniligtas namin at mahina naman itong tumango.

Mat'yaga kaming naghintay. Hanggang sa sumapit nalang ang ikawalo ng gabi ay hindi pa rin dumating ang kaibigan nito.

"P're, kailangan ko nang makabalik sa amin. Baka nag-aalala na si misis sa akin."

Hindi mapakaling wika ni pareng Romdy sa akin habang pinagmamasdan ang kanina pa hawak na nakapatay na selpon nito.

"Sige. Pero saan natin ito ihatid?"

"Ang  San Sebastian at Santa Monica nalang ang hindi pa natin napuntahan ngayong araw!"

Ngising suhestiyon nito sa akin. Napailing nalang ako dito dahil ang mga lugar na nabanggit nito ay nasa kabilang bayan pa.

Sa san Sebastian palang ay aabutin na kami ng dalawang oras. Hindi ko pa sigurado kung dalawang oras lang dahil maraming mga daanan  dito ang nasira dahil sa pagyanig na nangyari. Ano pa kung sa Santa Monica na limang oras ang layo.

" Kaya ko naman na ang aking sarili, mga ginoo. Dito ko nalang hintayin ang aking kaibigan kaya p'wede niyo na akong iwanan. Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin."

Biglang singit ng babaeng iniligtas namin sa usapan.

Bigla nalang akong napahagod sa batok. May sira talaga ata sa utak ang isang 'to.

"Naku, binibini, 'yan ang hindi namin pu-p'wedeng gawin sa iyo."

Pagak na tawa ni pareng Romdy.

"Seryoso ako. Maari na kayong umuwi." Giit pa nito.

Itinaas ko ang aking kanang palad sa babaeng kausap upang patahimikin ito sa pagsasalita.

"Hindi p'wede." Malamig kong tugon dito. Nilingon ko si pareng Romdy na hindi na mapakali kakasulyap sa de pulsong orasan.

"Ganito nalang p're.  Sa inyo mo nalang muna iuwi 'yan. Alam mo naman si Misis napakaselosa, " suhestiyon na wika ni pareng Romdy. "Atsaka, masikip na rin sa bahay dahil nasa bahay naglikasan ang pamilya ng aking asawa.

Hindi na ako umimik sa naging desisyon nito.
May pagpipilian  ba ako? Hindi ko rin naman pwedeng basta-basta na lang iwanan 'tong babaeng 'to dito. Baka mapaano pa ito dito.

Kaya kahit napipilitan ay sinang-ayonan ko nalang ang naging suhestiyon ni pareng Romdy.

Pagkatapos kong maihatid si pareng Romdy ay saka naman kami dumiretso pauwi. Wala akong imik habang nagmamaneho.

"Hindi mo naman kailangan gawin sa akin 'to." 

Kunot noo ko itong nilingon. Nakaupo ito sa katabing upuan at mahigpit na hinahawakan ang nakapulupot na balabal. Nabahala agad ako sa nakita. Parang nanginginig ito. Mabilis kung kinapa ang noo nito, at tama nga ang aking hinala dahil nag-aapoy ito sa init.

"Hindi ko naiintindihan ang gusto mong iparating sa akin. Huwag kang mag-alala dahil malinis ang hangarin ko na tulungan kita. Lalo na sa ganyang kalagayan mo. "

Hindi naman na ito umimik pa. Mas binilisan ko nalang ang pagmamaneho upang makarating agad sa bahay.

***

Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong kaagad kami ng kapatid kong si Tiffany.  Inutusan ko naman kaagad ito upang kumuha ng  damit pamalit sa bisita. Kaagad naman itong tumalima.

Bumalik kaagad ito upang iabot ang lumang damit ni nanay. At pa-ika-ikang sinamahan nito ito sa banyo upang magbihis.

Mabilis ko ring tinungo ang aking silid upang magpalit ng damit pambahay. Para matulungan ko rin sa paghanda sa hapagkainan ang aking mga nakababatang kapatid.

Pagkalabas ko ng silid ay bumungad agad sa akin ang makulit kong bunsong kapatid na babae. Tatlong magkapatid kami. Panganay ako at nag-iisang lalaki.

"Kuya, sino po siya? Ano pong nangyari sa kaniya? Bakit po siya may benda sa ulo?" Sunod-sunod na tanong ng bunsong kapatid kong si Zoey na nakabuntot na sa akin habang papunta sa silid tanggapan kung saan tahimik na nakaupo ang aming bisita.

Napakamot akong tumingin sa babaeng iniligtas ko upang humingi ng saklolo. Nakalimutan ko kasing itanong ang pangalan nito.

"Ako si Olivia." Magiliw na sagot nito sa aking kapatid. "Ikaw anong pangalan mo?"

Sumampa kaagad ito sa upuan at tinabihan ang bisita. Puno ng kuryosidad ang mga mata nitong nakatitig kay Olivia.

Inilahad muna nito ang maliit na palad bago magpakilala, " ako si, Zoey!"

"Nobyo  mo ba si, kuya?"

Walang prenong bulalas ni Zoey dito. Para akong itinulos sa aking kinatatayuan dahil sa kapangahasang sinabi ng aking kapatid. Nag-iinit bigla ang magkabilaang tainga ko.

Pinandidilatan ko ng mata ang aking kapatid. Halos hindi ako makatingin ng diretso kay Olivia dahil sa kahihiyan.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now