Prologue

33 5 7
                                    

Ang taas ng sikat ni Haring Araw, ang mga ibon ay masayang nagkakantahan, at sobrang liwanag ng buong kalangitan.

'Maganda magpunta sa sagradong kagubatan ngayon,' sa isip-isip ko habang maingat na bumangon para hindi makagawa ng ingay dahil natutulog pa si Ama at ang kambal kong kapatid sa ama na sina Napoleon at Leomord.

Kumapit agad ako sa isang baging na may mga bagong sibol pa na dahon, malayang nakalambitin ito sa pinakagilid ng silid-tulugan namin at kampanteng sumampa at nagpadaos-dos sa ibabang parte ng bahay namin.

Nadatnan ko sina  Ina at  Tiya Cordelia na abala sa paghahanda ng almusal namin. Si Tiya Cordelia ang pangalawang asawa ni Ama.

Dahan-dahan akong kumuha ng ubas na nakalagay sa ibabaw ng mesa nang mapansin ako ni Tiya Cordelia.

"Magandang umaga. kumusta ang tulog mo?" Masiglang tinapunan niya ako ng matamis na mga ngiti  sa labi habang hinihintay ang aking sagot.

"Magandang umaga rin Tiya, katulad pa rin ho ng dati." May kasamang pagkindat ang sagot ko kay Tiya." Magandang umaga Ina. Ano po ang almusal natin ngayon?" At nilapitan ko na siya para humalik sa pisngi nito.

"Magandang umaga rin Oli! Espesyal na kalderetang baboy ramo. Bilisan mo na riyan at sunduin sina Ofelia at Lolita sa taniman at malapit ng lumambot itong karne. Daanan mo na rin sina Freya at Malia sa may sapa. "

Utos sa akin ni Ina. Pero nang mapansin niyang hindi ako agad kumilos ay mabilis pa sa kidlat ang pagdampot nito ng isang bagay at  ibinato kaagad ako nito ng sandok, buti na lang at alerto ako at  nakailag kaagad.

Kumaripas ako patakbo sa labas ng bahay namin at dinig ko pa ang palatak niya." Ubod ka ng kupad kumilos, napakatagal mo na nga gumising ay hindi ka pa gumagawa ng mga gawaing bahay! Puro sakit sa ulo ang dulot mo sa akin! Daig ko pa ang nag-anak ng limang lalaking pasaway! " Huling sigaw ni Ina na kinarindi ng aking tainga.

'Bakit kasi ayaw ako payagan ni Ama na sumama mangaso sa kanila tuwing gabi, eh mas gusto ko pang gawin 'yon kaysa maglaba ng damit at mamitas ng mga tanim!' Maktol ko habang tinatahak ang daanan papunta sa taniman.

Nakasalubong ko sa daan ang kaibigan kong si Mauricia. "Magandang umaga sa'yo, Oli. Samahan na kita sa pwesto nina Ofelia at Lolita."

Si Ofelia ay ang bunsong anak ni Tiya Cordelia. Si Lolita naman ay ang bunsong kapatid ko. Halos magkasing-edad lang sila.

"Bukas na pala ang pagpupulong ng mga pinuno sa Sagradong Kagubatan. Sasama ka ba sa akin magpunta roon?" Namilog ang mga mata ko sa huling sinabi ng aking kaibigan.

"Aba, oo naman!" Masiglang wika ko rito habang natatanaw ko na ang pagkaway sa akin ng kapatid kong si Lolita. "Anong oras tayo magkikita? "

" Magkita tayo sa bukana ng sagradong kagubatan bago magtakip-silim," pabulong na wika niya bago siya lumihis ng daan papunta sa mga kapatid niya.

Kababata ko si Mauricia, katulad ko, panganay rin siya. Walo silang magkakapatid. Siya ang inaasahan sa kanilang pamilya. Maaga silang naulila sa Ama at may sakit pa ang kaniyang Ina, kaya may dahilan kung bakit kilos lalaki siya. Samantalang ako, may mga magulang pa at tatlong nakababatang kapatid na mga babae at tiyahin na pangalawang asawa ni Itay na may tatlong anak. Kilos lalaki rin ako, gusto kong sundan ang mga yapak ni Ama. Pero bawal sa aming lugar para sa isang mandirigma na babae. Dapat kapag pinanganak kang babae ay na-a-ayon sa kasarian mo ang tungkulin mo dito sa lugar namin. Iyon ang hindi ko maintindihan at hindi ko kayang sang-ayonan.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now