Kabanata 2.

26 8 16
                                    

Ang taga-pagsagip at ang nasagip

Edrei:

Taong 2013

Isang nakakakilabot na pangyayari ang naranasan ng mga mamayan sa lalawigan ng Samar kahapon Nobyembre 13, 2013- 11:13 N.U sa Gitnang Kabisayaan, Pilipinas. Naitala ito na 7.5 sa Eskalang Sismolohikong Richter. Ang episentro nito ay matatagpuan sa Gandara at Pagsanghan, Samar at may lalim na 33 kilometro (23 mi). Naramdaman ang lindol hanggang sa lungsod ng Butuan at karatig lalawigan ng Cebu.

Pagkatapos ng nagbabagang balita sa radyo ay  pinatay ko na agad ito.

" Sunod-sunod at nakakilabot na talaga ang nangyayari dito sa atin, p're." Mahinang wika ng pagod na boses ni pareng Romdy.

"Kaya nga, p're, eh. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari dito sa atin ngayon. " Hapong hapo rin na tugon ko.

Kagagaling lang namin sa lugar kung saan marami ang napinsala bilang mga boluntaryong tagapagsagip at pauwi na sana kami ni pareng Romdy ng may mamataan kaming bulto ng isang tao na nakahandusay sa gilid ng daan. Mabilis kong hininto ang makina ng dyip na minamaneho.  At akmang bababa na sana ako ngunit mabilis akong pinigilan  ni pareng Romdy.

"P're, h'wag!"

Mariin  at halos pabulong na wika nito sa akin pero hindi ako natinag.

Hindi ko rin kasi ito masisi kung bakit ganito nalang ito makapagreak. Walang nakatira sa  parteng ito  ng bayan namin kaya hindi na kinabitan ng linya ng kuryente. Bihira lang din ang mga napapadaan banda rito maliban nalang kung ikaw ay nagmamadali. Ito kasi ang pinaikling daan para mabilis na makarating sa pinakasentro ng bayan.  Atsaka bali-balita sa buong lugar namin na sa parteng ito raw matatagpuan ang isa sa mga lagusan ng ginintuang syudad.  At ayon sa mga nakatatanda ay pinamumugaran ito ng mga lamang loob at mga engkanto.

"Pre, h'wag! Malay mo hindi 'yan katulad natin," babala niya sa akin pero bilang isang boluntaryong tagapagsagip ay hindi naman maatim ng konsensya ko na palagpasin ang mga mas nangangailangan ng tulong. Dahil hanggat kaya kong tumulong ay gagawin ko.

Bumaba agad ako sa owner type jeep na minamaneho at kaagad kong binuksan ang hawak na flashlight at tinutok sa bulto ng nakahandusay sa gilid ng daan para masiguro kung tao ba talaga ito. Medyo gumaan ang aking pakiramdam nang mapagtanto ko na isa talaga itong tao at saka ko pa ito nilapitan.

Isang babae pala ito na may balingkinitan ang pangangatawan  at mahaba ang buhok.

"Binibini! Binibini! Gumising ka!" Niyuyogyog ko ang walang malay na babaeng nakahandusay sa daan.

Dahil sa ginawa kong paggising dito ay dahan-dahan naman itong nagdilat ng mga mata. Kahit hindi gaanong kaliwanag ang buong paligid at ang tanging  liwanag ng pangharapang ilaw ng aking sasakyan at ang liwanag ng aking flashlight na hawak ay naaaninag ko agad ang nakarehistro na takot sa mga mata nito. Pansin ko rin na medyo kakaiba ang panlalaking damit na suot nito. Parang nasa mga sinaunang panahon pa. Naka-vest ito na itim at mahabang manggas na puting pang-itaas. Nakasuot ito ng masikip na kupas na pantalon na itim  at isang pares ng itim na bota.

"Binibini? Ayos ka lang ba?" Pag-uulit kong tanong sa kan'ya.

"Nasa'n ako? Sino kayo?" Ramdam ko ang takot nito base sa reaksyon ng babaeng kaharap ko.

"Mam'ya na tayo magkakilanlan, binibini, dahil kailangan ka muna naming dalhin sa pinakamalapit na center para magamot 'yang mga sugat mo."

Mahinahon wika ko rito  at dahan-dahang inaalalayan patayo ang  estrangherang babaeng kaharap ko.

"Pareng Romdy! Bumaba ka muna r'yan at  tulungan mo muna akong maisakay siya at nang maihatid na natin kaagad sa center!"

Kailangan na rin naming mahatid ito dahil kailangan ko nang umuwi sa bahay dahil walang makakasama ang dalawang nakababata kong mga kapatid.

Akmang isasakay na namin siya ng bigla na lang itong nagpupumiglas.

"Saan ninyo ako dadalhin? At anong klaseng bagay iyan?" Takot na takot ang babae habang tinuturo ang owner type jeep ko.

"May sayad ata 'yan pre. Sayang maganda pa naman. " May panghihinayang na wika ni pareng Romdy.

Napahagod agad ako ng tingin sa babaeng kaharap. Mukhang dayuhan ang babaeng iniligtas namin. Ngunit, parang may mali kasi
kung dayuhan ito, ay malamang alam na niya ang sasakyan na ginamit namin ngayon pero ang isang 'to mukhang kakaiba ang pagkabagok sa ulo nito dahil pati sa sasakyan ay takot.

"H'wag kang mag-alala, Binibini. Dadalhin ka lang namin sa center para maipagamot 'yang sugat mo sa ulo. "

Kahit madilim at ang liwanag lang ng flashlight at ilaw ng sasakyan namin ang tanging liwanag na maaninag ay alam kong may mga sugat siyang natamo dahil sa paglindol.

"S-sigurado ba kayong ligtas ang sumakay d'yan?"  May pag-alinlangang wika nito na ang tinutukoy ay ang owner type jeep ko.

"Peksman! Mamatay man!" Natatawa habang nanunumpang wika  ni pareng Romdy dito.

"H-ha? A-anong ibig sabihin n'on?"  Naguguluhan na tiningnan ako nito.

"Ang ibig niyang sabihin sa'yo ay h'wag kang mag-alala dahil walang masamang mangyari sa'yo." Pampagaan ko sa pakiramdam na takot nito.

Mabuti nalang at napapayag din namin siyang sumakay. Habang nasa byahe ay dinaldal na naman siya ni pareng Romdy.

"Sus! Mabuti na lang talaga at kami ang unang nakakita sa'yo dahil kung iba pa 'yon, naku, kawawa ka lalo na't hindi ka pa naman pamilyar sa lugar na 'to!" madaldal na kausap ni pareng Romdy sa kan'ya. "

"Oo nga pala,  papaano ka napadpad doon? " Kausap ulit ni pareng Romdy dito.

"Ang huling natatandaan ko ay namitas kami ng kaibigan ko ng mga dahong herbal at bulaklak para gawing sangkap para sa panglunas kaso biglang yumanig ang lupa at wala na akong matandaan pa."

Narinig ko rin na maraming halamang gamot sa parteng iyon ng bayan namin. Hindi ko na ikinapagtataka kong bakit doon nila napili ng kaibigan niyang mamitas. 'Ang tanong nasaan na kaya ang kaibigan niya?'

"Isa kang manggagamot? Nasaan na ang kaibigan na kasama  mo? Bakit mag-isa ka nalang nang matagpuan namin kanina?"

Sunod-sunod na katanungan ang ibinato ni pareng Romdy dito pero tanging mahinang pag-iling lang ang isinagot nito.

Natutop bigla ni pareng Romdy ang bibig at nanlaki ang mga nito bago magsalita ulit. " Hindi kaya dinukot na siya ng mga maligno na nakatira doon!"

"Manahimik ka nga lang d'yan! Tinatakot mo ang binibini." Saway ko kay pareng Romdy. Umaayos naman agad ito ng upo at nagsalita ulit.

"Binibini, kailangan mong sabihin sa amin kung saan ka nakatira para alam namin kung saan ka p'wede ihatid pagkatapos mong gamutin."

Seryosong wika ni pareng Romdy dito.

"Ibaba niyo nalang  ako dito dahil kailangan ko nang makabalik sa amin."

"Sigurado kang dito ka namin ihahatid?" Paniguradong tanong ni pareng Romdy dito na  mabilisang tinapunan ako ng nahintakutan na mga titig.

Kinabahan ko ring sinalubong ang mga titig nito. May halong pagtataka ang mga mata kong nilingon ang babaeng nakaupo sa backseat ng minamaneho kung sasakyan.

"Oo. Sigurado akong sa lugar  din na ito ako babalikan ng aking kaibigan dahil ito  ang huling lugar kung saan kami nagkahiwahiwalay. "

Seryosong sagot niya sa mga katanungan bumabagabag sa isipan namin ni pareng Romdy.

"Sige, kung 'yan ang pasya mo. Pero kailangan mo pa ring sumama sa amin para mapagamot ang mga natamo mong sugat. " Pagbasag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming tatlo.

Mahinang tumango naman ito bilang pagsang-ayon sa sinasabi ko.

Nang mapadaan na kami sa proper road ay nasinagan ng mga ilaw sa poste ang hitsura ng estrangherang babaeng kasama namin. Napailing na lang ako ng wala sa oras at isang mahinang pagpakawala ng malalim na buntunghininga.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now