Kabanata 20:

2 1 0
                                    

"MABUTI at nagising ka na, kuya!" Masiglang bati ni Tiffany sa akin at sinabayan ng yakap.

Imbes na sagutin ay matiim ko lang itong tinititigan. Nakuha naman kaagad neto ang nais kong iparating at sumenyas ng kapayapaan na simbolo ng  daliri para humingi ng paumanhin.

"Pasensya na kuya kong dinala ka namin dito kahit labag ito sa iyong kalooban." Pag-umpisang paliwanag neto.

"May magagawa pa ba ako? Nandito naman na tayo. Kahit ipagpilitan kong umalis ay hindi ko rin alam kung saan ako dadaan. " aniya ko.

"Nabanggit kasi ni ate  Freya, na anim na araw nalang ang natitira bago ikasal si mama sa engkantong taga-Mandaragat. Kapag nangyari iyon ay nakatitiyak ako na madadamay ang mga taga-Tarangnan. Hindi lang kasi ang mga engkantong mabubuti ang sasakupin nila, kundi pati na rin ang mundo ng mga mortal. Kaya hindi ko rin maatim na wala man lang tayong gagawin." Mahabang pagpapaliwanag nito.

Siguro kooperasyon ko nalang ang kulang para hindi madamay ang mga inosenteng tao dahil lang sa kataasan ng pride ko.

"Ano ang partisipasyon natin dito?" Seryosong tanong ko kay Tiffany.

"Malalaman natin iyan pagkarating natin ng Waga. Maiba tayo, kuya, nakita mo na ba si papa?"

Tanging iling lamang ang naisagot ko. Kaagad naman akong hinila ni Tiffany papunta sa harapan ng isang malaking puno, na hindi ko naman napansin na nandito kanina. Hinintay ko muna kung ano ang gagawin nito. Kinatok nito ang katawan ng puno ngunit walang kahit anong senyales na may magbubukas nito. Naghintay pa kami ng ilang minuto at  nanatili lamang kaming nakatayo sa harapan. Pagkatapos inulit na naman ni Tiffany ang pagkatok, at sa wakas, kusa itong bumukas. Hindi ko maaninag ang looban pero namangha ako sa liwanag na nagmula sa iba't ibang kulay ng mga alitaptap.

"Pasok na tayo kuya."

Pag-aaya ni Tiffany sa akin. Medyo may pag-alinlangan pa akong pumasok, dahil iba ang naiisip ko sa mga ganitong senaryong naiimahe ko sa  mga napanuod ko na palabas sa telebisyon.

"Dali na, kuya!" Hindi na ako inantay pa nitong sumagot dahil nagagalak na itong pumasok sa looban habang hila-hila nito ang aking mga kamay.

Isang malawak na kwadra ng mga kabayo ang aming pinasukan. Ngunit imbes na kabayo ang aking nakita sa loob ng mga kwadra, ay mga malalaking kambing ang bumungad sa akin.

"Bakit may mga kambing dito?" Nalilitong tanong ko kay Tiffany.

Nginitian lang ako ng aking kapatid.

"Dahil mga kambing lang ang tanging hayop na kayang tumawid sa bundok Wahiga. "

'Ang ibig sabihin ba n'on ay hindi tunog ng mga kabayo ang narinig kung tumatakbo kanina. Mga yapak ng kambing pala ito. '

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa ginawang pagkalabit ni Tiffany saakin. Sinenyasan ako nitong h'wag gumawa ng kahit kaunting ingay at dahan-dahang hinawi ang mga sangang nakaharang.

Kaagad akong sumunod kay Tiffany. Nakita ko ang dalawang bulto ng nilalang na pamilyar sa akin.

Biglang bumalot sa akin ang isang pamilyar na pakiramdam na nagpatunaw sa nagyeyelo kong puso, habang nakatuon ang aking mga mata sa likuran ng lalaking nagmamaneho ng karwaheng sinasakyan.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo doon ng bigla nalang sumulpot si Marcus sa kung saan at nakipagpalitan ng pwesto kay papa.

Kasalukuyan na kaming magkaharap ngayon. Tanging pintig ng puso ko lang ang  ingay  na narinig ko ngayon. Dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Tila naging pipi ako, ni hindi ko na rin magawang isumbat sa kanya ngayon ang mga nangyari noon.

"A-anak..."

Basag ni papa sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"P-patawarin mo sana ako.. H-hindi ko kagustuhan ang nangyari sa pamilya natin dahil hindi ko kontrolado ang buong pangyayari.. " nauutal na pagpaliwanag niya sa akin pero nanatili lamang akong walang imik.

"Nang humupa ang gayumang ginamit ni Corazon sa akin ay nagplano na akong umuwi noon.. Handa na sana akong iwanan siya kahit na nagkaroon kami ng pitong supling. Ngunit nalaman ko mula sa pamilya ng engkantadang niligtas mo, na bihag ng mga kauri ni Corazon ang iyong mama. Kaya imbes na balikan ko kayo  ay nanatili muna ako rito para makipagtulungan sa mga taga-Waga kung papaano mababawi ang iyong mama. Kaya tiniis ko ang pangulila sa inyo dahil hindi ko rin kayang pabayaan nalang si Demetria--."

Hindi ko na ito pinatapos magpaliwanag. Nagkusa nang kumilos ang katawan ko para yakapin ng mahigpit si papa. Ilang taon ang tiniis ko sa pangulila na nararamdaman ko para sa kanya. Papairalin ko pa ba ang pride ko kung maliwanag naman sa akin na hindi niya ito sadya, na kagaya ng mga ibang taga-Tarangnan. Mga biktima lang sila ng mga masasamang engkanto sa Biringan.

'Sino ba naman ako para hindi siya patawarin? Kung balido naman ang mga rason niya kung bakit nangyari sa amin iyon.'

"A-akala ko ay hindi na kita makikitang muli..."

Medyo nahihiyang kumalas ako ng yakap sa kan'ya upang punasan ang mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa aking mukha.

"G-gumawa ako ng paraan para makapiling ko kayong muli. Kaya inutusan ko ang iyong kapatid na si Marcus upang sunduin ka. "

Umiiyak din sa kagalakan na wika ni papa.

Nag-uumapaw na kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Parang unti-unting nabawasan ang bigat na kinikimkim ko ng matagal sa aking damdamin. Pinatawad ko na si papa, pinalaya ko na rin ang puso ko sa sakit na nadarama. Sa wakas, magkasama na kaming muli. At kapag nailigtas namin si mama, mabubuo na ulit ang aming pamilya, kasama ang mga kapatid ko sa ama.

"Halika rito, kuya! Tingnan mo, oh! Malapit na po tayo sa sagradong kagubatan!"

Matinis na sigaw ni Zoey mula sa aking likuran. Kaagad ko naman itong nilingon at dinaluhan para tingnan ang sinasabi nitong sagradong kagubatan.

Unang bumungad sa akin ang kumikintab na mga bato na dinadaanan ng pitong malalaking kambing. Sunod ko namang nakita ang isang malaking puno na may kulay bughaw na dahon. Matayog itong nakatayo sa dulong bahagi ng bundok Wahiga. At sa ibabang bahagi naman ay makikita ang isang magandang bayan. Siguro iyan na ang tinatawag nilang Waga. Puro luntian na kulay ang nakikita ko. Napakagandang pagmasdan ang buong paligid lalo na't nandito ka sa itaas.

"Maganda ba anak?" Nakangiting umakbay si papa sa akin na sinuklian ko ng pagtango.

"Ipapakita ko sa iyo ang mga pananim ko at ipapakilala rin kita sa iyong mga kapatid. Dahil
kapag nabawi na natin ang iyong ina sa kamay ng mga Mandaragat ay ipapakasal ko kayong dalawa ni Olivia!"

Biglaang wika ni papa na ikinawindang ng buong pagkatao ko. Mali ata sila ng iniisip sa aming dalawa ni Olivia. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now