Kabanata 7:

7 5 14
                                    

Edrei:

"MAAARI ko bang malaman ang pangalan ng pangalawang asawa ng inyong ama?" Mahinahong tanong ni Olivia pero hindi ko ito pinansin.

"Kuya! Ano raw ang pangalan ng kabit ni papa?" Medyo nagulat pa ako sa naging katanungan ni Zoey sa akin.

Para saan pa? Eh wala rin namang mababago sa buhay namin kung sasabihin ko iyon sa kanila. Inis na wika ko sa aking sarili.

"Malaki na kami ni Zoey, kuya. Karapatan din naming malaman ang nangyari noon. Kaya kung pwede, sabihin mo na sa amin. " Seryosong saad ni Tiffany.

"Kahit naman sabihin ko sa inyo ay wala namang magbabago... Hindi na maibabalik pa sa atin si mama..."

"Nakalimutan mo na ba na isang engkantada rin si ate Olivia? Kaya niyang alamin kung nasaan na si papa ngayon." Pag-aasam na sambit ni Tiffany.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi ni Tiffany. Nagngingitngit pa rin ang kalooban ko sa tuwing naalala ang nangyari noon.

"Hindi niyo ba maintindihan na iniwan niya tayo dahil sa babaeng 'yon? Siya ang dahilan kaya namatay si mama!"

"Kasi ginayuma si papa, kuya! Nabasa ko sa libro na hindi kayang kontrolin ng taong nagayuma ang kanilang sariling isip at puso. Kaya naniniwala pa rin ako na inosente si papa, na hindi niya intensyong iwanan tayo. Baka nga hindi pa niya alam ang nangyari kay mama. " Puno nang pag-aasam ang boses ni Tiffany.

"Namimiss ko na si papa." Malungkot na saad ni Zoey.

"Basta iniwan niya tayo dahil kay Corazon!" Pagmamatigas na wika ko. Huli ko na rin napagtanto na nasambit ko na ang pangalan ng babaeng kinasuklam-suklaman ko.

Noong nabubuhay pa lang si Mama ay bihira lang kami nitong dalawin. Mas mahalaga sa kan'ya si Corazon. Kaya labis ang galit na nararamdaman ko sa kanilang dalawa dahil nagkakasakit si Mama at namatay.

"Nakakasiguro ka bang Corazon talaga ang pangalan ng gumayuma sa inyong ama?" Paniguradong tanong ni Olivia sa akin.

Tinapunan ko lang ng masamang titig si Olivia.

"May kilala ka po ba na gan'on ang pangalan sa inyo, ate?" Interesadong tanong ni Zoey rito.

Nakita ko ang wala sa sariling pagtango nito. Parang bigla itong nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Talaga? Ano po ang hitsura niya? May mga anak ba siya? Nakita mo rin ba ang papa namin doon?"

Sunod-sunod na katanungan ang ibinato ni Zoey kay Olivia.

Pero umiiling lang ito na parang hindi makapaniwala.

"Hindi maaari... "

"Ate Olive, ayos ka lang po ba?"

Tanging pag-iling lamang ang naging tugon nito sa tanong ni Tiffany sa kan'ya.

Ayoko nang hintayin ang anumang kasinungalingang sasabihin na naman nito sa aking mga kapatid. Mag-a-alas singko na ng umaga, kailangan muna naming magpahinga. Para maihatid ko na itong si Olivia sa kung saang lupalop man ito nanggaling. Kaya nagdesisyon na akong tigilan na ang pag-iisip sa mga imposibleng bagay.

"Magpahinga na kayo. At huwag na kayong umasa na babalik pa ulit si papa dito sa atin."

"Kuya naman!" Angal pareho ng aking mga kapatid.

"Pasok sa loob!" Tinaasan ko na ng boses ang mga ito na kaagad namang tumalima at nakayukong pumasok sa kanilang silid.

"At ikaw naman, " naiimbyernang hinarap ko si Olivia at kinalabit. " pumasok ka muna doon sa loob. Dahil ihahatid na kita mamaya pabalik sa Biringan!"

Imbes na tumalima ito sa akin ay nanatili lamang itong nakatayo sa aking harapan.

"Naririnig mo ba ang sinasabi ko?" Saad ko ulit dito pero hindi man lang ito natinag sa sinabi ko.

Naalarma pa nga ako ng mapansin ko ang paggalaw ng mga labi nito na animo sumasambit ng isang orasyon.

"H-hoy? A-ano 'yang ginagawa mo?"

Lumapit ito sa akin at nagsalita.

"Kanina ko pa pinagtagpi-tagpi ang sitwasyon ng mga magulang mo. Ngunit, malabo para sa akin ang mga bagay-bagay. "

Parang tanga ang babaeng ito. Masyadong pinapalaki ang mga bagay na noon pa nakabaon sa limot.

"Itulog mo na 'yan! Teka lang, uso ba ang tulog sa mundo ninyo?"

Nawalan na ako ng respeto kay Olivia. Iisipin ko pa lang na kalahi niya ang Corazon na iyon. Napapamura na ako sa aking isipan.

"Kagaya ninyong mga natibo ay ginagawa rin namin ang mga nakaugalian ninyong gawin."

Seryosong nakatitig ito sa akin.

"May kilala akong Corazon ang pangalan at malayong malayo ang pag-uugali nito sa mga katangiang nababanggit mo."

Napatda ako dahil sa sinabi nito. Hinintay ko pa itong magsalita pang muli. At hindi naman ako nabigo.

"May karamdaman ang Corazon na kilala ko sa amin, at ayon sa kaibigan ko, kahit kailan ay hindi pa nakatawid sa lagusan ang kaniyang ina. "

Magaling talaga magsinungaling itong si Olivia. Napaismid lang ako sa kinukwento niya sa akin. Pero tinititigan lang ako nito na tila binabasa ang aking isipan.

"Maniwala ka sa akin. Matagal ko nang kilala si nanang Azon, dahil ina siya ng matalik kong kaibigan. "

Napakakulit ni Olivia. Kaya nakaisip ako ng paraan. Sasakyan ko lahat ang sinasabi nito. Tutal, mamaya ay babalik na rin naman ito sa pinggalingan niya.

"Ang kaibigan mo bang iyan at ang kaibigan na nang-iwan sayo kagabi ay iisa?"

Mahina itong tumango.

"Pinanganak na isang lumpo si nanang Azon, pero magaling ito sa panghahabi ng damit kasuotan sa aming lugar at isang masipag na maglilinang naman sa Waga ang haligi ng tahanan nila. "

Siguro magkaibang tao ang kilala nitong Corazon, sa Corazon na umagaw kay papa.

"Buhay pa ba silang pareho?" Wala sa hulog na tanong ko rito.

"Si nanang Azon nalang ang naabutan ko. Pero si tatang Israel naman ay hindi ko pa naabutan. "

"Bakit? Nasaan ba ito?" Bigla akong naintriga sa papa ng kaibigan ni Olivia

Ngunit nagkibit balikat lamang ang tanging isinagot nito sa akin.

"Paano mo naman nalaman na masipag na maglilinang ito kung hindi mo pa pala ito nakikita?"

Usisang tanong ko rito. Mabuti nang sigurado.

"Kaibigan siya ng aking ama. At minsan na rin nitong nakasama ni ama sa pangangaso. "

Tumawa muna ito na parang may naalalang nakakatawa bago ito muling magsalita. Ngunit inunahan ko na ito.

"May nakakatawa ba Olivia?;

Napipikang tanong ko rito. Sinasabi ko na nga bang puro kalokohan lang ang alam nitong malignong ito. Akmang tatalikuran ko na sana ito ng magsalita ulit ito.

"Kakatwa kasi ang mga kinikilos ni tatang Israel. Likas na maliliksi kumilos at malalakas ang mga kalalakihan sa Waga, dahil ang kadalasang ginagawa nila ay mangaso at manggamot. Ngunit, iba ang kinahiligan ni tatang. Ni hindi man lang ito nakikitaan ing kahit na anong bakas na kasapi ito ng mga kalalakihan ng biringan. Bagkus, maihahalintulad ito sa mga kababaihan ng taga-Waga, ang maglinang at magluto. "

Magaling rin magluto si papa. Ito ang laging nagluluto para ipakain sa mga nasalanta ng sakuna, o epidemya. Hindi kaya?

Petals Of Hope (Biringan Series1)Where stories live. Discover now