Prologue

11.5K 126 8
                                    

One. .Two. .Three. .Four. .

Nagwawala ako sa stage habang pumapalo si Spencer sa drums nya. May tugtog kami ngayon sa school. Opening kasi ng Foundation Week namin. Isang buong linggong walang klase at puro activities lang. Naririnig ko mula rito sa entablado ang sigaw ng mga tao. Kami nga pala ang Pacific East. Ako ang vocalist sa ngayon. Unang taon ko pa lang sa banda na ito. Hindi ako ang original na vocalist, nagproxi lang ako. Sooner or later titigil na din ako sa pagbabanda at magfocus na ako sa pagaaral.

That's what you get when you let your heart win. Ohhh!... That's what you get when you let your heart win, Woh-Ohh..

Nagheheadbang ako habang nakikisabay yung mga tao sa pagkanta. How I wish I could stay in this band 'till the end but part of me is hurting because I know, sooner or later. I'm gonna leave this band. Nang matapos ang performance namin. Isa isa kaming bumababa sa stage habang patuloy pa din sa pagsigaw ang mga tao.

"Galing nyo! Shet!!!" naririnig kong sigaw ng mga babae na halos himatayin na nung dumaan ang tatlo kong kasama, can't blame them. Those three shits are very handsome. Yung nauunang maglakad sa aisle ng Social Hall namin ay si James, siya ang may hawak sa lead guitar. Matangkad, nag aagaw sa moreno at maputi ang balat, ang mga mata ay nag-aagaw itim at brown, yung buhok nya na umabot sa may batok at kapag sinusuklay nya gamit ang mga kamay nya ay halos mapunitan na ng ngala-ngala ang mga kababaihan sa kakasigaw. Following him is Luke, the bassist. Tahimik ang aura. He looks sweet and innocent but sometimes he's not. Matangkad rin, moreno, with his dark eyes, brushed up ang buhok palibhasa naka undercut, again another hearthrob. Ang kasabay ko na naglalakad, Si Spencer, ang drummer, pinakasimpatiko sa grupo. Lagi mong nakikitang nakangiti. Playboy. A total playboy. Tall, fair skin, wearing his usual killer smile. He can definitely take your breath away. And me, yours truly. My name is Samuelle, yung kumakanta kanina. Matangkad, but not really, I think 5'5 is not bad. Maputi ako. Mahaba ang buhok na kulot mula tuktok na umaabot na hanggang sa hips ko. They say I'm beautiful. But it doesn't really matter to me. Nakalabas na kami ng Social Hall ng magyaya si James kumain.

"This is gonna be one hell of a boring week. Tara. Kain tayo. Yayain natin sila Brandi." James said while texting.

Tamang tama gutom na din ako. Napagpasyahan namin kumain sa Pepper Lunch. Tahimik pa din ako habang hinihintay ang mga orders namin. Hindi naman ako OP sa mga boys it's just that I'm thinking about something. I'm gonna freaking leave this band soon. Napabuntong hininga ako. Kasabay nun ang pagkalabit sakin ni Spencer na nasa tabi ko. Napalingon ako sakanya.

"Ang tahimik mo. Anong iniisip mo?" umiling lang ako sa tanong nya.

"Wala. Gutom na ko e. Wala pa ba sila Brandi?" sinadya kong ibahin ang usapan. I don't want them to know kung anong gumugulo sakin. Ayokong mahirapan din silang pakawalan ako. All this time naniniwala silang hindi big deal sa akin ang pag-alis ko sa Pacific East.

"Wala pa nga e! Girls will be girls! Ang kukupad!" sabat netong si James. Napairap ako sa ka arogantehan nya. Nakita nya namang umirap ako. "Oopss. Sorry. Babae ka nga pala. I forgot." sabay evil grin. Loko talaga tong mga to. They don't consider me as one of the girls dahil hindi daw ako chicks. Hindi kasi ako yung girly type. Madalas jeans at sneakers lang suot ko. Bibihira lang akong mag dress. Hindi ako yung tipong dress to kill. Just like my other girl friends. We don't put too much effrot pero maganda pa din ang kinakaalabasan. No we're not mayabang, it's just the truth. He-he.

Ilang sandali pa ay dumating na si Brandi at Danielle. Ilan sa mga best of friends ko na babae. Brandi is sophisticated, intimidating ang dating. Bibihira ngumiti o tumawa. More of a serious type. She's half German, mas higit pang maputi sa akin at ang natural nyang nagaagaw na ash at blonde na buhok with those grey eyes. Danielle on the other hand is shorter than Brandi, fair skin, shoulder length wavy hair. Umupo si Brnadi sa tabi ko samantalang umupo si Danielle sa tabi ni Luke.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now