CHAPTER 25

976 24 0
                                    

Maaga akong bumangon ngayon para sa aming school festival. Medyo kinakabahan ako dahil kakanta ako ngayon. Sabi nila Matthew ready na daw ako at wag daw akog magalala. Napabuntong hininga ako.

Kumilos na ako at naligo na. Sinuot ko ang jeans ko na may punit sa parehong tuhod at itim na bralette. Nagblow dry ako ng buhok ko. Natagalan ako sa paggawa nun dahil bukod sa kulot ang buhok ko mula tuktok ay mahaba na ito. Pagkatapis gawin iyon ay nagapply ako ng bb cream sa mukha. Kaunting blush on at dark red lipstick. For the first time gumamit ako ng gantong shade. Isinuot ko na ang white loose sibglet ko na may print ni michael jackson sa gitna. Isang low cut na chuck taylor na black ang suot ko. Nang makutento na ay lumabas na ako g kwarto. Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa may kitchen counter at umalis na.

Mabuti at di ko na inalis ang gitara ko sa sasakyan ko. Pagkarating ng school ay namataan ko sa parking lot si Matthew na nakasandal sa likod ng kanyang pick up at nakahalukipkip.

Bumababa ako ng kotse at lumapit sakanya. Di niya pa napapansin ang presensya ko. Pinagmasdan ko siya. He's wearing a white shirt and black jeans na may butas din sa tuhod sa kaang bahagi and his usual black vans. His hair is messed up but looks perfect on his strong face. His tight jaw and his thick eyelashes. Papalapit na sana ako sakanya nang napigilan ako dahil dumating na si Paulette. Umayos ng tayo si Matthew at tamad na ngumisi sakanya. What is she doing here? I looked at her and she's wearing a chiffon pink spaghetti strap shear top and dark blue jeans and a pair of plain black flats. She's so feminine. Muntik na akong mainggit. Mabilis akong tumalikod bitbit ang gitara ko dahil nakita kong papalapit na sila.

"Sam?" Oh shit. Just my luck! Nakatalikod na ako pero siguro ay nasulyapan niya ko. I pressed my upper lio to my lower lip at napapikit ng mariin. Lumingon ako and flashed a very friendly smile that I can show. Napasulyap ako kay Matthew na kumunot ang noo pagkakita sa akin.

Lumapit sakin si Paulette at nagbeso. Medyo nagulat ako doon. Hindi naman kami close. Pero baka friendly lang talaga siya. "Manunuod ako sainyo. Goodluck a." She giggled. She is so feminine and jolly. Salungat sa una kong impression sakanya. Si Matthew tahimik lang sa likod namin. Naglalakad na kami pa auditorium.

"Thanks. Tonight yung party right?" Ang alam ko kasi mamayang gabi din ang party ni Paulette at sa bahay nila sa Makati gaganapin ito. Hindi ko alam kung anong detalye dahil sinabi lang nila Drew sa akin nung nakaraan. Medyo naggiging palagay na ata sila dito kay Paulette.
Nakarating na kami sa auditorium. At naaninag ko na kumakaway sina Drew sa akin. Si Danielle bumusangot nang makita si Paulette. Napangiti naman ako. Si Brandi ganun din. Si Danica at Drew lang ang tangin pumansin kay Paulette. Isinensyas ko na doon lang ako sa backstage.

Nakaset up na sa stage ang mga instrument. Lahat kami ay nasa backstage. Lalabas ako mamaya para panuodin muna ang performance nila. Mamaya pa kasi ako kakanta. Sila muna. Nilalaro laro ko ang daliri ko.

"Nervous?" Lumapit sakin si Matthew at kinuha ang isang kamay ko at dinidiinan ang palad ko. Tumango ako. Humalakhak siya.

"Kaya mo yan. And what's with the lipstick?" Umirap ako habang natatawa. "Bagay sayo." Napangiti naman ako.

Narinig ko na nagsalita na ang emcee. Siguro ay nagsisimula na. Nag opening remarks lang ang school director at tinawag na sila.

"Please welcome to the stage. The Pacific East." At ayan na naman sa paghaharumentado ang mga tao. Nasa backstage ako at dinig ko ang pahisterya nilang mga sigaw. Sumabay ako sakanila pero lumabas ako sa may gilid ng stage wala gaano makakakita sakin dito dahil natatakpan ng makakapal na pillar. Isinandal ko muna ang gitara ko sa wall at nanuod.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now