CHAPTER 45

875 20 0
                                    

Halos mabaliw na ako sa kinatatayuan ko dito. This is it. Finals na at ngayon ipapasa ang huling bahagi ng canvass namin. Dito lang talaga ko sa major na ito nababaliw. Sana lang ay maging maayos ito. Sa iba kong subjects medyo kampante naman ako.

Tinapos ko kagabi ng may kaligayahan itong painting ko. Ilang linggo ko rim itong pinagtuunan ng pansin at halos hindi na nga ako nakakasama sa mga gig namin sa Wild House. Pero kapag nakapasa ako dito, all the sacrifices will be worth it.

Kagabi pinuntahan ako ni Matthew sa gallery ko. Epic talaga yung reaksyon niya kagabi. Sinurpresa ko kasi siya, tinapos ko yung mural sa wall ko. To his surprise, yung mural ay yung nasa Le Zulu garden kami. Nagsasayaw at mayga lanterns sa puno. Hindi rin kasi mawaglit sa utak ko ang bawat detalye ng gabing iyon kaya naipinta ko ng maayos.

Nang tinawag na ako ng prof ko ay pumasok na ako sa classroom namin. Jeez! Deja vu. Parang noong midterm lang. Wag lang sana ako ibagsak. This is my last chance. Bitbit ko gamit dalawang kamay ang canvass ko dahil na rin mas malaki ito kesa sa una kng canvass. Nakabalot ito sa manila paper.

"Okay. Let's see what you got there." Tumango ako sa prof ko na parang uwak kung makatingin sakin. Dagdag kaba lang. Nagbuntong hininga ako at sinimulan nang punit punitin ang manila paper. Tinulungan niya ako at mang sa wakas ay mahayag sakanya ang canvass ko. Agad agad kong tinignan ang reaksyon niya. Nilapag niya ito sa canvass stand at umatras nang ilang hakbang.

Napalunok ako. Nakakakaba talaga to. Bakit kasi hindi man lang nagbabago ang reaksyon ng prof ko. Nanatiling blanko ang ekspresyon niya. Kinuha niya ang salamin niya na nakasukbit sa may polo niya at isinuot. Lumapit siya sa canvass ko kaya napatitig na din ako doon.

I painted the night when Matthew confessed that he loves me. Sa Meikanna. Its like if you're looking at the painting, whole frontview ang makikita mo. I didn't put myself at the picture. Ito iyong may dalawang musician sa gilid na tumutugtog ng violin at gitara. Everythig was detailed, even their dresses, the lights, the trees, everything. I highlighted Matthew's image on the painting. He's standing there with a boquet of lilies on his hand. While the other hand is im his pocket. Paniguradong makikilala ng prof ko si Matthew. I should probably say something. Masyadong tahimik ang prof ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"That was during my debut--" pero pinutol agad ako ng prof ko sa pagpapaliwanag. Itinaas niy ang forefinger niya sa ere at lumaoit pa ng todo sa canvass ko. Sinisipat ang kada detalye.

"Your work is exquisite. Technique is good." Tumatango tango ako sa sinasabi niya at lumingon siya sa akin. Hinintay ko pa ang ilang sasabihin niya.

"What is your final judgment, sir?" Di ko na talaga matiis ang suspense. I need to know now.

"I'm finally letting you go, Miss Hidalgo. I'am now confident that you do realky now paint with the unreal reality."Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay. Kumurap kurap ako. "Congratulations." Nang narinig ko yun ay kusang umagat ang labi ko sa isang ngiti. Yes! I did it! Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ng prof ko.

"Oh my gosh! Thank you sir!" Ngumiti lang siya sa akin at nauna nang nagmartsa palabas ng classroom. Nakangiti pa rin ako at akma ng kukunin ang canvass ko. Pero nagsalita ang prof ko.

"Leave it there. I'll be putting that on my gallery." Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Naestatwa ako at humalakhak ang matandang prof ko at tuluyan ng lumabas ng room. Kung hindi niyo naitatanong, isa lang naman sa pinakilalang pintor ang prof ko sa buong Asia. Estudyante lang naman niya ang isang sikat din na pintor na siyang gumawa ng family portrait namin. Isang karangalan lang naman ang mailagay ang canvass lo sa gallery niya. Nang mag sink in sa utak ko ang sinabi niya ay bumilis ang tibok ng puso ko sa saya.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now