CHAPTER 14

990 26 2
                                    

Nagising ako ng bahagya kong naririnig yung buzzer ko sa may living room. Who the hell is that? Napadilat ako at nakitang alas syete pa lang ng umaga. Oh please today's sunday. Imposibleng si Marco yan dahil mamayang gabi pa ang datig niya. Nang hindi pa din tumitigil ang makulit na magbabuzz sa labas g umit ko ay padabog akong bumangon at padabog din na hinawi ang comforter na nakabalot sa katawan ko. Kapag ito si Spencer bibigwasan ko talaga to. Lumabas na ko ng kwarto ko at naglalakad na sa may living room pero patuloy pa din sa pagbuzz.

"Nandyan na!" Padabog pa kong sumigaw. Padarag kong binuksan yung pinto. Sisinghalan ko na sana pero umurong lahat ng mura na lalabas sa bibig ko ng makita ko si Matthew na nakangiti. Bahagyang nakabrush up yung buhok niya. Naputing polo at nakaputing undershirt din siya at denim shorts at vans na black.

Breakfast. Este. May dala siyang breakfast. May paperbag siyang dala sa kabilang kamay at yung kabilang kamay niya ay nakatukod sa hamba ng pintuan ko showing his muscles. Ang agang temptasyon naman neto.

"Goodmorning." Tumikhim siya para itago ang ngiti sa kanyang labi. Doon naman ako parang natauhan.

"Goodmorning. Ano. Pasok ka." Bimuksan ko ng malaki ang pinto ko pagkatapos ay mabilis na tumalikod. Shet. I looked like a mess. Naka white oversized sando lang ako at boyleg shorts. Buti na lang naisipan kog magsuot ng bra bago lumabas. Errr. Narinig kong sumara na ang pinto. "Ah wait lang a." Pumasok agad ako sa kwarto. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin baka mayga.muta pa ko. Dumeretso ako sa cr at nagmadaling magtoothbrush. Natatawa ako sa sarili ko habang puro bula yung bibig ko. Nakakainis. Mukha kong tanga dito nagmamadali. Pagkatapos ko magtoothbrush ay pinasadahan ko lang ng kamay ang buhok ko at lumabas ulit ako ng kwarto.

Naabutan ko siyang nasa kitchen counter at nilalabas ang mga styro sa paperbag ng pancake house. He brought breakfast. Nang mapansin niya ang presensya ko ay ngumiti siya. At nanginig ako. Babaeng ingratita! May boyfriend ka at darating siya mamaya!

Lumapit ako at kinuha ang coffee maker ko. "Ang aga mo yata." Tumikhim ako pagkatapos sabihin yun. I heard him laugh. I swear to god kinilabutan talaga ko. Buti na lang nakatalikod ako at di niya makitang kamatis na ko dito.

What the hell is happening to me?! Gusto kong matawa sa sarili kong kabalbalan!

"Wala kasi akong kasabay magbreakfast. Kaya ikaw ang inabala ko. Just like the old times." Napalingon ako at nakita kong nakahilig siya sa may kitchen counter. Napangisi ako. Yeah. Just like the old times. Lagi kasi niya kong binubulabog sa bahay para lang sa breakfast.

Nakita kong lumabas si Bambi sa kwarto ko. Binuhat naman siya ni Matthew. Kumuha ako ng pagkain ni Bambi sa kitchen closet at binuhos sa food bowl. Nang marinig niya ang kalansing ng pagkain niya sa stainless food bowl niya ay nagmamadali siyang makaalis sa buhat ni Matt.

"Ang cute ni Bambi. May aso din ako. Si Max. Nasa condo ko din." Lumingon ako ulit sakanya at nakaupo na siya sa high chair. Humarap ako ng tuluyan sakanya.

"Saan ang condo mo?" Isinuklay ko naman ang daliri ko sa buhok ko. Bunuksan niya muna yung isang styro at nilagay sa tapat niya. Tinignan niya ako at niyaya na umupo na para kumain. Lumapit naman ako at umupo sa katapat niyang high chair. Binuksan niya yung styro na isa pa.

"Sa Rio del Fres ako." Tumango naman ako. Mga isang oras na drive depende sa traffic. Nagsimula na kaming kumain. Nagutom ako sa amoy nung pancakes. Ang sarap.

"Kape, gusto mo?" Kahit di pa sya sumasagot ay tumayo na ko at kumuha ng isa dalawang mug. Kinuha ko ang perculator at nagsalin ng kape para sa aming dalawa. Inabot ko sakanya ang isa pagkaupo ko.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now