CHAPTER 11

1K 26 0
                                    

Nasa kalahati na ang program at wala pa din si Marco. Wala rin ang daddy nila dito. So it means nasa business trip pa sila. Nagsimula na ang eighteen roses. First dance ko si daddy, of course. Dahil usapan namin ni Matthew na siya ang last dance ko. Well siya nga. Kasama din sa eighteen dance ko ang Pacific East. Pero bago ang Pacific Boys ay si Josh muna amg nagsayaw sa akin. Kaibigan namin so Josh though hindi siya part ng banda. He is a dancer. He is the best male dancer sa school. He is Spencer's bestfriend.

"Hey there beautiful. Happy birthday. I hope you and Matthew will end up together." Sabay kaming tumawa. Lagi nila akong ipinagkakanulo kay Matthew dahil nga close kami at bakit hindi na lang daw kami ang magkatuluyan. Nang matapos akong isayaw ni Josh ay husto namang papalapit din si Luke para isayaw naman ako. Si Luke na tatahimik lang na sinayaw ako pero bakas sa mukha ang ngisi.

"Happy birthday, Sammy." At pagkatapos ay hinalikan niya ko sa pisngi. Saktong papalapit naman ang pilyong mukha ni James sa akin at siya naman ang pumalit kay Luke.

"You are so damn beautiful today Sam. Just for today." Hinampas ko ang braso niya at natawa. Lagi niya akong sinasabihang hindi chic kaya hinding hindi daw siya magkakagusto sa akin. "Happy Birthday, princess." At hinalikan din ako sa cheeks. Then next in line is Spencer. He's my closest aside from Matt. Paglapit niya pa lang ay hinalikan niya na ako sa pisngi.

"Finally. Legal age. Let's go bar hopping after this. Hahanap tayo ng boyfriend mo." Nagkkwentuhan kami habang nagsasayaw.

"Loko. Ayoko nga no. Mamaya mapunta pa ko sa kalahi mo." Nakangiti ako habang sinasabi ito. Unahan kasi sila ni James sa pagkababaero. Unlike Luke, effortless na sakanya lumalapit ang babae because of the mysterious effect na meron siya.

"Aba swerte ka kung ganun. Bakit ano gusto mo? Mas matanda sayo? Yung wala dito?" Nakangiti pero bakas sa boses ni Spence ang irita. Unang beses na nagkwento ako sakanila about sa panliligaw ni Marco ay disapprove na sakanya.

"Oo yung wala dito. Kasi yun mature na. Kaya na maghandle ng relationship. Pasok sa banga." Inikot niya muna ko saglit at pagkatapos ay saka niya ko sinagot.

"Mature my ass! Walang thrill yan. Iiwan ka din niya. Pag magkasama kayo pag uusapan ninyo business na di ka makakarelate. E ayaw mo nga.magbusiness e." Natawa na talaga ako. He really doesn't like Marco huh?

Nang matapos ang eighteen roses ko ay tumugtog ang Pacific East at syempre si Matthew ang vocals. Habang may intermission number ay nagpalit muna ako damit. Dalawa kasi ang gown ko. Una para sa first part at ngayon naman para sa second part. Isinuoot ko ang maroon long gown ko. Simple lang ito. Flowing ang style at ni request ko na pwede bang nakaflats na lang ako. Wala namang nagawa sila mommy. Isinuot ko ang black flat shoes ko. Asymmetrical ang style ng gown ko sa itaas. Sleeveless asymmentrical. Yung kaninang nakabun ko na buhok ay niladlad at nilagyan ng barrette sa gilid. After ng last dance ko. Naalala kong may inabot na kapirasong papel sa akin si Matthew. Habang inaayos yung barette sa buhok ko ay binasa ko ang mensahe niya.

You are so beautiful. See you at the garden after your party. - Matthew

Garden? Ano na naman kayang pakulo nun. Well malalaman ko mamaya.

Kung kanina ay nageighteen roses. Ngayon naman ay ang eighteen candles na. May mga nagmensahe na malapit sa akin kagaya ng mga classmates at pinsan. Yung mga huling magmemensahe ay yung mga kaibigan ko sa school. Unang nagmensahe si Monique.

"Sam. Happiest Birthday. I'm really glad nakita na kitang naka gown ngayon. You are so beautiful Sam. Wishing you all the happiness in the world. Love you." At humalik siya sa aking pisngi.

Risk it All (Pacific East Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat