CHAPTER 10

1.2K 32 0
                                    

Ilang araw na lang ay debut ko na. Busy na rin sa bahay kakaasikaso para sa mga kakailanganin pa. Sa function hall ng Meikenna Hotel ang aking party. Nasa kitchen ako at kumakain ng pie nang dumating ang designer kung saan ako nagpatahi ng damit.

"Miss Sam pinapatawag na po kayo sa living room ng mommy mo." Umalis ang maid pagkasabi nun. Sinubo ko ang natitirang piraso ng pie ko at dumeretso na sa sala.

Nakita kong prenteng nakaupo na si Matthew sa sofa habang may binubutingting sa phone nya. Napansin naman agad niya ang presensya ko. Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya ng nakangisi. Ano na naman kayang problema ng loko na to? Lumapit ako sakanya at tumabi.

"Ano?" Dumausdos siya sa pagkakaupo at isinandal yung mukha niya braso ko. "Baket nga?"

Tumingala siya sa akin at ngumisi. "What if Marco will not show up tonight?" Napairap ako sa kawalan. Here we go again. Talagang ayaw niyang palayain ang topic na to. Weeks ago I asked Marco to be my escort for my debut at tinatarantado na naman ako neto ni Matthew. Hindi daw dadating si Marco. I kmow its possible dahil mas matanda siya sa amin at nagtatrabaho na. But he promised! He said yes!

Crush ko si Marco. Super crush. Hindi pa kami. Take note hindi 'pa'. I know he's courting me. May silent agreement na sa amin. Kapag may available time siya sa trabaho pinupuntahan niya ako. Giving me flowers and stuff.

"He'll come. He promised." Hinablot ko yung phone niya sa kamay niya. Kasalukuyang nasa facebook iyon at nagsscroll ako.

"You know I'll catch you if he will not show up. I'll be your prince. I'll never leave you." Napatingin naman ako sakanya. Nakasubsob oa din mukha niya sa braso ko.

"Hindi mo kailangang gawin yun. But thanks anyway. I'll be fine withouth him showing up." May biglang nag pop up na chat. Binasa ko. Wala naman siyang pakialam.

Mylene Gonzales: Are you going to Sam's party?

Slut. Malamang. Alam niyang bestfriends kami. Ang landi talaga. Mylene is a nursing student from our school. Inabot ko sakanya yung phone niya pero nilayo lang niya.

"I seenzoned mo na lang yan may pinaguusapan tayo e." Hinaboot niya yung phone niya at himagis sa kung saan.

"Ano ba kasi yun? Oo na. Pag di soya dumating edi sige ikaw na escort ko." Inaalis ko yung ulo niya sa braso ko pero bimabalik niya lang. Hinawakan niya pa kamay ko. Normal sa amin yung ganito. Buti nga platonic kami neto e. Walang mangyayari.

"Kapag hindi siya dumating. Wag mo na sagutin." Nilingon ko naman siya na may 'what-the-hell-are-you-saying' look. Pero nagpatuloy lang siya.

"Ako na lang sagutin mo." Bumunghalit talaga ko sa tawa. Haha. Lagi niya tong sinasabi sa akin at natatawa talaga ko. Kakasabi ko lang platonic kaming dalawa.

"Ang gago mo talaga. Hindi tayo pwede to. Napakaplatonic lang ng pagmamahal natin sa isa't isa. Haha" pinitik niya yung braso ko.

"Hindi no! Tsss! Maybe for you!" Nilingon ko siyanat nakita kong busangot na yung mukha niya. Tumatawa pa din ako. Nagpatuloy lang siya sa pagdakdak.

"You know. We don't have a choice. Mukhang tayo na din naman ang magkakatuluyan e. I can't live wothout you. You can live without me. Might as well tayo na lang." Tumawa talaga ako ng ubod ng lakas sa kalokohan niya. Tumayo ako at kinuha yung box kung saan nakalagay ang gown ko para sa party. Si mommy kausap pa yung designer ko.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya naman ang resulta aantok antok pa ko ng nag alarm sa alas syete ang cellphone ko. Ngayon na ang debut ko. Kinusot ko muna ang mata ko at saka bumangon. Nagulat ako sa tumambad sa akin. Umaapaw sa rose petals ang kwarto ko. Literal. As in nung pagbaba ko ng kama ko parang hanggang ankle ko yung mga rose petals. Hindi na ako nagdalawang isip kung kanino galing ito. Im positive. Galing ito sa damuho.

Napangiti ako. That sweet monkey. Sa may dulo ng kama ko may isang malaking box. At may boquet of lilies na nakapatong doon. My birth flower. Kinuha ko ito at binasa ang note.

Dearest Samuelle Elise. Happy Birthday. Tonight you will make the greatest decision of your life. - Matthew

Greatest decision? What would that be? Nilapag ko sa may table yung boquet at binuksan ang napakalaking box.

"Wow." Pabulong lang ang pagkakasabi ko neto dahil hindi ako makapaniwala. Isang guitar ang nasa loob ng box. Hindi lang basta guitar ito. Ito yung latest model ng acoustic guitar sa gibson. Bibilhin ko pa lamang dapat ito pagkatapos ng debut ko pero inunahan niya ko. I'm speechless. Wow.

Dumating na ang mga make up artists na kinuha ni mommy para sakin. Una ko munang sinuot ang gown kong kulay beige. Tube ang style neto at maballoon. Simple lamang ang mga detalye ng gown ko. Sequins in the right places para lang mahighlight yung magandang itsura nug gown. I partnered it with a flesh pumps na labag sa kalooban ko dahil di naman ako mahilig sa mga pumps or high heeled shoes. Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong tumangkad dahil dito. Ako yung pinakamaliit saming magkakaibigan na babae but 5'5 isn't short right?

Yung buhok kong kulot mula tuktok ay nakabun at nilagyan ako ng manipis na headband na crytals ang design. I requested for a light make up dahil nabibigatan ako sa masyadong make up sa mukha. Saktong tapos na akong bihisan at make up.an ay dumating ang mga photographers. Halos mapunit na yung mukha ko kakangiti dito.

Magsisimula na ang program pero di pa din dumadating ang escort ko. No texts. No calls. Ughh! Sabi niya ay nasa business trip sila ng daddy niya. Mommy niya at si Mandy lang ang makakadalo kung di sila umabot. Hindi pwedeng wala akong escort. Kahihiyan to. Kinakabahan na ako. Dahil naririnig ko na ang emcee na nagsasalita at malapit na akong iluwa netong kurtinang tinataguan ko di umano dito daw ako lalabas at maglalakd sa aisle papuntansa special table ko sa harap. Oh no. Where are you Marco?

Fivem minutes na lang. Oh my gosh. Wala pa din siya. May biglang humawak sa kamay ko. Napalingon ako buong akala ko si Marco na. Si Matthew pala. Mukhang tototohanin niya yung simasabi niya sa akin kanina.

"He' s not gonna make it Sam." Umiiling na siya habang hawak pa din ang kamay ko. Shit nadidinig ko na ang emcee na tinatawag ako.

"Let's all welcome. Our debutant, Miss Samuelle Elise Hidalgo." Bago pa ako makapgreact ay isinukbit na ni Matthew ang kamay ko sa braso niya kasabay ng pagbukas ng kurtina. Automatikong ngumiti ako sa flashes ng camera at sa lakas ng palakpakan ng mga tao. Kitang kita ko dito ang reaksyon nila Brandi na nagulat. Of course they expected Marco Jay Romero to come. It turns out that the younger Romero came. Pero ganun pa man wala akong naramdamang lungkot. It turns out that Matthew filled the worries and doubts in my heart. Its true. He did catch me. Nakangisi siyang bumaling sa akin at kumindat. Ngumiti lang din ako at sabay naming nilakad ang aisle para sa table namin na nasa stage.

I guess this will be a good night.

A memorable night.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now