CHAPTER 51

755 20 0
                                    

Bumuntong hininga ako habang nakaharap sa salamin. Inaayos ko ang strap strap ng damit ko. I'm wearing a plain white maxi dress. Napagdesisyunan kong sumabay kay Carlos.

"Are you sure you're not going with us?" Nakatingin si Danielle sa akin, tinignan ko siya sa repleksyon sa salamin. Pumihit ako paharap sakanya.

"Yes. We'll see each other there. Nag-offer kasi siyang sabayan ako papunta doon. Besides, ako lang ang walang partner doon." Napasimangot siya sa sinabi ko. Ngumuso siya hinawakan ako sa magkabilang braso.

"It doesn't matter! We're friends! Di yun by partner." I chuckled. Hindi naman big deal magkikita naman kami doon kaya walang problema.

"Carlos likes you. He's always telling me that sa bar." Sabi ni Brandi na abalang nagkakabit ng kanyang graded contacts. I know that pero wala namang masama sa pagsama sakanya. Carlos is still a friend.

"But he's a friend, too. I'll see you there." May kumatok sa suite namin and I bet that's Carlos. Danica opened the door for me. Hindi nga ako nagkamali nang lumapit si Danica sa akin at simabing nasa labas nga si Carlos. Nagpaalam na ko sakanila.

"Text us alright?" Pahabol pa ni Danielle. Paglabas ko ay nakasandal sa may pader si Carloa. He is wearing a white polo na nakabukas lahat ng butones at may undershirt na puti rin. Nakaboard short siya. Malaki kaagad ang ngisi niya nang makita ako.

"Wow. Matching clothes." Pagbibiro pa niya. Naglakad na kami at husto namang bumukas ang suite ng mga boys, unang lumabas si Josh at napahinto nang makita kami.

"Whoa." React niya pa. Ngumiti ako sakanya.

"Hi Josh." Sumaludo lang siya sa akin. Kasunod niyang lumabas sina James na pareho din ang reaskyon. Lahat sila nakaharang sa may pintuan ng suite nila. At may narinig akong pamilyar na boses. Napalunok ako.

"Why are you all blockig the way? Get out of there, assholes." Unti unting tumabi ang mga boys at lumabas si Matthew na nakangisi pa. Unti unting nawala ang ngisi sa mukha niya nang makita ako. Agad bumaba ang tingin niya sa kamay ni Carlos na nakaalalay sa may siko ko. Umigiting ang bagang niya at muling pumasok sa suite.

"I think forgot something." Sabi niya sa matigas na ingles at pumasok sa loob. I hate being on this situation, naiipit ang mga kaibigan ko. Tinignan ko si Carlos at mukha nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Hey guys. Uh. We'll go ahead. I'll see you sa bonfire?" Tumango naman sila. Lumapit ako kay Spence dahil sinenyasan niya ako.

"Stop pushing his buttons. Carlos will get hurt." Napatingin ako ng bumulong siya. Sinenyas niya ang phone niya at tumango lang ako. Naglalakad na kami ni Carlos kung saan ang elevator. Nang nasa labas na kami ng Meikanna ay nagsimula na kaming maglakad. Lumulubog ang paa ko sa buhangin at malakas ang ihio ng hangin. Hawak ko ang phone ko at tumunog ito.

Spencer: The monkey broke two of the most expensive vases of Meikanna. Luke doesn't mind, though. :p

What? Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Damn him! Anong ba sa tingin niya ang ginagawa niya?! And fuck Spencer mukhang naaaliw pa!

"Why, what's wrong?" Napahinto na pala ako sa paglalakad at palagay ko ay binalikan lang ako ni Carlos. Umiling ako.

"Its nothing. Sinabi lang nila Danielle kung saan kami magkikita mamaya." Mukhang naniwala naman siya sa sagot ko. Medyo malayo layo rito ang paggaganapan ng big bonfire. Marami kaming nakakasabay maglakad at may mga bitbit ng bote ng beer. Sabi ni Carlos okay lang naman daw na di na kami bumili since may waiter na magseserve doon.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now