CHAPTER 64

967 19 2
                                    

AN: I think 2-3 Chapters na lang ang natitira. Then focused na ako sa Never Getting Over at Until Next Time. :) Happy Reading! :)
--------------------------------------------

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumisilip sa kurtina. Kinusot ko ang aking mata. Sa buong linggo na lumipas mula sa aming Asian Tour ay ngayon na lang ulit ako nakatulog ng maayos. Ilang linggong pahinga para naman sa aming concert dito sa bansa.

Kagabi kami dumating mula sa Kuala Lumpur. Akma akong babangon nang maramdaman kong may nakadagan sa aking baywang. Napangiti ako at nilingon ang katabi ko. He is still sleeping at banayad ang kanyang paghinga.

Nasa condo kami ni Matthew dito sa Rio del Fres. Halos dito na nga ako umuuwi tuwing may tour kami. Halos kalahati na mga rin ng gamit sa closet ko ay nasa closet na niya. We made love 'till dawn kaya naman hanggang ngayon ay tulog pa siya.

Marahan kong kinalas ang kanyang braso pero hinapit niya pa ako palapit sa kanya. He buried his face to my neck. I can feel his warm breathe.

"Don't leave." Paungol niyang sabi. I smiled. Mag-aalas syete pa lang at sa palagay ko ay nasa apat na oras pa lang ang tulog namin. Alam kong inaantok pa siya.

"I'll cook for breakfast. We need to go to Firefly Records today." Kailangan namin pumunta doon para sa ilang recordings. Malapit na rin kasi i-launch ang susunod naming album. Sa ngayon ay ikalawang taon na namin sa nasabing recording studio. Nakapirma kami sa tatlong taong kontrata.

Kumalas siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Dumapa siya at sigurado akong matutulog pa ulit siya. Bumangon na ako at nagderetso sa cr para magtoothbrush at hilamos. After lunch pa ang oras ng punta namin kaya hahayaan ko na lang muna siya matulog para makabawi ng lakas.

Pagkalabas ko sa cr ay dahan dahan akong lumabas sa kwarto. Hindi pa kami nakakapaggrocery kaya sana naman ay may pwede pa akong lutuin para sa almusal namin.

Hinhintay kong ma prito ang huling batch ng bacon na niluluto ko. Nakahalukipkip ako at nakatingin sa bacon na unti unti nang naluluto nang magulat ako sa mga brasong pumulupot sa katawan ko. I smelled a familiar scent at napangiti ako.

"Why are you up so early?" Binulong niya sa akin. His voice is still husky. Halatang kakagising lang talaga. He buried his face on my neck. I can feel his warm breath.

"Eh, kasi naman po. Nagluto ako ng breakfast natin kasi may meeting pa tayo kay Madame Emerald." Si Madame Emerald ang may-ari ng Firefly Records. Umangat ang ulo niya at pinugpog ako ng halik sa pisngi. Napahalakhak naman ako.

"Kahit gising ka na, huwag ka kaagad babangon. I want to wake up seeing you beside me." Sabi niya bago ulit ako hinalikan sa pisngi. Tumaba ang puso ko sa narinig sakanya. Parang maiiyak ako sa tuwa sa pagmamahal na nararamdaman ko sakanya.

Humiwalay siya sa akin at nagsalin ng kape mula sa perculator. Hinango ko ang bacon mula sa skillet at nilagay sa pinggan. Pinatay ko ang stove bago humarap sakanya. Nakatingin siya sa akin habang humihigop ng kape.

"Marco called me. Ready to pick up na ang mga damit for next week." Tumango ako. Nanganak na nga pala si Monique ilang linggo bago ang graduation namin. Halos mag-iisang taon na rin si baby Tristan at ang cute cute niya. Ikakasal na sila dalawang linggo mula ngayon.

"Finally, ikinasal din ang dalawang yun." Usal ko habang naghahain ng pinggan para sa aming dalawa. Tinulungan niya ako. Sinalinan niya rin ng kape ang mug ko.

"Yeah. They deserve it. Malakas ang dugo ng Romero kay Tristan." Nagsimula na kaming kumain. Tama si Matthew, kamukhang kamukha ni Marco ang bata. Nakuha niya kay Monique ang paggiging mapusyaw nito, pero sa halos lahat ng features ng mukha niya ay dugong Romero. I wonder how our baby would look like.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now