CHAPTER 44

836 24 0
                                    

Nagpaalam na sina mommy ay daddy para umuwi. Kami naman ni Matthew ay naggrocery ng mga supplies ko. Isinabay na din niya ang sakanya. Nang matapos ay niyaya niya ako magmeryenda pero busog pa naman ako. Sabi ko magpadeliver na lang kami mamaya sa unit ko.

Bago umuwi ay niyaya niya ako sa botique ng g-factory. Siguro ay bibili siya ng bagong watch.

"Choose for me." Ngumiti siya sa akin habang papasok kami at hinawakan niya pa ang kamay ko. Namili nga ako ng bagay sakanya. Pinili ko yung g shock na kulay puti at itim ang interior. Panda ata ang model nito. Digital clock ito. Pakiramdam ko kasi bagay ito sakanya. Nang mapili ko yun ay sinabi niya sa sales lady.

"Miss, I'm gonna get two." Tumango naman ang sales lady. Napabaling ang atensyon ko sakanya.

"Bakit dalawa?" Bahagya pang kumunot ang noo ko. Ngumisi siya sa akin.

"Pareho tayo. Couple watch." Tumawa siya at napangisi na lang ako habang umiiling. Lagi na lang siyang my naiisip na kakaiba. Actually meron kaming shoes na binili sa new balance last month. Gym shoes iyon. Nang matapos mabili yung watch ay umuwi na kami. Walang wala lang talaga sakanya ang maglabas ng pera. Pinipilit kong ako ang magbabayad noong isa pero ayaw niya. Hindi na ako nakipagtalo pa.

Inabutan kami ng rush hour kaya naman na-traffic kami. Hindi ko namalayan na nakaidlip na ako, nagising ako sa bahagyang pagyugyog ni Matthew sa braso ko. Napadilat ako at kinusot kusot ang mata ko.

"We're here, baby. Come on para makapagpahinga ka na." Napasulyap ako sa relo ko at nakitang magaalas syete na pala ng gabi. Tumango ako at humikab. Sumabay na ako sakanya sa paglabas ng kotse. Masyado kaming maraming pinamili. Nagtulong kami sa pagbitbit. Pero kailangan pang bumaba ulit dahil hindi kaya ng isang akyatan lang. Yung sakanya ay iiwan lang sa kotse dahil uuwo din naman siya, kaya nga hindi ko pinabili ng mga frozen suoplies dahil masisira lang sa kotse niya. Mabuti na lang at nakinig sa akin.

"Ako na ang bababa ulit para sa natitira." Tumango lang ako habang nasa elevator kami.

"Pupunta ka sa office bukas?" Sumulyap ako sakanya, tumango siya.

"Yes. I need to do some reports. Hanggang five ako. Office hours. Pero may klase ako sa gabi." Ngumuso ako. Mapapagod siya ng todo. Hindi ko nga alam kung paano niya napapagsabay sabay ang schedule niya sa schoo, trabaho, at basketball na siyang varsity din katulad ko.

"Aryt. Sa gallery lang ako maghapon. Umaga lang ang klase ko. Need to do my canvass na." Tumango siya sa akin at ngumiti.

"Pupuntahan kita." Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami. Pumasok muna kami sa unit ko. Binuhay ko ang ilaw. Buti na lang at iniwan ko si Bambi sa Taguig. Hindi ki din kasi siya maaalagaan lalo ngayo't busy ako sa nalalapit na finals. Inilapag namin ang pinamili sa kitchen counter.

"You should rest. Wag mo na ako puntahan bukas ng gabi. Mapapagod ka ng sobra." Umiling lang siya. Ang kulit talaga. Pinaderetso ko na siya sa sofa ko at ako na ang nag abalang ayusin ang mga supplies ko.

Nang matapos ay naabutan ko siyang nakasandal ang ulo sa headrest at nakapikit ang mga mata. Nakaramdam ako ng habag sakanya. Bakas sa mukha niya ang pagod. Nilapitan ko siya at tinapik sa braso.

"Baby." Mahinang tawag ko sakanya. Mukhang malalim na ang tulog niya sa klase ng paghinga niya. I can't help but stare at his face. He's beautiful. He's so attractive. Those thick eyebrows and thick eyelashes. Dahan dahan kong pinasadahan ng daliri ang kilay niya. He didn't even flinch. Kawawa naman pagod na pagod na.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon