CHAPTER 62

981 22 3
                                    

WARNING: RATED SPG (Sexual)

Please read at your own risk. :) hehe.
----------------------------------------------
Natapos nang i bandage ng nurse ang kaliwang kamay ko hanggat sa gitna ng forearm ko ay wala pa ring Matthew na dumadating dito. I'm actually expecting him to go here and to check on me. Bahagyang tumabang ang pakiramdam ko. Naririnig ko mula rito ang ingay sa gymnasium. Matatapos na siguro ang awarding. Nanalo ang kupunan ng men's sa volleyball.

Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko. Damn, I lost the game. I lost the deal. I lost... I couldn't even admit it.

"Masyado bang mahigpit o ayos lang?" Napatingin ako sa babaeng nurse na inilalock na ang bandage sa kamay ko. Ngumiti ako ng tipid sakanya.

"Okay lang." Bumuntong hininga ako. Hinayaan ko nang umalis si Coach Andi kasi kahit papaano naman ay may award pa rin kaming tatanggapin. Hindi nga lang champion. Mula sa paninitig ko sa nurse ay may imaheng nahagip ang mata ko sa likod niya.

Napabuntong hininga ako nang makita si Spencer na nakasandal sa hamba ng pintuan ng clinic. Ngumiti ako pero hindi siya ngumingiti. Maya maya pa ay pumasok na ri si Drew. Agad siyang dumeretso sa akin.

"Are you okay now?" Mga matang nag-aalala ang nakita ko sakanya. Tumango ako. Tinitigan ko ang kamay kong nakabalot ng benda. God, I feel awful and useless. Paano ako makakapagpinta nito? This is a nightmare.

"Pinapasabi ni Brandi na may after party sa bahay nina Luke mamayang gabi. Everyone's invited. Will...you go?" Nag-aalangan na tanong niya sa akin. Yeah I know. Walang rason para sa aki ang magcelebrate. Talo kami. I sprained my wrist. Maantala ang pagpipinta ko.

"You should go." Sabay kaming napatingin kay Spencer na ngayon ay naglalakad na palapit sa amin. Humalukipkip siya at mataman akong tinignan. Tinignan ko siya ng deretso sa mata. At mukhang nakuha niya ang nais kong itanong sakanya.

"He left....with her." Dahan dahan akong tumango. Parang may tinik sa lalamunan ko at nahihirapan akong lumunok pero sinubukan ko pa rin dahil kung hindi ay baka umiyak lang ako.

Naramdaman kong dumantay ang kamay ni Drew sa balikat ko. I looked at her and she smiled at me.

"He'll come back." Sinabayan niya pa ito ng tango. I wish he will. Bakit hindi man lang niya nakuhang magpaalam sa akin? Ang OA alam ko. Masyado akong naggiging emtional. Bakit siya umalis kasama si Paulette? Bakit iniwan niya ako mag-isa dito? Akala ko ba ako pa rin kahit...kahit matalo?

I feel like I'm close to tears. Mabuti at dumating ulit ang nurse. Yumuko ako at pinunasan ang gilid ng mata ko na may luha na. Tumingala ako nang tumikhim siya.

"Uh. Here. I prescribed some pain reliever." Inabot niya sa akin ang reseta kung saan nandoon nakalista ang pain reliever na pwede ko inumin.

"Madalas sasakit iyan kapag malamig. Mamamaga rin siya. I hot compress mo lang pag-uwi mo para mabilis mawala ang pamamaga." Tumango tango ako sa mga sinasabi niya. Siguro ay mga isang linggo mas gagaling na ito.

Naglakad na kami papunta sa parking lot ng school nang maalala ko ang gamit ko na nasa gym pa.

"Wait. Yung gamit ko." Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko na rin alam kung nasaan sina Danielle sa palagay ko ay nasa soccer field. May laban sina Luke ngayon. Naririnig ko nga ang sigawan mula rito.

"Okay na. Nandito ang dalawang driver ninyo. Inabot ko sakanya ang bag mo." Napatingin ako kay Spencer.

"Bakit...paanong?" Hindi ako makapagtanong. Paanong makakapunta sina Eddie rito? Ni hindi ko nga sila tinawagan.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon