CHAPTER 20

992 24 7
                                    

Warning: Striktong Patnubay at Gabay ang kailangan (Linggwahe)
-----------------------------------------------------

Tinahak ko ang direksyon kung saan pumunta si Mon. Nandito yun sigurado ako. Isa lang naman ang tinutumbok ng garden na ito. Yung dulo neto ay isang parang mini stage na may bench sa gitna at may dalawang malaking gulong sa gilid. Dito kami lagi ni Matthew tumatambay nug mga bata pa kami.

"Monique?" I called her name para sakaling sumagot siya ay malaman ko kung nasaan siya. Napahinto ako ng may marinig akong boses.

"I feel guilty. We should tell her." Si Monique yun! I'm positive. Sino ang kausap niya at bakit siya umiiyak. Humakbang ako ng dalawa para makita kung sino ang kausap niya. I froze sa boses na narinig ko.

"We will tell her now." Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Nanginig ang tuhod ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na iyon.

"Oh god. I don't know what to do. Masasaktan natin siya, Marco." Nanlaki ang mata ko at parang may punyal na tumusok sa puso ko. Tell me this isn't happening. Namuo ang luha sa mata ko.

Now I know the reason why Monique is being aloof to us. To me. Alam ko na kung bakit hindi niya masabi ng malaya kung sino ang karelasyon niya. Now I also understand Matthew's behavior toward her. This is what she's hiding from me.

"The longer we'll tell her, mas lalo lang natin siyang masasaktan. You know I want to tell her pero ikaw nag pumipigil sa akin. I can't hide this anymore." Tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala. Ang boyfriend ko at isa sa mga bestfriend ko ay tinatraydor ako. Humakbang ako papalapit at wala na akong pakialam kung makita nila ako. I don't fucking care anymore! Nakita kong nakatalikod si Monique sa akin. Nakikita ko dito sa kinatatayuan ko ang mukha mi Marco.

"I'm scared." At humagulgol ng iyak si Monique. Niyakap siya ni Marco. And our eyes met. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Nanlaki ang mata niya sa pagkakita sa akin. Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayakap kay Monique. Siguro ay nakit niya ang gulat na mukha ni Marco kaya unti unti siyang lumingon. Tiningnan ko siya ng may poot at hinanakit sa aking mata.

Pakiramdam ko ay hindi na matatanggal ang bara sa puso ko. Napakasakit. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya at mas lalo siyang umiyak.

"Oh my god. Sam." Akma soyang lalapit sakin. Pero napaatras ako. Hindi ko ito kaya. Napatakip ako sa aking bibig dahil unti untig kumakawala ang hikbi ko. Umatras pa ako ng isa pa at tuluyan silang tinalikuran. Tumakbo ako pallbalik sa loob ng mansion. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko sa sapatos na suot. Kailangan kong makuha ang pouch ko sa taas. Nandoon ang susi ng kotse ko. Ayoko na dito. Gusto ko ng umalis. Humahagulgol na ako paakyat sa hagdan.

"Oh my god Sam. What happened?" Lumapit kaagad si Drew sa akin at niyakap ko siya. Humagulgol ako ng iyak. Tangina! Ang sakit! Mas matatanggap ko pa kung ibang tao e. Kumalas ako sa yakap at pahablot na kinuha ang pouch ko sa table. Lahat sila ay napatayo na. Walang may idea sa nangyayari. Pagtalikod ko sakanila ay nasa harapan ko na si Monique. Si Marco nasa may dulo ng hagdan. Umatras ako. Ayoko siyang lapitan. Ayoko siyang masampal kahit pakiramdam ko ay iyon lang ang gusto ko gawin sakanya.

"Putangina." Narinig kong nagmura si Matthew. Siguro by mow ay nalaman niya na na alam ko. Hinsi ko siya nililingon deretso ang tingin ko kay Monique na umiiyak lang. Umiiyak din ako at pakiramdam ko walang katapusan ang luha ko.

"Sam what's going on? Mon?" Si Danielle iyong nagsalita. Walang nagsasalita sa amin. Humkbang papalapit si Marco kay Monique.

"Kailan pa?" Tumingin lang sa akin si Monique. Siya ang gusto kong tanungin. Siya ang pumatol. Siya ang nanira ng relasyon.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now