CHAPTER 47

823 27 0
                                    

Nakatanggap ako ng isang text kay Matthew na nasa baba na siya. Alas kwatro pa lang ng madaling araw at antok na antok ako pero dahil excited ako, wala na akog inaksayang oras sa pagkilos.

Inayos ko muna ang suot kong denim polo longsleeves na itinupi hanggang siko at may black tanktop underneath. Nakashort lang ako at slip on sanuk. Nang makuntento ay kinuha ko na ang longchamp bag ko at umalis na sa unit.

Nabungaran ko sa tapat ng building si Matthew na nakasandal sa hi-ace, nakahulikipkip at nakatulala sa lupa. Mukha pa siyang inaantok. Napuyat din kasi siya dahil inasikaso niya pa ang mga papeles sa trabaho para daw malaya siyang makakapagbakasyon ngayon sembreak. Sa tabi niya ay si Spencer na naninigarilyo. Ang aga aga. Papalapit na ako nang mag angat siya ng tingin. I smiled to him. He smiled back. Umayos siya sa pagkakatayo at sinalubong ako.

"Hi." Sabi ko sakanya. Umangat ang kamay ko para ayusin ang buhok niya.

"Hi." He greeted back. Kinuha niya sa kamay ko ang bag ko. Hinalikan niya ko ng isang mabilis na halik sa lips at parang gusto kong mabitin. Hinawakan niyanang kamay ko at naglakad na kami patungong hi-ace.

"Ang sweet naman." Sabi ni Spencer sabay laglag ng sigarilyo sa semento at inapakan. Binatukan ko lang siya ng mahina. He kissed me on the cheek. Siya ang pinaupo ko sa front seat dahil gusto ko makatabi ang mga girls mamaya. Hindi naman tumutol si Matthew. Sinundo namin sila sa bahay ni Luke. Doon kasi magkikita or doon na siguro sila natulog. Ang alam ko ay sasakyan nila Matthew ito.

"Ikaw ba ang magdrive hanggang Subic?" Sinulyapan niya ako sa rearview mirror at sumagot.

"Yup, baby. Why? Kung gusto mong diyan ako. Spencer can drive." Humalakhak siya at umismid si Spencer.

"No way, dude!" Maarteng pagkakasabi pa ni Spencer. Sumulyap ulit siya sa akin sa rearview mirror. Pinagtaasan niya ko ng kilay na para bang naghihintay mg sagot ko.

"No. Its okay. Natanong ko lang naman." Sumimangot siya at ngumuso. Tumawa lang ako sa reaksyon niya.

"Better luck next time." Tinapik pa siya ni Spencer sa balikat at tumawa lang sila pareho. Napailing na lang ako. Ilang sandali pa ay kumpleto na kami. Tama nga ako, doon na sila natulog kina Luke. Bakas naman sa lahat ang antok kaya tahimik pa kami buong byahe. Tanging music na ngmumula sa stereo ang naririnig na ingay.

Nakaidlip na din ako dahil medyo mahaba haba ang byahe. Nagising naman ako sa ingay ng mga boys dahil sabay sabay silang nagsasalita.

"Cheese burger sakin, ah." Narinig ko pang sabi ni Luke sa may likod ko. Si Drew ang katabi ko at katabi naman niya si Brandi.

"Quarter pounder ako. You too?" Sabi ni Spence kay Drew na nakasandal pa yung ulo sa balikat ko.

"Cheeseburger din." Tumango si Spencer. Mukhang gutom na gutom ang mga boys a. Maarte pang nagreklamo si James kay Matthew.

"Sabihin mo na order namin. Ano pang hinihintay mo?" Humalakhak naman si Luke sa pambubwisit ni James kay Matt.

"Gago." Sabi ni Matthew bago lumingon sa akin. Umamo ang mukha niya pagkaharap sakin. "What's yours, baby?" Umungol naman ang mga boys. Natawa ako sa reaksyon nila.

"Damn it. Kanina pa namin sinasabi mga order namin a." Si James pa din ang nagrereklamo. Napaka arte talaga ng lalaking to. Cheeseburger na lang din ang pina order ko. Tuloy pa din ang asaran at tawanan habang nasa byahe. Sikat na rin si haring araw sa labas at malapit lapit na din kami makarating. Napatingin ako sa rearview mirror hustong nakita ko si Matthew na nakasulyap kay Brandi for a fleeting seconds at tinuon din sa daan ang mata.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now