CHAPTER 65

1.2K 24 2
                                    

AN: Last Chapter na po ito. Abangan ang Wakas at Epilogue. :) Happy 2k reads! :)
---------------------------------------------

Matapos naming maghiwalay ni Matthew, kinabukasan lang ay napag-alaman ko kay James na umalis siya ng bansa. Hindi ko rin alam kung nakapagusap ba sila ni Madame Emerald dahil mukhang ineexpect niya ang balita isang araw nang magpunta kami sa office niya para iatras ang nalalapit na concert.

"No, you can't. You're still here. You can do the vocals alone. Ineexpect na ito ng supporters ninyo at makakaapekto sa career ninyo kung gagawin natin ito." Honestly, I don't care about my career. Halos pestehin na rin ako n reporters kada uwi ko sa condo ko para lang magtanong ng magtanong. Ayoko sanang ituloy ang concert na ito dahil baka mas mabigo ko lang ang mga sumusuporta sa amin. Mabilis kumalat ang balita. Na-ambush interview kami tungkol sa pag-alis ni Matthew.

"Pacific East, totoo ba na umalis ng bansa si Matthew Romero?"

"Humiwalay na ba siya sa banda?"

"Naghiwalay na ba kayo ni Matthew, kaya siya umalis?"

Itinapat sa akin ng reporter ang recorder niya. Holy hell!

"Matutuloy pa ba ang concert?"

Halos hindi kami makalabas sa Firefly Records dahil dinudumog kami ng mga reporters. Wala ni isa akog sinasagot sa mga tanong nila. Tanging si James ang sumagot at simple lang ang kanyang sinabi.

"Matthew left for personal reasons. Please. Don't create issues. And for your question, yes, we're still on for that concert." Marami pang mga tanong ang reporters pero agad rumispunde ang mga guards. Hinarang nila sila at mabuti na lang ay may malaking gate na lalabasan pa namin para sa parking lot. Hindi na sila pwedeng umabot rito.

"Are you alright?" Concern na tanong ni James. Ni isa sakanila walang nangahas tanungin ako sa kung anong nangyari. Madalas rin akong hindi nagsasalita kapag magkakasama kami. Huminga muna ako ng malalim bago tumango. Una kong pinaalarma ang kotse ko, bumaling ako sakanila bago buksan ang pintuan g driver's seat.

"Call me for the practice." Hindi ko na sila himintay sumagot ay sumakay na ako. Bumusina lang ako at nauna nang lumabas sa Firefly Records. I know I'm being unfair but I wanted time to weep. Masyado yata akong nadedepress sa nangyari.

Iniurong ni Madame Emerald ng isang bwan ang concert. Naextend ng dalawang bwan ang pagpapractice namin para rin siguro sa adjustments dahil sa pag-alis niya. Hindi ako nagbubukas ng facebook o instagram ko. Kahit skype hindi. E-mail lang ang tanging tinira kong aktibo dahil na rin sa trabaho. I've been rejecting my friends, too.

Lumipas nang mabilis ang araw. Tatlong bwan mula nang umalis siya pero parang kahapon lang. Nandito ako sa unit ko. Nakaupo ako sa may bintana at pinagmamasdan ang labas. Wala sa sarili kong pinagmasda ang buong condo ko. Simula nang umalis siya ay nawalan na rin ng buhay ito. Hindi rin ako nagtangkang bumisita sa condo niya dahil alam kong marami lang akong maaalala doon.

Masakit isipin na ganito kami naghiwalay. Hindi ko rin masasabing basta niya ako iniwan dahil siya pa mismo ang humiling nito. Gusto ko pa ring lumaban pero wala na siya.

I know when to give up and I know when to hold on. But this time, I can't hold unto him anymore. I'll stop risking now that it hurts too much.

Tumayo ako para sana magready na sa aming practice sa studio nina Luke. Pagtayo ay biglang umikot ang paningin ko at bumaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako papunta sa kusina at hustong sumuka ako pagtapat ko sa lababo.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon