CHAPTER 15

975 25 0
                                    

Dahil buong gabi ako umiyak ang resulta. Pumuputok ang mata ko sa kamagaan. Di ko alam kung pano matatakpan ito. Tinatamad pa kong mag ayos sa sarili ko. I look like a mess. Nasa harap ako ng salamin ngayon at tinitignan tong mata kong magang maga. Isang simpleng shirt at jeans lang suot ko ngayon. Wala naman akong magagawa e. Umalis na ko ng unit at pumunta na sa school.

Wala ring pumapasok sa utak ko ngayon. Buti na lang at naggroupings lang kami ngayon sa isang minor subject para sa special project nmin. Nang matapos ang klase ko dumeretso ako sa school quadrangle at pumunta sa usual benches na tinatambayan namin. Naabutan ko doon si Drew at Danielle. Umupo ako sa tabi ni Drew.

"What happened to your eyes?" Humilig pa kaunti si Danielle sakin para titigan ang mata ko.

"Have you been crying?" Di ko masagot mga tanong nila. Wala talaga akong gana ngayon. Kahit magsalita. Inakbayan ako ni Drew.

"Hey. You can tell us what's wrong?" Napalingon ako sakanya. Bahagya niya pang hinahaplos ang braso ko. Napabuntong hininga ako at nginitian lang ako ni Drew. Kwinento ko sakanila ang nangyari.

"That Matthew! He's such a jerk!" Padarag na sinarado ni Danielle ang libro niya.

"Natural lang 'yung reaksyon niya, ate. Muntik nang masapak ni Marco si Sam." Pareho silang may point. Naisip ko na din yan. Panay pa ang bigayan ng opinyon ng magkapatid nang makita kong papalipit na sila Matthew. Si Josh at Danica nasa klase pa. Umupo si Matthew sa tabi ko. Tapos si Spence sa tabi ni Drew at si James at Luke pinapagitnaan si Danielle. Siguro si Brandi ay may klase pa din. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na tinitignan ako ni Matthew. Limingon din ako sakanya. Napaderetso siya ng upo nang makita niyang namamaga ang mata ko. Hinawakan niya pa ito.

"Hoy Matthew! Napaka mo. Ba't mo sinapak yung kuya mo?" Mataray na pagkakatanong ni Danielle sakanya. Si Matthew naman nagkibit balikat lang at ngumisi.

"Bagay lang sakanya yun Deyn. Serve him right?" Sabi ni Matthew na sinangayunan naman ng ibang kalalakihan. Napailing na lang ako.

"Look at Sam's eyes! Kakaiyak yan buong gabi. Nag away sila ni Marco because of you!" Humalukipkip pa si Deyn pagkasabi nun. Bago pa may makapagsalita ay inunahan ko na.

"No Deyn. Marco just misunderstood what he saw." Nakita ko namang tumango tango si Drew sa gilid ko. I'm upset. Ayoko ng ganito.

"Tsaka bakit ikaw inaaway niya e hindi naman ikaw nagsabi sakanya ng ganun. Nagagalit siya. Cause his guilty. Cause he's walking on someone else's house naked." Lahat kami natahimik sa sinabi ni James. I couldn't disagree kahit na gusto kong sabihing hindi totoo yun. But I can't open my mouth.

"James. Stop it." May banta sa boses ni Matthew. James just shrugged his shoulders. Hinawakan ni Drew yung kamay ko. Napalingon ako.

"Don't think too much." Pinilit kong ngumiti. Bigla namang nagsalita si Danielle.

"You guys should talk. Puntahan mo siya." Tumango tango lang ako. Nageecho sa utak ko yung sinabi ni James. Posible bang ganun yun? Dahil di namin ginagawa e ginagawa niya sa iba.

Bumalik na kami sa kanya kanya naming klase. Para akong nakalutang. What if its true? James didn't directly implied that Marco is having an affair pero parang ganun yung nilalaman ng sinasabi niya. Damn it. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri. Im stressed. Pagkatapos ng klase ko. Di na ko nagpakita kila Danielle. Sumakay kaagad ako sa kotse ko at pinasibad ito papuntang office ni Marco. Malayo ito dito. Mga isa o isa't kalahating oras. Sana lang di traffic ngayon dahil di pa rush hour.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now