CHAPTER 32

866 21 0
                                    

Nakahilata na ako dito sa kama ko habang hinahaplos ang tyan ni Bambi na nakatihaya sa tabi ko. Napapaisip pa din ako sa nangyari kanina. Agaw pansin ang pag ilaw ng phone ko sa bed side table kaya naman tinignan ko ito. May dalawang mensahe.

Unknown Number:
Hi miss. Its Carlos. Nawala ka. Are you home?

Ayokong maging assuming pero ayoko din namang magkunwari. I know he is somehow, hitting on me. Bukas ko na lang siguro siya rereplyan. May isa pang mensahe.

Matthew:
I'm sorry kanina. I'm serious. Stop pushing me away.

Pinili ko ding huwag replyan ang text na yun kahit gusto ko. I am not pushing him away alright. Its just that....I don't know.

Makalipas din ang ilang minuto ay nakatulog na ako sa pagod. Maaga akong nagising bukas. Ganado ako. This is it! I'll try to...uh...follow the article.

Pinakain ko muna si Bambi ng almusal at pagkatapos ay nagtimpla ako ng kape. Tumawag ako sa bahay sa Taguig.

"Hello. Goodmorning. Hidalgo residence." Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Manang." Pumangalumbaba ako. Iniloudspeak ko ang phone ko at nilagay sa counter para mapagpatuloy ko ang paghahalo sa kape ko.

"Ay. Sam. Ikaw pala. Kakausapin mo mommy mo?" Inunahan ko agad siya bago pa niya mai abot kay mommy yung telepono.

"Manang. Ikaw ang sadya ko." Nang hindi nagsalita si manang ay nagpatuloy ako. "Diba...ahm. Alam mo naman yung mga niregalo ni Marco sakin simula noong nanliligaw pa siya? Nasa kwarto ko lahat."  Kinagat ko ang labi ko. Mahirap ipaliwanag sa maid namin pero mas mahihirapan ako ipaliwanag to sa mommy ko.

"Opo bakit? Ipapadala ko ba dyan?" Umiling ako kahit hindi naman niya ko nakikita. Manang ang dami mong tanong a.

"Hindi ho. Ah gusto ko sana pakialis na iyon lahat sa kwarto ko. Tapos itapon na. O di kaya ipasunog. Basta ayokong nandyan pa yan  sa kwarto ko." Hindi nagsasalita si manang kaya naman akala ko putol na ang linya.

"Manang?" Nilagay ko sa handset ang phone ko at nilagay sa tenga ko.

"E sigurado na ho ba kayo? Baka tanungin po ko ni madame." Bumuntong hininga ako. I'll call her after this dahil may mga gamit din akong hahakutin sa kwarto ko na ipapatapon ko sa maintenance man namin dito.

"Ako ng bahala. Tatawagan ko siya. Sana manang magawa ngayong oras na to a. Tatawag ako para kumpirmahin. Ipagawa mo sa driver dyan." Pinutol ko na ang linya nang magkaintindihan kami ni manang. Tatawagan ko na lang si mommy ngayon.

Inubos ko muna yung kape ko at nilagay sa sink. I dialled mom's number.

"Hi mom." Bakas sa boses ni mommy ang kaligayahan na tumawag ako.

"Darling. Tumawag ka daw kay manang?" Napairap ako at napangiti. Si manang talaga, sigurista.

"Yes. Actually. I just called to inform you mom. You know.." humalakhak naman siya sa kabilang linya.

"Sayang ang mga ito darling. What if ipadala ko na lang sa charity? These are all fluffy bears and other stuff. Jewelries. Etcetera." Hindi ko na nga actually maalala lahat nung niregalo ni Marco sa akin. Sabagay kung may makikinabang okay lang naman. Basta ba ayoko na makita yan sa kwarto ko.

"Whatever mom. I just want to fet rid of it. Yung nandito sa unit ko pwede nang ipakuha kay Eddie." Si Eddie ying personal driver ni daddy. "Para maisama na din doon sa charity na sinusupport natin."

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now