CHAPTER 8

1.2K 37 0
                                    

Nasa gymnasium kami ngayon para sa training namin sa volleyball. Kakatapos ko lang magpalit ng jersey shirt at jersey shorts. Nakaupo ako sa bleachers at nagsusuit ng training shoes ko.

Hindi ako tinawagan ni Marco kagabi hanggang kanina. May problema kaya? Baka busy lang siya. Sana busy lang siya. Mas gugustuhin kong busy lang siya kesa naman galit or may problema siya kaya hindi siya nagtetext.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Brandi. Tinatali niya yung buhok niya at bumaling sakin.

"You okay?" Tumaas pa ang dalawang kilay niya. Nanatili lang yung mata ko sa grey eyes niya. Ang ganda shet. Sabay kaming napalingon sa harapan ng marinig naming pumito ang coach.

"Line up!" Sigaw ni Coach Andi. Tumayo kami ni Brandi sa bleachers at pumwesto sa harapan. Since senior na kami naipasa na sa amin ang posisyon. So Brandi ang captain at ako naman ang assistant captain.

Nagstretching kami at may nakita kaming ilang grupo ng players na iba ang umiform kesa sa amin. Naglingunan din halos lahat ng nasa gym lalo na yung mga kalalakihan
Pano naman laso kung maikli yung jersey shorts namin. Aba't may mas iiksi pa pala kesa dito.

"What are those bitches doing here?" Umayos si Brandi sa pagkakatayo mula sa stretching at bumaling kay coach. Napangiwi naman ako sa endearment niya. Bitch huh?

"Okay team. May tune up game kayo ngayon mula sa kabilang umiversity. Galingan nyo." Sabi mi coach Andi samin.

TUNE UP GAME?! E eto pa nga lang ang unang training namin sa buong bwan e. Wala pa kami sa kundisyon coach!

"First five! Fischer, Hidalgo, Ocampo, Clarete and Santos." Kamig tinawag ni coah ay naiwan sa court at yung mga hindi ay umupo sa bleachers.

"Buti di tayo nasama sa first five. Halimaw daw maglaro yng mga yan lalo na yung Villaflor." Narinig ko pang bulong nung isa sa mga ka teammate ko.

Shet. Halimaw? Tinignan ko isa isa yung mga taga kabilang university. Lahat sila magaganda. Hindi mo mahahalatang malalakas maglaro. Lamang sila ng height sa amin.

"Okay team! First five!" Rinig ko namang sigaw ng coach ng makakalaban namin. "Salonga, Gusi, Cruz, Sta.Maria and Villaflor." Tinignan ko yung huling tumayo. Ah siya pala yung villaflor. Maganda. Mukhng maarte. Paano kasi naka pink nail polish pa ito huh? E mababakbak din naman yan sa bola. Pero matangkad siya. Mas matangkad pa kay Brandi. Nako wag naman sana kami madehado.

Pumwesto na kami sa court. Sa amin ang bola. Isa sa kateam ko ang unang magserve. Nang pumito ang coach, nagserve na ang ka team ko.

Nagball rally. Palitan ng palo. Nang pinalo papasok ng kalaban yung bola agad na.block.ni Brandi. Samin ang puntos. Sakin ang susumod na serve. Ni.dribble ko saglit yung bola at pagkatapos isang spike serve ang pinakawalan ko. Ganun ulit palitan ng bola. Tumalon ako para ma.ispike yung bola sa kabila ng tumalon din yung Villaflor para i.block yung spike ko pero pag block niya natira ko pa ulit at saktong open ang court. Walang nakasalo. Samin ulit nag puntos.

Dumarami na ang nanunuod. Nagkakainitan na kasi ng laban. Tatlo ang lamang namin. Walang hiya pagod na ko. Hinihingal na kami ni Brandi. Ang ginagawa kasi namin. Siya ang setter ako ang mgsspike. Malaking tulong din ang libero namin.

Nakita kong naupo isa sa mga bleachers sila Deyn. Kasama mga kasama nya sa dance troupe. Ganun din sina Spence,Josh at Matt. Lahat ng nagttraining sa gym nakikinuod na. Nakita ko pang tumabi si Drew kay Spence.

"Go Brandi! Go Sam!" Nabuhayan kami sa cheer nina Deyn. Salamat sa maingay niyang bunganga at medyo napawi amg nerbyos namin. Lumalamang na sila. Di pwede to. Mas ginalingan pa namin.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now