CHAPTER 2

2.5K 58 0
                                    

Nagkatinginan kaming dalawa for about ten seconds bago ko natanaw sa likod niya sina Luke at James na pare parehong may kausap na isa sa mga schoolmates namin. I also saw Danielle with her twin brother Josh at ang girlfriend netong si Danica, papunta sila sa table namin. Napasulyap akong muli kay Matthew na maraming nangangamusta. Syempre noh! Apat na sem kaya siyang wala sa school. Nakita kong napalingon siya banda sa table namin, deretso agad ang tingin niya sakin. Parang nalulusaw ako. Umiwas ako ng tingin at bumaling sa mga bagong dating na mga kaibigan ko.

"What's up b*tches?!" napangiwi talaga ko sa bungad ni Danielle samin. What a sweet endearment you got there Deyn. Yumakap sya sa may leeg ko at humalik sa aking cheeks. Ganun din ang ginawa nya kay Monique at kay Spence. Danica greeted and kissed us, too.

Nilingon ko si Spence. Sinitsitan ko siya. Lumingon siya sakin nakakunot ang noo.

"What?" he asked. Napangiti talaga ko ng malaki. We heard rumors na Spence is hitting on Danielle's younger sister, Drew. Pero may boyfriend na yung isang 'yun.

"Disappointed?" nakita ko sa peripheral vision ko ang pagngisi ni Josh at Danica. Di lingid sa kaaalaman ni Josh na mukhang tinamaan nga siya kay Drew.

"May keychain na ang kapatid ko, brad. Ikaw naman kasi ang bagal mo." natatawa tawang sinabi ni Josh. Umiiling na si Spence sa gilid. Talagang tumawa na ako. Tiklop ka pala pag si Drew na ang pinaguusapan e. Aasarin ko pa sana siya ng nakita ko ang evil smile na nasa pagmumukha niya. Nakatingin siya sa likod nina Danielle, magkakaharap kasi kami. Unti unti kong tinignan ang tinuturo ng mga mata niya. Bumalik ang tingin ko sknya at nakita kong nanununuya ang mata niya at talagang di tinago ang malademonyong ngiti niya. Aba't di na nahiya! TInawag pa!

"Matthew!" ang walanghiyang traydor tumingin pa ulit sakin bago tinaas ang kamay niya at sinenyasan si Mattew na lumapit sa table namin. Gago. Napatingin ako sa papalapit na si Matthew sa amin. Parang...ang tangkad niya lalo. Tsaka bumabakat talaga yung biceps niya sa black polo na tinupi ang sleeves hanggang siko. He's wearing a mustrad color shorts and black vans. He looks....georgeous. Hindi ko alam kung literal ba na nakanganga ako pero pakiramdam ko laglag panga talaga ko ngayon. Naramdaman ko pang siniko ako ni Monique sabay bulong na...

"Hindi naman masyadong obvious na namiss mo siya." ni hindi ko na nga nagawang lingunin pa siya dahil talagang napako na ang tingin ko sa gwapong nilalang na ito na sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri, naka undercut din siya. Uso ba yun? Hmm. Ang gwapo niya. Nang sa wakas ay nakalapit na siya, nagsipagreact na ang mga nasa table namin.

"You piece of shit! Ang tagal mong nawala!" si Spencer, tumayo upang makipagkamay sakanya. Ganun din ang ginawa ni Josh. Nagbeso naman sila Deyn sakanya, ako lang ang tanging di gumagalaw sa aming lahat. Na rugby na yata ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam gagawin ko. Sinabayan pa ng hurricane sa tyan ko. Should I greet him, too? Ikikiss ko din ba siya sa cheeks? Oh, boy, parang wag na lang. Magpapanggap na sana akong wala siya pero talagang ang walang hiyang Spencer, umeksena pa.

"Ano Sam, dyan ka na lang? Hindi mo man lang ba iwewelcome ang pagbabalik ng long lost.. ahm, ano ba? Bestfriend? Almost boyfriend?" tinapik niya pa si Matthew sa braso gamit yung likod ng palad niya sabay tawa. Tumawa din si Matt pero di sinlakas ng tawa nung isang gago na tawang tawa sa sarili niya. Talagang tinignan ko siya ng masama pero parang nageenjoy pa siya na naaasar ako. Nilipat ko ang tingin ko kay Matthew na half smiling na nakatingin sakin. Pagkatapos tinaasan ako ng kilay na para bang hinihintay niyang batiin ko siya. In response, tumayo ako.

"Hi." mahina lang pagkakasabi ko tama lang na madidinig niya, hindi ako ngumingiti. Damn! Gusto ko pero ayaw makisama ng cheekbones ko, ayaw umangat. Hinawakan ko siya sa braso at akmang hahalikan na siya sa pisngi pero nagulat ako sa ginawa niya.

Hinapit niya ako sa beywang at niyakap. Ang isang kamay niya ay nasa braso ko. Nanlaki talaga mata ko at naramdman kong nanahimik ang mga kasama ko. Shet. Pwede mag ingay kayo! Mag ingay kayo! Ahhhhh! Sumisigaw ako. Wait teka, subconsious ko lang pala yung sumisigaw. Ang lakas ng tibok ng puso ko ang bilis pa. Parang..may iba. Bago pa ko makakilos kinalas niya na ang pagkakayakap sa akin at hinalikan niya ko sa pisngi sabay sabing...

"I missed you." bulong yun. Bulong pero bakit parang pakiramdam ko naririnig nilang lahat. Nabasag ang katahimikan ng biglang nagsalita si Spencer.

"Ang sweet, a!" humalukipkip pa siya at naka evil grin. Baliw talaga. Ah! di ako makaupo, parang hindi ako makahinga. I should go to Brandi. Lumingon ako at nakita ko pa ang gulat na expression ni Danielle, saka pa lang siya nakabawi nang magsalita ako.

"Deyn, kay Brandi lang ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali na akong umalis papunta kay Brandi. Shemay! Nanginginig tuhod ko. Bakit ganun. Bakit parang kinilig ako. Nako! Hindi, galit nga ko diba! Galit ako. Grrrr.

Am i still not over him? Oh you better move on Samuelle Elise Hidalgo! Run for your life!


Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon