CHAPTER 23

975 23 0
                                    

May naririnig ako ingay sa labas. Anong oras ba ko nakauwi kagabi? Teka nga. Paano pala ako nakauwi? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Bakit may couch sa kwarto ko? Kailan pa ko bumili noon?

Teka. Naalala ko kagabi. Sa bar. May lalaking....Bumalikwas ako ng bangon at malakas na napamura dahil sa sakit ng ulo. Napahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo ko. Napakasakit. Pesteng hang over. Oo sige Samuelle. Maglasing ka pa. Maganda yan.

Nakangiwi pa ako ng unti unti kong pinasadahan ng tingin amg kwarto na tinulugan ko. Malaki ito. Doble ang laki ng kwarto ko sa condo. Puti ang walls. Ceiling ang kung ano pa. Ang comforter na nakabalot sa akin ay grey. Ganun din ang bedsheet at unan. At dios ko naman naka t shirt na ako. Paano ako nakapagbihis?

Tumayo ako at iniinda pa din ang sakit ng ulo ko. Nakaputing shirt ako at checkered na boxer shorts. Paglapat ng paa ko sa black carpet ng kwarto ay dumeretso ako sa isang window. Sinilip ko kung nasaan ako pero puro buildings lang ang nakikita ko. Nagpasya akong lumabas ng kwarto.

Bumungad sakin ang ingay ng blender. Hindi ko alam kung nasaan ako. Palinga linga pa ko sa paligid nang may magsalita.

"Goodmorning, princess." Nagulat ako kay James. So sa condo pala niya kami.

Wait. Hindi. Alam ko ang condo ni James. Luke. Spencer. Unti unti kong narerealize kung kaninong condo ako nang mapatingin ako sa picture frames nakasabit sa wall.

Nakita ko doon ang picture ni Matthew kasama ang daddy niya. Meron din doon silang pamilya. Bigla akog ginapangan ng hiya nang maalala ang nagyari kagabi. Dumeretso na ako sa living area at tumambad sa akin ang lahat ng kaibigan ko.

Si James na nakaupo sa sofa at nakahiga sa kanyang lap si Brandi na tulog pa. Si Drew tulala pa at mukhang kakagising lang. Sa tabi niya ay si Danielle na tulog din. Si Luke ay nakasalampak sa sahig at naninigarilyo. Napangiwi ako. Sa mas mahabang sofa ay nandun si Danica at Josh na tulog din.

Mukha kaming sabog lahat. Nagulat ako ng muling tumunog ang ingay mula sa blender. Nakakamangha at di pa nagigising ang mga ito. Lumiko at hinanap ang tunog ng blender. Dinala ako ng mga paa ko sa kitchen. Nakatalikod si Spencer at si Matthew. Both of them are halk naked at nakaboxers lang.

Mga walang hiya. May babae dito at ganyan sila. Errr. Naglalaway ako. Este! Nauumay! Nauumay tama. Dito kay Spencer walang malisya kasi incest e. Pero sa isa... pinilig ko ang ulo ko. Kakagaling ko lang sa isang masalimuot na break up at pinakitaan lang ako ng likod nakalimot agad.

What the hell is wrong with me?

Pinagmasdan ko sila. Si Spencer naghihiwa ng kamatis at si Matthew ang nagbblender. Nagulat ako ng lumingon siya. Nagulat din siguro siya at napatigil sa reaksyon ko. Lumingon din si Spencer.

"G-goodmorning." Pinagdikit ko ang paa ko. Ngumisi lang si Spencer samantalang si Matthew ay nakasimangot pa din. Galit? Nagpaalam si Spence at simabing ihahatid sa iba ang tomato juice na ginawa nila. Lumagpas ako sa kitchen counter at umupo ako sa isang upuan. Dalawahan lamang ang table na nakalagay dito pero merong tatlong makakaupo pa sa high chair sa may kitchen counter.

An awkward. Di kami nagkikibuan. Tumingin lang siya sa akin at magbuntong hininga. Nilapag sa harap ko ang tomato juice.

"Drink that. It's for your hang over." Di siya umupo sa bakanteng upuan. Humalukipkip lamang siya at pinapanuod ako sa pag inom. Medyo napangiwi ako sa lasa. At napangiwi pa nang mapatingin ako sa nakabalandrang katawan niya sa harapan ko.

"Sobrang dami mong ininom kagabi." Bumuntong hininga lang ako. Yes. I feel crazy and stupid
Ni hindi ko na nga alam ang rason kung bakit ako uminom. Parang tanga lang ang nararamdaman ko. Mabuti at sabado ngayon kung hindi lahat kami ay papasok na sabog sa mga klase namin.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon