CHAPTER 22

977 24 0
                                    

SPG: Language
------------------------------------------------------

Magiisang bwan pa lang ang nakalipas nang nalaman ko ang tungkol kay Monique at Marco pero pakiramdam ko ay kahapon lang yun dahil sariwa pa rin sa akin ang nangyari. I'am so depressed na hindi ko gaano napagtutuunang pansin ang mga kaibigan ko. Madalas ay umuuwi ako ng mas maaga o di kaya naman ay pinapatay ang oras sa gym.

Tinotoo din ni Matthew ang sinabi niya.

I'll be out of your life..

Pakiramdam ko ay nakadagdag depression iyon sa akin. Mas lalo kong nararamdamang mag isa ako. Pero ginusto ko ito hindi ba? Nakakasama ko pa din siya sa usual naming tambayan sa school pero hindi niya na ako nilalapitan. Soguro ay dinamdam niya ang sinabi ko. Am I that mean? Napabuntong hininga ako. Nandito alo sa bench kung saan kami madalas tumatambay. Wala akong klase ngayon dahil nasa isang conference sa Japan ang prof ko.

Nabalitaan ko din kila Danielle nung isang araw na nagdrop na si Monique sa school. Siguro ay lumalaki na amg tyan niya kaya ganun. Papakasalan ba siya ni Marco? O kaya ay nagpakasal na sila? Wala akong balita simula noong gabing iyon. Napabuntong hininga ako sa kawalan nang may sabay sabay na umupo sa benches. Si Luke, James, Spencer at Brandi. Sakin tumabi si Bran at yung tatlo ay nasa harapan namin.

"Let's go to Wild House later." Nagtaas baba taas baba pa si Spencer ng kilay sa akin pagkatapos sabihin yun. I'm really not in the mood to go to the bar right now.

"I think I'll pass." Bayolenteng nagreact ang lahat.

"Oh come on! Don't do this to us." Si Luke yun at kumunot ang noo. Ang nangalumbaba.

"Stop pushing us away Sam. Akala mo ba hindi namin napapansin iyon? Bakit ka lumalayo? Lagi mong gusto mag isa?" At nagsintemyento si Spencer. Tama sila. I'm not doing that intentionally. Hindi ko gustong layuan sila pero pakiramdam ko ay mas madalas akong mag isa ngayon dahil din iyon sa kagustuhan ko. Gusto kong laging mag isa lang.

"You know why Spence. Nagtatanong ka pa." Sabi ni Luke na nakapagpanumbalik sa pagiisip ko.

"Shit. That same asshole again? You gotta stop thinking about him,princess." James is using that word for endearment to me. Lahat kami ay may kakaiba siyang tawag. Yeah he's right. I think may nagbago sa akin pero di ko alam kung ano yun. Everytime naman na tumitingin ako sa salamin ay parehong mukha lang ang nakikita ko araw araw.

"No. You guys, should stop worryimg about me. I'm doing good." Isa isa ko silang tinignan.

"You're not a good liar Sam." Sabi ni Danielle habang may binubutingting sa phone niya. Nag angat siya ng mga tingin sa boys.

"Nasan si Matthew?" Oo nga no. Siya lang ang wala dito aside kay Josh na siguro ay nasa klase pa.

"Dating that chic again. That jerk." Ngumingisi ngisi pa si James habang sinasabi yun. Humalakhak naman si Spence at makahulugan akong tinignan.

Dating? Who?

"Damn it. Really?" Si Brandi na bakas sa tono ang kabiguan.

"Sino?" Sabay sabay nila akog tinignan nung magtanong ako. Ako na lang yata ang walang alam a. Eto na ba ang epekto ng hindi gaanong lumalabas? Bumuntong hininga si Bran bago nagsalita.

"Matthew is dating Paulette Villaflor." Ilang sandali pa bago nagsink in sa utak ko. Paulette Villaflor? Yung taga kabilang school? Napatingin ulit ako kay Brandi. How does she feel about it? Diba kamakailan lang ay...

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now