CHAPTER 49

768 19 5
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal bago humupa ang luha sa aking mata. Pakiramdam ko ay naubos na ang luha ko kaya huminto na ito sa pagsibol sa aking mata. Walang nangahas na sumunod sa akin kundi si Drew lamang. Siguro ay ayaw ng iba na makahalata si Paulette. Pakiramdam ko ay muli na namang uusbong ang mga luha ko dahil naaalala ko kung paano tumingkayad si Paulette at halikan si Matthew. Those lips, once was mine. I guess, he was never mine.

Kumalas aki sa pagkakayakap at inihilamos ko ang palad ko sa aking mukha bago tinignan si Drew. What I love about Drew, never did I saw her eyes full of pity. She's looking at me intently as if measuring me If I'm okay but no pity at all. O pwede rin namang madali niya itong naitatago.

"I'm sorry. I wet your clothes." Bahagya pa akong tumawa para bawasan ang tensyon. Ngumiti siya sa akin.

"You can wet them all." Sabi niya. Tumayo ako at ganoon din siya. Babalik ako sa suite. I can't go back there anymore. I know Matthew, he'll explain kahit nakaharap si Paulette and I don't want that to happen. She's so nice to get hurt.

"I'll join you in the suite. I'll call Spencer." Sabi niya nang marealize niyang tinatahak namin ang daan patungo sa mismong hotel. Agad ko siyang pinigilan.

"No. Go back there. I'll be fine. Hahanapin ka nila doon." I gave her a smile at para bang nagdududa siya sa ngiting iyon. Am I too obvious? Pinilit ko pa siya at napapapayag ko siyang bumalik doon. I don't want her to waste her time on me. Nakakahiya. Its a vacation and they all deserve enjoyment.

Nang makapasok ako sa hotel ay dumeretso ako sa mini bar counter na malapit sa pinto ng garden. Nag order ako ng isang bote ng Tequila at Jim Beam. Sinabi ko ang suite number namin para ihatid nila doon. I want to get drunk tonight. I know alcohol will not help but atleast one night to forget.

I have moved on from the previous relationship only to get hurt with the present one? May wawasakin pa ba sa akin? Parang wala na. Nang makarating sa suite ay binuksan ko ang sliding door ng veranda. I can almost taste the ocean in here. I hear those calm waves. Ilang sandali pa ay may kumatok. Must be the drinks. Hindi nga ako nagkamali. Ipinasok ng hotel staff ang isang mini cart. Nandoon ang drinks na sinabi ko. Meron ding isang platito na may ilang hiwa ng lemon, then salt. Isang kopita at may ice bucket. Nagpasalamat ako sa staff. Inayos ko ang veranda. Naglagay ako ng mini table at nilagay ang mga bote ng alak. Una kong binuksan ang Jim beam. Dere deretso ang lagok ko kahit na ba may kakaibang init na idinudulot ito sa lalamunan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang photos sa album.

May mga kuha na dito sa beach. I swallowed a lump nang makita ko ang mga sunod sunod na picture naming dalawa. We looked happy and in love. Fuck, masakit. Bakit ganito. Hindi ko namamalayan na napaparami na ang inom ko.

I saw our video, kung saan nandoon kami sa condo niya. I remembered uploading this video on Pacific East Youtube Channel. I'll delete it at home. I played the video.

"Ready?" Ako ang nasa camera at naririnig ko ang boses ni Matthew sa background. Inaayos ko ang anggulo para kita kaming dalawa. Umupo na ako sa tabi niya. We're so simple at this video, pareho kaming nkaplain white shirt lang. Nagsimula siyang magtipa sa keyboard.

When tomorrow comes
I'll be on my own
Feeling frightened of
The things that I don't know
When tomorrow comes
Tomorrow comes
Tomorrow comes..

Ang akala kong luha na ubos na ay kusang pumatak mula sa aking mata. Hindi ko tinuloy ang panunuod at nilapag ang phone ko sa lamesa. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiinom. I feel dizzy. I thougt this could help me ease the pain pero mas naggiging emosyonal. Pinatong ko ang ang braso ko sa mesa at yumuko. Ipinatong ko ang noo ko sa forearm ko at pumikit. Napabalikwas ako sa lagapak ng pinto. Tumayo ako pero biglang umikot ang panigin ko bago pa ako makahanap ng kakapitan ay may mga kamay na mahigpit na humawak sa braso ko. Tumingala ako at tumambad sa akin ang mukha ni Matthew na galit na galit. Sarkastiko akong tumawa.

Risk it All (Pacific East Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora