EPILOGUE

2.2K 39 6
                                    

Natapos na ang concert at paniguradong puputok na agad ang balita. Nandito na kami sa backstage at panay ang bati sa amin ng mga staffs.

"Congrats, bro!" May ilang tumatapik sa balikat ko at nginingitian ko lang. My eyes darted on her. Kayakap niyanang parents niya. Lumapit ako sakanila at nakuha ko agad ang atensyonng daddy niya. Tinapik niya ako sa balikat bago siya nagsalita.

"Take care of her." Inakbayan ko si Elise at maramdaman kong pinaikot niya ang kanyang braso sa aking katawan.

"I will Sir." Umalis na ang kanyang mga magulang. Bigla naman sumulpot sina Spencer. Nakipaghighfive ako sakanila at nakipagtawanan. Nakita kong humikab si Elise kaya bumaling ako sakanya.

"Let's go home." Hinawakan ko ang kamay niya.

"We'll go home, too. Bukas pa ang after party sa Wild House. Double celebration, bro." Tumango ako. Mabuti at bukas pa. Gusto ko muna siyang masolo. And also, I have a lot of explaining to do. Pero bakas na sakanya ang pagod at antok. I might do it first thing tomorrow.

Nasa sasakyan kami ay tahimik lang siya. Halos kada limang segundo ay sinusulyapan ko siya. Nang magtraffic ay tinitigan ko siya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Napansin ko ring ginagalaw galaw niya ang singsing sa kanyang daliri.

"Nagustuhan mo ba?" Pinaandar ko muli ang sasakyan ko ng mag-go ang traffic lights pero hindi nkatakas sa paningin ko ang pagngiti at pagtango niya.

I'm really amazed by her beauty.

"Sobra. Gustong gusto ko ito. Pero sobrang masaya ako na nandito ka na. I hoped for you to come back but heaven gave me a bonus." Her voice is naturally husky and sexy when talking. Her words sent warm feelings to my heart and I can't help but smile like and idiot.

Panay na ang hikab niya sa sasakyan kaya naman pagdating sa unit ko ay sinabihan ko kaagad siyang magpahinga. Nilibot niya ang tingin niya sa paligid.

"I missed this place." Binuksan niya ang glass window ko at sinalubong ng mabining hngin ang kanyang mukha. Nililipad rin ng hangin ang kanyang buhok. Niyakap ko siya mula sa likod. God, I miss the warmth if her body. I miss her every single day at kahit sa panaginip pakiramdam ko ay totoo siya.

"I love you, Matthew. I thank God that you came back." It was a whisper pero malinaw ko pa rin itong narinig. Noon, pinapangarap kong mahalin niya ako katulad ng pagmamahal ko sakanya. I thought it will only remain a dream. But she granted it.

"I love you more, Mrs. Romero." I kissed her hair. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat at nakita ko siyang pumikit. I really want to kiss her. Again and again. Marahan ko siyang iniharap sa akin. I pulled her closely and gave her a kiss on her beautiful lips.

I feel home. She is my home. I'm literally home. Ikinawit niya ang kanyang braso sa aking leeg. Damn. I want her to sleep because she's tired but she's giving me this... Ugh!

Nagmulat ako ng mata at bahagyang nasilaw sa pangumagang sinag ng araw. Last thing I remember is kissing Elise. We made love and we fell asleep. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan kong naka-tattoo sakanyang forearm. She's marked by mine.

Was it all a dream? Dinama ko ang kabilang side ng kama at wala siya doon. Where the hell is she? Bumangon ako at nakitang ala una na ng hapon. Damn it!

Umuwi kaya siya? I didn't bother checking my phone. We made love all night. Yeah, I took her over and over again. Lumabas ako ng kwarto habang nagsusuot ng t shirt. I called for her name pero wala siya. Dumeretso ako sa kitchen at wala rin siya, tanging isang baso lang ng tubig ang nandoon.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now