CHAPTER 36

892 23 1
                                    

Tapos na ang midterm namin pero hindi pa din ako makahinga ng maayos dahil may isang major pa ako na hindi pa napagtatagumpayan. Ngayon ang pasahan ng unang canvass namin at kinakabahan ako.

Gabing gabi na ako natapos kagabi at alam ko sa sarili ko na maaaring hindi ko maipasa itong midterm dahil hindi ako satisfied sa pininta ko. Isang romantic na lugar ito. Isang garden na ang langit ay punong puno ng mga bituin. Hindi ko alam bakit ito ang pininta ko. I just couldn't find a goddamn inspiration.

Halos araw araw din naman kami nagsasama ni Matthew, minsan sinusundo niya ako at sabay kami pumapasok pag may pagkakataon pero palaging sinusundo niya ako at inuuwi sa bahay. Kaya naman madalas hindi na ako nagdadala ng kotse. Pero ngayon ay dinala ko ito dahil maaga akong papasok dahil isa isang ichecheck ng prof namin yung mga canvass.

Nakalagay ang earphones sa tenga ko at sinusubukan kong magrelax pero di ko magawa. I'm really nervous. Dalawa na lang kami ng kaklase ko ngayon na naghihintay tawagin ng prof. Nakatanggap pa ko ng text kay Matthew.

Matthew: How was it? Break ko sa training.

May training din dapat ako sa volleyball pero nagapexcuse muna ko kay Brandi dahil dito. Napaayos ako ng tayo ng bumukas ang pinto ng classroom namin at timawag ang apyelido ng kaklase ko.

"Morales." Agad pumasok ang kaklase ko sa classroom. Shit. I feel nervous. Sana ay may dahilan kung bakit ako ang last. Save the best for last ika nga! Bumuntong hininga ako at isinandal ang likod ko sa wall habang bitbit sa kanang kamay ang canvass. Nagtipa ako ng reply kay Matthew.

Ako: I'm nervous. Ako ang last.

Agad naman siyang nakapagreply sa akin.

Matthew: Don't be. Text me when you're done. Be back on training.

Hindi na ako nagreply. Sa wakas ay lumabas ang kaklase ko. Sumulyap lamang siya sa akin at dere deretso ng umalis. Tinanggal ko ang earphones ko sa tenga at naghahanda na sa pagtatawag ng prof ko. Sumilip siya sa may pinto at tinawag ako.

"Miss Hidalgo. Inside please." Tumango ako at bumuga ng malakas na hininga. Just please. Please. I'm so freaking nervous.

Pumasok na ako sa loon ng classroom namin. Nadatnan ko ang prof mo na hindi man lang nag angat ng tingin sa akin mula sa papel na sinusulatan niya ng kung ano. Tumikhim ako.

"Sir." Saka lang siya nag-angat ng tingin sa akin. Iminuwestra niya ang wooden stand kung saan walang canvass na nakalagay. Lumapit ako doon at ipinatong at canvass ko at pagkatapos ay tumayo sa gilid neto. Tinignan ko kaagad ang prof ko na nakatingin ng mataman sa painting ko. Matamang tinitignan ang tamang kombinasyon ng kulay. Yung itim na langit na mayga bituin. Yung puno at mga damo. Yung upuan na walang taong nakaupo.

"The color is good. Like a real park in the view of evening actually.." tumatango ako sa sinasabi niya. Pero natigilan ako sa dinugtong niya. "Which makes your painting boring." Saka siya tumingin sa akin. Fuck. Napatigin ako sa sahig. Kinagat ko ang labi ko. I knew it. This is failure. Wala akong masabi. Napatingin ako sa prof ko ng nagbuntong hininga siya.

"You lack of inspiration. You see, Miss Hidalgo, art is the definition of what you really feel inside that when you express it, its so unreal yet so predictable, so definable. What is your exact feeling when you painted this?" Napatingin ako sa canvass ko. What am I feeling? Hindi ko alam. Basta ang alam ko nagmamadali na lang akong ipinta ito dahil nauubusan na ako ng panahon.

Tiningnan ko ang prof ko. I need to bw honest here. "I really don't know, Sir." Kinagat ko ng mariin ang labi ko nang napailing siya.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now