CHAPTER 31

968 24 1
                                    

Isang oras pagkaalis ni Matthew sa gallery ay umuwi na ako. Nag cab nla lang ako. Tinawagan ko si Spencer.

"Why?" Mukhang magkakasama pa din silang lahat dahil naririnig ko sila Danielle sa background.

"Just wanted to know how can I get my car keys." Tumingin ako sa labas ng bintana.

"Where you at? Fine. Ihahatid ko sa unit mo. Ouch." Nagulat ako ng umaray si Spence sa kabila.

"Sam. Okay ka na? Sasama ako kay Spence sa unit mo." Napangiti ako kay Drew. She really is sweet and so thoughtful. Swerte ni Spencer!

"Yes yes yes. I'm okay Drew. Okay sige. I'll see you." Pinutol na namin ang linya. Nakarating na ko sa unit ko. Parang pagod na pagod ako. Sumalampak kaagad ako sa sofa.

Baka padating na din sina Spencer maya maya. Minabuti kong magshower muna dahil may mga bakas pa ng pintura sa kamay ko.

Saktong nakapagbihis na ko nang may nagbabuzzer sa pintuan ko. Pagbukas ko ng pinto ay malaki agad ang ngisi ni Drew sa akin. Hinalikan niya ko sa cheeks at kita ko si Spencer sa likuran niya na ngumunguso habang nakahalukipkip. Pinatuloy ko sila sa loob.

"Where is Matthew?" Napatingin ako kay Drew na matamang nakatingin sa akin.

"Umalis e. Ihahatid yata si Paulette." Kumunot bahagya ang noo ni Drew at Spencer.

"Talaga? Iniwan ka? Imposible." Sabagay. Nasanay kasi sila na hindi ako pinaoabayaan ni Matthew. But its different now.

"Oo. Alis ni Paulette mamaya." Umiwas ako ng tingin. Ayokong malaman nila ang nangyari sa amin kanina. Hindi naman sa ayoko dahil ayoko. Pero ayoko kasi it is private. I mean.. I don't know. Mukhang kuntento naman si Spencer aa paliwanag ko pero ang mga titig ni Drew sa akin ay parang gusto kong umamin. Naaasiwa ako. Bigla na lang siyang ngumiti sa akin. Weird.

Nang makaalis na sila Spence ay nagpahinga ako. Pinaalala lang ni Spence yung mga gagawin mamaya. Ako siya at si Luke lang kasi ang pwede mamaya. Si James hahabol lang dahil may inaasikaso sa business nila. Matthew. Well. Busy.

Inabala ko ang sarili ko sa pagsearch sa google nang mga pwede kong konsepto sa canvass ko. I need to move kug ayaw kong magka back subject sa semester na ito.

Madami akong nakita kagaya ng freedom. Patriotism. Wala akong mapili. Ewan ko ba bakit ganito. Malapit nang matapos ang semester na ito. Kailangan ko na ayus ayusin dahil next sem ay ojt na. Mahirap kung may klase pa habang may ojt.

Napagpasyahan kong magliwaliw muna sa facebook. Panay scroll lang ako sa newsfeed at may nakita akong post ni Paulette.

Paulette Mae Estrada: Goodbye PH for now. Surely will miss this guy.

Selfie niya iyon. Nasa labas ng airport at nasa likod niya si Matthew na nilalabas ang bagahe niya mula sa backseat. Posted five minutes ago.

Oh. Paulette is really into him huh? Sa nakikita ko mukhang matino naman tong si Paulette hindi katulad noong mga babae noong highschool na ginagawang trophy boyfriend at atm si Matthew. So she must be good.

Hindi ko na tinignan ang mga nga like at comment. I clicked the like button then I unliked it. Teka. Ano ba dapat. Eee. Ni click ko ulit ang like button.

Panay scroll ako hanggang sa may friend ako sa facebook na nag share ng article. 5 Steps of Moving On

I was tempted. Kinagat ko ang lower lip ko at ni click ang article na iyon. Binasa ko ang description. Ito daw ang madalas na ginagawa ng mga babae para makapag move on. Nakalagay pa dito na try to follow the steps in chronological order. This is crazy. Im not fond of reading this stuff!

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now