CHAPTER 1

3.7K 66 1
                                    

Kakatapos ko lang maligo. Napatingala ako sa wall clock sa room ko.

six twenty five.. medyo maaga pa. May time pa ko makapag ayos. Binuksan ko yung closet ko at namili ng isusuot. Hmm. Ano ba. Dress? No. Hindi ako sanay magdress. Halos mapunit na yung damit ko na nakahanger sa kakahawi ko dahil di ako makapili. Hanggang ngayon nakatapis pa din ako ng tuwalya. Nakakainis a! Ba't ba ko nageeffort na maghanap ng damit e parang dati naman wala lang sakin mga sinusuot ko.

Ang sabihin mo gusto mo maayos itsura mo sa pagkikita niyo ni Matthew! my gosh naririnig ko na ang traydor ko kunsensya! No! I should act normal. Umayos ka Samuelle!

Pinili ko ay isang high waisted denim shorts at black and white stripes na cropped top shirt at black keds. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko ang sarili ko. Naglagay ng kaunting blush on and peach lippy. I don't put too much make up pakiramdam ko kasi ang bigat ng mukha ko. Nang makuntento na ko sa sarili ko. Kinuha ko na yung sling bag ko at nilagay doon ang wallet ko at cellphone. Lumabas na ko ng kwarto at pinulot ang car key sa may kitchen counter.

Sumakay na ako sa elevator. While waiting na makarating sa basement, napapaisip ako habang tinitignan ang mga numero sa taas. Nasa 14th floor pa kasi ang unit ko. Well, ano ba dapat ang maramdaman ko? Wala naman diba. Normal naman yung nangyari sa amin. Umalis siya. Namili ako. Pero I hate him! I hate him na pinangunahan nya ako that night. Ni hindi man lang niya pinakinggan kung anong maggiging desisyon ko. Pinaniwalaan niya agad yung iniisip niya. Nasira tuloy yung samahan naming dalawa.

Friends pa din kami sa facebook, we followed each other sa instagram. Sa part niya walang bitterness e, 'cause he tried to fix what's broken pero ako tong nagmamatigas. Pakiramdam ko lang kasi naiinis ako na di man lang niya inalam yung totoo. Pero mali din naman ako diba. Pero sakanya ko talaga sinisisi lahat. Kasi parang dahil sakanya... Ahhh! Walang'ya! Tama na nga! He's moved on. I should, too. I'm with Marco for goodness' sake!

Nakarating na ako sa basement. Unlocked my car at sumakay na sa passenger seat. Napabuntong hininga pa ako bago pinaandar ang sasakyan. Meron akong naalala e.

Alam kaya ni Marco na bumalik na ang kapatid niya? Kung alam niya, imposibleng makalimutan niyang banggitin sa akin 'yun. Marco and Matthew had a row before the latter left, and it's all because of me. Hay.

Nakarating na ako sa bar. I saw familiar faces at binabati ko sila o di kaya'y nginingitian hanggang sa nakarating na ako sa usual spot namin. There I saw Monique, kumaway sya sakin. I waved back, Monique is also a friend of mine. Magkaklase kami sa isang minor subject. Sila ni Spence ang magkakamajor. Sa tabi niya ay ang may kalandiang si Spencer. Kaidri talaga ang isang to! Maganda ang babae, morena, at kinapos sa tela ang damit. Dumeretso na ako sa table namin.

"Sam!!!!" tumayo si Monique at nagbeso kami, she's wearing a tube black dress na hapit sa kanyang katawan at pumps. Diosmio makakasayaw ka pa ba! Si Spence na napansin ang presensya ko saglitang tumigil sa paglapa sa katabi niya sumaludo pa sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay, at bago pa siya makapag react ay hinatak siya ng babae at nilapa este hinalikan. Ewww! Get a room!

"Hi! Where's James and Luke? Brandi?" luminga linga ako sa paligid. There I saw Brandi sa pwesto ng DJ malapit sa bar counter, maingay sa paligid. But I know, di pa si Brandi ang humahataw. Di pa wild ang mga tao e. Napaparanoid na ako. Plainga linga ako sa paligid na parang timang.

"Huy! Sino hinahanap mo? Maupo ka kaya! Parating na din yung iba!" tinapik ni Monique ang bakanteng pwesto sa tabi niya at umupo ako. Ininom ko yung shot na inabot ni Spence sa akin, napangiwi ako ng konti sa unang inom. Vodka. Wala na din yung babaeng lumalapa sakanya kanina.

"O, nasan na yung kalandian mo?" hayagan talaga kami mag usap na magkakaibigan. Humalakhak lang siya sa tanong ko. Napailing talaga ko. Kaidiri talaga to. Eeeee. Di pa ko natahimik kakasermon sakanya.

"Sabi ko naman sayo Spence, settle for one girl. Kadiri ka. Kung sino sino. Ew. Baka mamaya magka STD ka na niyan!" nasa kalagitnaan pa lang ako ng dialogue ko marahas niya akong nilingon at pinitik sa ilong. Aw! Napahawak talaga ko! Ang sakit! Sasakmalin ko na sana e. Kaya lang pumagitna tong si Monique.

"Hayaan mo siya, Sam. Nako di yan magsettle sa isang babae lang! Sana makahanap ka ng katapat mo. O kaya makahanap ka ng kakabaliwan mo." tumatango tango ako sa statement ni Monique.

"That's impossible, ladies. Women came rushing to me. They just can't resist my charm. Sila ang nababaliw." sabay evil grin. Ang yabang talaga ng isang to! I swear pag nainlove to sagot ko lahat ng alak ng mga iinom dito! Joke.

"Pero seryoso Spence, umayos ka naman." umiiling akong lumilingon sknya. Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa may entrance ng bar. OMG! Naramdaman ko talagang unti unting lumaki yung mata ko! Teka, wait! Expected ko na to a. Dadating siya pero iba pa din talaga pag live na! Di ko alam kung tatayo ako o ano! Aalis na ba ko! Pupunta kay Brandi! I was about to stand pero hinila ako paupo ni Monique.

"Samuelle Hidalgo! Umayos ka. Wag kang umalis. Act normal!" pabulong pero ramdam ko ang diin sa bawat salita ni Monique, Spence on the other hand ay inabutan ako ng isa pang shot. Walang tanong tanong kong ininom 'to. I heard him chuckle. Pag lapag ko ng baso sa table, napatingin ulit ako sa taong dumadating. To my surprise, he is looking at me, too. With a blank expression. Oh my gosh this is gonna be one hell night!

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now