CHAPTER 28

964 27 0
                                    

Kakatapos lang namin magkape. Malakas pa din ang ulan hanggang ngayon. Napalingon ako sa naghihikab na si Sam. Im standing here, nakadungaw sa kanyang bintana. Nakaupo na siya sa mahabang sofa.

"You should sleep now." Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang alas dos na ng madaling araw. Tumango lamang siya. Lumapit na din ako sakanya at sumalampak na sa sahig. "Dito ako matutulog sa sahig." Tumayo siya at may kinuha sa may bandang kitchen niya. Pag labas niya ay isang malong at kinuha niya ang throwpillow sa may bintana.

"Use this. Panapin mo sa likod mo." Tinanggap ko ito at may sarili din siyang malong at unan. Humiga na siya at akmang babangon ulit. "I forgot to turn off the lights." Pinigilan ko siya at tumayo ako.

"Ako na. Should I open the lamp?" Nilingon ko siya at tumango lamang siya habang humihikab. Napangiti ako. She is so lovely when she's so bare. I opened the lamp first then I turned off the lights.

Isang oras mahigit na pero di ako makatulog. Hinubad ko ang shirt ko at pinatong sa katawan ko. I just can't sleep. Its really hard to sleep when she is beside you, you know. I heard her cough. Napalingon ako. Bakit ba to nagpabasa ng ulan? Hindi pa din siya tumitigil sa pag ubo. Bumangon ako.

"Elise." Bahagya ko siyang tinapik sa braso. Nakatalikod siya sa akin. "Do you want me to get you some water?" Tumango lamang siya. Its quarter after three in the morning. Nang makabalik ako ay tinapik ko muli siya. Bumangon naman siya.

"Are you okay?" Huminga ako ng nalalim at bahagyamg kumunot ang noo ko. "Baka magkasakit ka. Bakit ka nagpaulan?" Nagpasalamat siya sa tubig at inabot sa akin ang baso. Inilagay ko ito sa long table niya. Paglingon ko sakanya ay nakahiga siya muli. Idinikit ko ang likod ng palad ko sa kanyang noo. Wala pa naman siyang lagnat. I sighed on relief.

I sat down in front of her. I raised my brows waiting for her to answer. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Na flat tire ako kanina. Ang tagal bago ko napalitan yung gulong kaya basang basa ako sa ulan pagdating ko dito. Natuyo na halos sa katawan ko." I was stunned. Damn it! Why didn't she call me? Napakahirap magpalit ng gulong for heaven's sake. At ulit. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil doon. Kung hindi ko siya napagsalitaan edi sana hindi siya aalis at hindi mapa flat.an ng gulong.

"I can't call all of you dahil namatay ang phone ko. Its okay. Atleast natuto na ako magpalit ng flat tire." Bahagya pa siyang humalakhak. No. A princess like her should not change flat tires damn it! I was about to say something pero tulog na siya. Banayad na tumataas baba ang balikat indikasyon na siya ay tulog na. Humiga na din ako. Nakakabaliw talaga ang babaeng to.

Nagising ako sa ingay na nadidinig ko. Its like someone's panting or coughing. Dumilat ako, pinailaw ang wristwatch ko. Ten minutes to four. Pinakiramdaman ko si Sam sa sofa. Bumangon ako dahil panay ang ubo niya. Gigisingin ko sana siya but I heard her moan. Is she...

I touched her forehead. Shit! She's burning! At bahagya siyang nanginginig. Tangina. Tumayo ako at binuksan kaagad ang ilaw. Isinuot ko ang shirt ko.

"Elise. Elise." Pero ungol lang ang tanging sagot niya. Kinukumbulsyon yata siya dahil sa taas ng lagnat niya. Kinuha ko ang phone ko na nakalapag lang sa may long table. I should call my sister.

Hi. This is Mandy. Sorry I can't talk to you right now. Feel free to leave a mesaage after the beep.

Nasa kalagitnaan pa lang ng answering machine ay nagmumura na ako. Nang magbeep ay nag iwan ako ng mensahe.

"Hey sweety. Its me. Call me as soon as you get this." Basta ko na lang inilapag ang cellphone ko at binalikan si Sam.

"Hey. Hey. Can you talk to me?" Fuck!" We can't stay here. Hindi ko siya maaalagaan dito. She need meds and a decent food. Binulsa ko ang phone ko. Sasamantalahin ko ang pagtila ng ulan. Binuhat ko siya in a cradle position habang nakabalot sakanya ang balabal niya. Maingat akong bumaba sa hagdan. I unlocked my car door. Inilapag ko siya sa passenger seat. Nakakunot ang noo niya at mariing nakapikit
I reclined her seat at kinabit ang seatbealt. Nakatagilid siya paharap sa akin. I touched her face at parang napapaso na ko sa sobrang init niya.

Risk it All (Pacific East Series #1)Where stories live. Discover now